Chapter 10 : Night Falls
Wah! Buti na lang at tapos na! I am free to rest! Pumasok ako sa kwarto at agad na humiga sa kama. “Baka nakakalimutan mong dyan ako?” biglang sabi ni Nol at ihinagis sa sahig ang sapatos niya.
“Leche.” tanging nasabi ko at tinatamad na lumipat ng kama. Dumapa ako at pinikit ang mga mata ko. Buong katawan ko masakit. Nag-mop at nagbuhat ba naman.
“Tumayo ka dyan. Kakain tayo ng hapunan.” I heard Nol.
Tinatamad akong tumayo. Humikab ako. “Mabilis lang ha? Gusto ko ng matulog.” sabi ko.
Lumabas kami ng kwarto at pumunta sa isang restaurant na nasa labas ng BC Hotel. They are serving different kinds of seafood meals. Malapit lang din kasi ang Bronze Cove sa dagat at sa pagkakaalam ko ay merong mga palaisdaan dito.
Pagpasok namin sa loob ng restaurant, walang gaanong tao. Umupo kami sa table for two sa tabi ng dalawang babae na kumakain.
“Spicy crab and iced tea, please.”
“Same here.”
While we’re waiting for our order, a woman who’s in her 40s approached us.
“Hello. We are making a video about Bronze Cove. Documentary gano’n. Pwede bang tanungin kayo?” she asked politely.
“Sure. About what?” sagot ni Nol bago ko pa sabihin ang salitang ‘No.’
Seriously, feeling ko hindi kami agad matatapos! Gusto ko ng magpahinga!
“I am Katherine Velasco. My team and I are here for a documentary. Base na rin sa mga itsura niyo, hindi kayo taga Bronze Cove. Ilang days na kayo rito?”
“Actually, first day namin ngayon.” sagot ni Nol.
May nakatutok na camera samin kaya medyo naging uneasy ako. Ayoko talaga ng mga ganito.
“Oh? First day niyo ngayon?” gulat na tanong ni Katherine.
Tumango kami ni Nol. “If I am correct, estudyante pa rin kayo.” ani Katherine.
“We are from Holmes’ House of Detectives.” sagot ni Nol.
Nanlaki ang mga mata ni Katherine. “Really?! So you are detectives?!”
“Aspiring—”
“Yes, we are.” nilingon ko si Nol at pinagsalubungan ng mga kilay. What? We are still students! Trainees! Hindi pa kami official na detectives! Baliw na yata ‘to.
Kumunot ang noo ko nang tumayo ang isang babae mula sa kabilang lamesa at lumapit samin. “You are detectives?” tanong niya. She got this anxious expression. Parang may malaki siyang problema.
“We are detectives. Anong maiitutulong namin sa’yo?” tanong ko.
‘Yung kasama ni Katherine na lalaking may hawak na camera ay itinapat doon sa babae.
“I have a big problem.” sagot ng babae.
Tumayo na rin ang kasama niya pang babae at lumapit din samin.
“Tell us how big it is.” seryosong sabi ni Nol.
“I am Melly and this is my cousin Joan. Our house is being haunted by a ghost.” sagot ng babaeng unang tumayo kanina.
“Ghost?” natatawang tanong ni Nol.
Siniko ko siya. Hinarap ko si Melly. “Uhm, sigurado ba kayong multo iyon?” tanong ko.
They both nodded. “This is interesting.” ani Nol at sumandal sa backrest ng kanyang silya.
“Tell us more about it.” sabat ni Katherine.
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...