Chapter 15 : Departure

2.3K 100 4
                                    

Chapter 15 : Departure

“Shocks! Excited na ako sa camping!” ani Agnes. After class, pinatawag lahat ng mga trainees sa gym para ipaalam sa lahat na kung sino ang roommate mo, siya ang kasama mo sa tent.

The tents are provided by the school kaya wala na kaming naging problema roon. Ang problema lang ngayon ay ang mga pagkain na dadalhin namin. Kinabukasan, kanselado ang mga klase.

We are allowed to go outside the Holmes’ to buy foods. Nasa dorm kami ni Agnes ngayon at inaayos ang mga gamit namin sa maleta. Yes, maleta talaga. Provided din ng school.

Rich? Well, yeah.

“After this, mag-grocery na tayo.” aniya. She’s really looking forward to this camping while me, feeling ko magiging boring lang iyon.

Bandang 12PM kami natapos sa pag-aalsa balutan ni Agnes. We were both hungry so went to the canteen. Kakain muna kami bago pumunta sa grocery— or convenience store or maybe, supermarket?

I bought one slice of Hawaiian pizza and a canned mountain dew. Si Agnes naman ay bumili talaga ng chicken fillet with rice pa.

“Oo nga pala, that Winston.” aniya. Nagsalubong ang mga kilay ko habang iniinom ang mountain dew.

“O, napano?”

“Ang gwapo, ha. Masungit type of a guy. Matalino rin ba? Magmula kasi nu’ng Monday, pinag-uusapan na siya.” sabi ni Agnes.

“Well, hindi ko masasabing matalino nga siya since hindi ko pa nakikita ang kakayahan niya. But we’ve met him before.” sagot ko.

“We’ve? Chaka kilala mo na siya dati pa?”

“Nu’ng nagkaroon kami ng community service sa Alanca. Doon namin siya nakilala. He is indeed an arrogant jerk. Pinaramdam niya nga samin na welcome kami sa clinic na iyon, eh.” note the sarcasm there.

“Talaga? Edi si Nol kilala niya rin?”

“Yep,”

“Ano pang impormasyon ang nalaman mo sa kanya?” she asked.

“He is called as the Alanca’s Detective.” sagot ko. Naubos ko na ang pizza at hinihintay ko na lang matapos si Agnes.

“Wow! He must be a smart guy, too! Nako, dumadami ang kalaban mo.” she chuckled. Tumaas ang kilay ko.

Dalawa lang naman sila. Tss.

Matapos kumain, nakasalubong namin si Nol na papunta sa canteen. “Hi, Nol!” bati ni Agnes.

Tumango lang si Nol sa kanya. “Saan kayo pupunta?” he asked and turned to me.

“Supermarket,” agad na sagot ko.

“You’re going to the supermarket?” sumulpot si Winston. Nakangisi.

“Kakasabi ko lang.” sabi ko at umirap.

“Sasabay na kami,” aniya at tinuro si Nol.

“Teka, ano?” gulat na tanong ko.

Hinampas ako ni Agnes. Napatingin ako sa kanya.

So close na sila ngayon?

Lumabas kami ng Holmes’ House. Sinabi ni Nol na hintayin daw namin si Henry. Siya raw ang sasakyan namin papunta sa supermarket.

Nakapamulsa si Winston at tina-tap ang isang paa sa daan. Si Nol naman ay nakahalukipkip. Agnes is clinging on my arm. “Ang gwapo nilang dalawa. Swerte mo,” bulong niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko bago nilingon ang dalawa. “Pinagsasabi mo?” naiirita kong tanong.

“Ang swerte mo kasi hindi lang sila gwapo. Matalino rin.” aniya.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon