Chapter 43 : Secret Place

1.8K 81 6
                                    

Chapter 43 : Secret Place

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Fumi, hindi na ulit ako lumabas ng kwarto ni Nol. Even though it feels so boring. Nilunod ko na lang ang sarili ko kakabasa ng mga libro na nakaayos sa bookshelf. I canʼt deny the fact that Nol is really into mysteries.

'Yung mga libro niya kasi makakapal chaka puro mga detective novels. May iba pang mystery novels chaka may action pa. Ang mas nakakagulat, meron siyang fantasy books.

I wonder kung meron siyang books ni Sir Arthur Conan Doyle. You know, Sherlock Holmes. Wala rin akong nakita na Nancy Drews. Aside from novels, may nakita rin akong mga manga.

Hindi ko naman ugaling mangalkal ng mga gamit. Hindi talaga. May nakita akong drawer kung saan nakalagay ang mga CDs ni Nol. Mga movies iyon na gaya ng mga libro, puro mystery din.

Dumako ang tingin ko sa isang pinto na katabi lang nuʼng banyo. Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa loob ng pinto. Halos mapanganga ako nang malaman na walk in closet pala 'yon.

May ibaʼt ibang damit chaka sapatos. Original lahat based palan lg sa mga itsura nito. Si Nol pa ba? Heʼs the son of a Mafia Boss.

Meron ding mga accessories. Silver and gold. Watches, necklaces, piercings— yes.

His clothes are arranged into their different types and brands. May mga pang-sports, pang-formal, chaka pambahay. Aside from shoes, may mga tsinelas din siya. Surprisingly, ang dami rin ng mga 'yon— branded pa talaga.

Ang sarap siguro ng buhay nitong si Nol. On the second thought, hindi rin. Simula nang ipanganak si Nol, hindi na sigurado kung mabubuhay ba siya ng matagal o hindi.

Being part of a Mafia organization is hella dangerous. Kahit sabihin mong may proteksyon ka, kung magaling ang kalaban, tigok ka.

His life is in danger. I wonder bakit siya pinayagan ng Daddy niya na mag-aral sa Holmes even thought itʼs against the mafia.

At the back of branded coats, I saw a painting of Detective Conan. Nagsalubong ang mga kilay ko. I stepped inside to touch the painting but then I heard a familiar sound. Like a automatic door opening. Halos mapanganga ako nang biglang mahati ang painting. Tuluyan ako napanganga nang makita kung ano ang nasa likod ng painting.

Itʼs a room. Not just an ordinary room. Pumasok ako sa loob. Pagtapak ko sa tiled flooring na sa tingin ko ay malamig, nagsimula nang sumara ang pinto. Nilibot ko ang tingin sa lugar. Malamig. I think itʼs because of the aircon. “What are you doing here?” I almost flinch when I heard the voice of Nol.

Heʼs wearing a plain shirt and black short. May hawak siyang isang screw driver. “N-Naligaw lang...” sagot ko.

Tumaas ang kilay niya. I cleared my throat. “Whatʼs this place?” tanong ko. Malaki ang kwarto. May nakita akong gaming set. Meron ding mga collection ng robots na nakahilera mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

'Yung pinakamalaking robot, hanggang bewang ko. “Saan mo galing 'tong mga robot?”

“I created those,” sagot niya. Narinig ko ang paghila niya sa isang silya at umupo roon. I turned to him.

“You what?”

“This is my secret place. This is where I work and most of the time, this is where I think. To answer your question, yes. I am the one who created those robots by myself.”

Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Nakatalikod siya sa akin at may kinakalikot na isang bagay. Tinatanggal niya ang mga screws nito. His secret place is dimly lit. Kapansin pansin ang gaming set niyang umiilaw ng neon red and blue.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon