Chapter 24 : Bruised

1.9K 101 15
                                    

Chapter 24 : Bruised

I moved a little and opened my eyes. Nasa isang kwarto na naman ako. Madilim pero may isang lampshade na nagbibigay ilaw. I can still remember what happened.

Sir Michael is the one who abducted Agnes! Now, he is also the one who abducted me!

Nakatali ako sa silya. My mouth is taped— and I canʼt even say a single word.

Napatingin ako sa paligid. Wala ni isang gamit doon maliban sa silyang inuupuan ko at ang drawer kung saan nakapatong ang lampshade.

Whereʼs Agnes? Nol? Winston? Bakit wala sila rito?

The door suddenly opened making a noise that echoed inside the whole room.

Halos manghina ako nang makita si Agnes na may sugat sa ibaʼt ibang parte ng katawan. Iʼm damn right! They tortured my friend!

Mabagal siyang naglalakad habang hawak hawak ng dalawang lalaki na nakamaskara sa kanyang magkabilang braso.

“Bilisan mong maglakad!” sigaw ng isa at bigla siyang tinulak.

I heard the groan of Agnes and her sobs.

“Hmmp!” I tried to speak kahit walang boses na lumalabas.

Pinaupo nila si Agnes sa sahig habang nakasandal ito sa pader. One masked man squatted down to wrapped her mouth with a tape just like me.

Pagkatapos noʼn ay naglakad na sila palabas ng kwarto at ni-lock ulit 'yon.

I turned my gaze to my friend whoʼs suffering badly. Magulo ang buhok niyaʼng bahagyang tinatakpan ang kanyang mukha.

Hindi siya gaanong malayo saʼkin kaya nakikita ko ang pag-agos ng luha niya. Sheʼs tied up, too.

Sheʼs still wearing her uniform na sobrang dumi. What have they done to her?

Kumukulo ang dugo ko. Sir Michaelʼs Abduction game is not an activity after all. Itʼs his plan to abduct Agnes.

Pero bakit? Bakit si Agnes? May ginawa ba siyang masama? Ilang araw na siyang nawawala at pinarusahan pa— my friend looks miserable.

Lumakas ang iyak niya. Hanggang sa humagulgol na siya. Just by looking at her like this, I wanted to cry too. So I did. Kasi ang bigat sa pakiramdam na nakikita siyang ganito.

Sobrang bigat.

I wished I could come close to her. I wish I could hug her and tell her that everything will be fine.

SIR MARTIN

“Halughugin niyo ulit ang kakahuyan!” sigaw ko sa mga awtoridad na nasa harapan ko ngayon.

“Masusunod po, Sir.” sagot ng namumuno sa kanila bago lumabas sa opisina ko.

Napaupo ako sa swivel chair. Damn. Damn it. I clenched my fist while massaging my temple.

Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Deyo kasama si Nelia.

“May balita na ba sa mga bata?” Nelia asked.

Napailing ako. “Michaelʼs missing, too.” ani Deyo.

Huminga ako ng malalim. “Ayokong mambintang pero pakiramdam ko, si Michael ang may pakana ng lahat.”

“We thought the same thing,” nagkibit balikat si Nelia at umupo sa couch.

“Maling ideya kasi na nagkahiwa-hiwalay tayo. Plus, wala pang kasama na awtoridad ang mga bata kagabi,” I nodded.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon