Chapter 9 : Bronze Coveʼs Beauty

2.6K 116 7
                                    

Chapter 9 : Bronze Coveʼs Beauty

Alas singko pa lang ay gising na ako. Si Sir Martin kasi eh! Kauwi ba naman namin kahapon ay sinabi niyang magkakaroon kami ng apat na araw na bakasyon ni Nol. He told us to pack our things because we’re staying in Bronze Cove after doing the punishment.

Ang sabi niya ay kabayaran daw iyon para sa pagko-community service namin. I rolled my eyes at him that time.

Naka-jeans, black shirt, at hoodie ako. Maaga ang alis namin dahil malayo rito ang Bronze Cove. Ipinasok ko sa loob ng kotse ang mga bag ko. Dalawa lang naman iyon.

“Gosh, ang swerte mo!” sabi ni Agnes.

I closed the car’s door. “I’m looking forward to this vacation. Kailangang kailangan ko ‘to. Dapat lang na bigyan nila kami ng apat na araw.” sabi ko.

Ngumisi si Agnes. “Magkasama kayo sa iisang kwarto?”

I slapped her cheek lightly. “Aray, ha!” singhal niya.

“There’s no way I’m sleeping with that guy in a single room!” sabi ko na ikinatawa niya.

“Okay, okay! Ingat na lang, Keena!” she waved and ran towards the main building.

May mga ibang trainees na napapatingin sakin. Mukha silang nagtataka na ewan.

“Tara na.” dumating na rin sa wakas si Nol na kinausap pa ni Inspector Inugami sa call.

Pumasok na kami ng kotse. Gaya noong nauna ay si Mister Lee ulit ang maghahatid samin.

Pinaandar na niya ang kotse. Habang nasa byahe ay merong sinabi ni Mister Lee.

“Mag-ii-stay daw kayo sa BC Hotel. Naka-reserve na ang magiging kwarto niyo roon.” sabi nito.

“Wait— we will share the same room?” nagtataka kong tanong.

“Yes, that’s what Martin told me.” sagot niya na ikinabigla ko talaga.

“Teka ano?! Why?! Gosh, we need to go back!” sabi ko.

“Nasisiraan ka na ba?” Nol asked while playing Criminal Case on his phone.

“I am not out of my mind. We need to go back, I need to talk to him! Hindi pwede ‘to! I won’t share the same room with you! Ayoko!” hysterical na giit ko sa kanya.

His eyebrow raised. “Sa tingin mo ba ay gusto rin kitang katabi? Tss.”

“This can’t be happening!”

---

Bronze Cove is very beautiful. There are breathtaking skyscrapers, tall palm trees, vintage themed shops, clear blue skies— uh, Bronze Cove is indeed beautiful!

Nakarating kami sa lokasyon ng BC Hotel. We went to our room. Pagpasok namin sa loob ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko. May dalawang kama naman pala. Ang akala ko kasi ay matutulog kami sa iisang kama lang!

Hay nako, kung gano’n ang mangyayari, aalis talaga ako rito sa Bronze Cove.

Agad na humiga sa kama si Nol. He occupied the biggest bed! “Nol, dyan ako!” sabi ko sa kanya.

“No way.” he mumbled. Hindi ko nga masyadong naintindihan e.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ang paa niya. “Nol!”

“Argh! Ayoko nga!”

“Nol, isa!” I pushed him using my foot.

“Aray!”

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon