Chapter 37 : The Business World

1.9K 94 5
                                    

Chapter 37 : The Business World

Weeks have passed. Itʼs already September. Parang kailan lang nagsimula ang klase. Parang kailan lang, nadamay kami sa isang abduction. Halos mag-iisang buwan na ring hindi pumapasok si Agnes.

After our vacation in Paloa, pinayagan kami ni Sir Martin na bisitahin si Agnes sa kanila. He called Agnesʼ parents para ipaalam sa mga ito na pupunta kami.

Nang makarating na kami roon, we are greeted by their maids. Dinala nila kami sa living room at tinawag si Tita Amy. Wala raw ang Papa ni Agnes at may inasikaso.

“Tita,” I greeted.

“Good morning po,” pagbibigay galang nila Nol.

She looks different. Sheʼs gotten more thin. Mukha siyang pagod at stress.

“Kamusta po kayo?” I asked. Pilit siyang ngumiti sa akin.

“Ayos lang ako, Hija. Gusto niyo bang makita si Agnes?” she asked.

I nodded. Pati sina Nol ay tumango na rin.

We went upstairs. Tahimik kami habang naglalakad paakyat pero nagsalita rin si Tita.

“Hindi ko alam kung makakausap niyo siya. Sheʼs not talking to anyone. Kung magsasalita man siya, madalas ang sinasabi niya ay binugbog siya.” nanginig ang boses niya habang sinasabi iyon.

I know sheʼs deeply hurt. Sino ba namang magulang ang may kaya na makita ang anak na nahihirapan?

Napangiwi ako nang maalala si Papa. Scratch that, heʼs not my father.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ni Agnes, hinarap ako ni Tita.

“Naglagay kami ng CCTV sa loob ng kwarto niya para kahit papaano ay mamonitor namin siya.” aniya. I nodded.

She opened the door. Agad kaming sumilip sa loob. The room is neat. Maayos ang kama, ang mga gamit, malinis.

Then I saw her. I saw my friend hugging her own knees while sitting on the windowsill and looking outside.

Nakatulala lang siya sa labas ng bintana. Tikom ang bibig. Makikita pa rin ang mga pasa at mga peklat ng sugat sa braso niya. Sheʼs wearing pajamas kaya hindi makikita ang mga nasa paa.

“Weʼll wait for you downstairs,” bulong ni Nol sa akin at naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko bago sila umalis.

The door closed. Nakatitig lang ako kay Agnes. Then my tears fell down. I canʼt explain the feeling. Half happy because sheʼs safe now. Half sad because of her situation.

I miss her so much. I miss her hyping me. Her bubbly personality. Her happy-go-lucky smile.

“Agnes,” tawag ko sa kanya bago lumapit. I sat on the windowsill, facing her.

“Look at the sky,” aniya sa paos na boses. I took a glimpse on the sky.

“The sky looks peaceful. Ano kayang pakiramdam ng nasa langit?” aniya nang hindi tumitingin sa akin.

“Agnes!” I blurted out. “Donʼt say such things like that!”

Maya maya pa ay tumulo ang luha niya. “Binugbog nila ako.. S-Sinaktan...”

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. “B-Binugbog nila a-ako, alam m-mo ba 'yon?”

“Miss k-ko na s-siya...”

“Who?”

“S-Si Keena... Miss k-ko n-na 'yung b-best friend k-ko. G-Gusto k-ko siyang makita... Si K-Keena...”

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon