Chapter 31 : Arrival

2.1K 96 6
                                    

Chapter 31 : Arrival

“Well, you did a great job and my father wants to give you this reward.” sabi ng babaeng may short hair. Sheʼs beautiful and elegant. Bumagay sa kanya ang kanyang business attire.

Sheʼs Emma Sion. Daughter of Garry Sion— owner of Holmesʼ House of Detectives.

Yes! In-explain sa amin ni Emma na magkasabwat si Sir Martin at ang kanyang ama sa paggawa ng mga tasks at codes sa amin.

“He wanted to test the popular Detective Trainees of Holmesʼ House.”

Napatango tango naman ako. Ipinatong niya ang hawak na tasa sa center table. “Busy si Daddy kaya hindi siya nakapunta ngayon. Now...”

She sat in front of us, cross legged. Nakataas ang isa niyang kilay.

“Pack your things 'cause you will leave Holmesʼ House at 6AM tomorrow.”

🔍🔎

Pagkatapos ng meeting na 'yon, sinabi saʼmin ni Nol na nagpaalam na siya kay Inspector Inugami na hindi namin siya mami-meet today dahil kailangan nga naming mag-prepare.

“Anoʼng sabi niya?” I inquired.

“Ayos lang daw kasi naghahanap pa raw sila ng ibang impormasyon,” sagot niya habang nakapamulsa.

Naglalakad na kami pabalik sa dorm. Nag-insist si Henry na ihatid ako kaya napasabay na rin sina Nol.

Tahimik si Winston which is very usual. Henry on the other keeps talking which is very usual, too.

“Excited na ko!” sabi ni Henry at napasuntok sa ere.

I smiled. He reminds me of Agnes so much. Kamusta na kaya siya? Wala pa rin akong balita sa kanya.

Kung imi-meet namin si Inspector ngayon, Iʼm sure magkaka-balita ako sa kanya. But I guess, next time na lang.

Hindi naman ako tanga para hindi malamang mafia ang may kagagawan ng mga nangyari noon. Sir Michael is a mafia reaper. Hindi ko nga lang alam kung saang mafia.

Pagkahatid nila sa akin sa tapat ng dorm ay nagpaalam na sila. Agad akong pumasok sa loob at hinarangan ni Yvah.

Natigilan naman ako at tinaasan siya ng kilay. She raised an eyebrow, too.

“Balita ko, may reward kayo...” aniya.

“O tapos?”

She crossed her arms. “Well, gusto ko lang malaman kung anoʼng reward iyon.”

Ngumisi ako at akmang lalagpasan na siya pero agad niya akong hinawakan sa braso.

“Kinakausap kita ng matino!” she retorted.

“Ano ka ba? Wala ka ng pakialam kung anoʼng reward 'yon. Chaka malalaman mo rin naman bukas.” sabi ko at tuluyan ng umalis sa harap niya.

Narinig ko pa ang nakakairitang boses niya na nagrereklamo. When I opened the roomʼs door, bumungad sa akin ang katahimikan.

Huminga ako ng malalim. I miss Agnes so much. Wala sa sarili akong naupo sa kama niya.

I fished out my phone and tried to call Agnesʼ mom many times but sheʼs not answering. Hinagis ko na lang ang phone ko sa kama at tumayo na.

Kinuha ko ang luggage ko at binuksan ang closet. I started transferring some clothes inside my luggage. Pagkatapos noʼn ay muli akong lumabas ng dorm para mag-hapunan.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon