Chapter 28 : Get Well Soon

2K 92 8
                                    

Chapter 28 : Get Well Soon

Ilang araw pa akong naka-confine sa hospital. I already asked Nol kung nasaan si Winston. He told me na nasa kabilang kwarto siya at nagpapahinga. Dumating daw ang Ate niya para bantayan siya.

“Si Agnes?” I asked while looking at him slicing the apples.

“Hindi pa siya nagigising,” sagot ni Nol nang hindi tumitingin saʼkin.

Napatitig ako sa ceiling. Agnes. Sa aming lahat, siya ang napuruhan.

May naalala ako bigla kaya napatingin ulit ako kay Nol. “Si... Sir Michael? Nahuli ba? What happened to him?”

Inilapag ni Nol ang sliced apples na merong toothpick sa kama. Umupo siya pagkatapos.

“Nahulog siya sa bangin— nasaklolohan siya at agad na dinala sa hospital but he is dead on arrival,”

Napakuyom ako. Heʼs dead? Without even feeling my wrath? I want him alive so I can slap him hard on his fucking face multiple times— no Iʼd rather punch him.

Sobra sobra ang ginawa niya sa amin. We treated him nicely tapos ganito?

“Itʼs okay. At least we are safe and alive,” Nol stood up.

“Where are you going?” I asked nang makita siyang binuksan ang pinto.

“Iʼll check, Winston.” aniya.

“Sasama ako,”

We stared at each other bago siya yumuko.

🔍🔎

Tulak tulak ni Nol ang wheelchair habang papunta kami sa kwarto ni Winston na katabi lang ng kwarto ko.

He knocked two times. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad saʼmin si Belinda. Winstonʼs sister.

“Nol! Keena!” she greeted and forced a smile.

“Gusto niya raw makita si Winston,” sabi ni Nol. Belinda nodded and opened the door widely for us. Pagpasok namin, Winston is there. Peacefully sleeping.

Gaya ni Nol, may band aid din siya sa mukha. May mga sugat pa siya sa braso.

I suddenly want to see Agnes. Kung ganito ang itsura ni Winston at Nol, si Agnes pa kaya?

“Kamusta na siya?” I asked.

“Heʼs fine. Gising siya kanina pero natulog din. He needs to recover,” sagot ni Belinda.

Tumango ako. “How about you?” tanong niya naman sa akin.

“Iʼm feeling better,” sagot ko.

Paglabas namin ni Nol sa kwarto ni Winston, tinanong ko naman siya kung nasaan ang kwarto ni Agnes.

“Kailangan mo ng magpahinga. Idi-discharge ka na mamaya,” he said.

“But—”

“No buts, Miss.” he opened my roomʼs door.

Damn. Bakit ba siya ang nandito? Oh, right. Pinaalis ko nga pala sila Mama noong isang araw.

“I want to see Agnes. I want to know if sheʼs okay—” natigilan ako sa pagsasalita nang ipatong ni Nol ang magkabilang kamay niya sa wheelchair.

Yumuko siya. Ako naman nakatingala. “Stubborn. Hardheaded. Stupid, Lady.”

Wow, that was straightforward.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon