Chapter 47 : Masquerade Party (PART 1)

1.7K 76 4
                                    

Chapter 47 : Masquerade Party (PART 1)

In the end, napili ko 'yung royal blue. Tama naman kasi si Tita Darla. Itʼs beautiful and yeah, bumagay sa kutis ko. I sometimes hate having a fair complexion. Plus, sensitive pa ang balat ko.

“Ako na rin ang mag-aayos saʼyo. Come on.” muli akong hinila ni Tita Darla papasok sa isa pang kwarto. Doon ko nakita ang ibaʼng mga accessories. Iʼm wearing the royal blue gown. May mga silver sequins iyon at glitters na kulay gold. Itʼs cute actually.

Off-shoulder pa iyon kaya medyo na-conscious ako. Pinaupo ako ni Tita sa isang silya. She went to the direction of shoes. May kinuha siyang silver colored na heels. Hindi iyon ganuʼn ka-taas pero napalunok ako nang ilapag niya iyon sa may paanan ko.

“Give me your feet, hija.”

Siya na ang nagsuot ng mga heels sa paa ko. Surprisingly, kumasya ang mga ito sa akin gaya ng gown. It fits me perfectly.

“Oh my god! I canʼt wait to see how beautiful you are with make up!” she exclaimed.

Hinawi niya ang buhok ko sabay ipon doon gamit ang mga kamay niya. “Hmm, bun or curl?” tanong niya.

“Curl na lang po,” sagot ko agad. Ayokong mag-bun. Mas lalong exposed ang leeg at balikat ko.

She chuckled. “Why not bun? I mean, you have a very nice back and shoulder. Proportion to your neck. You have a good shape of head. You also have a well-defined and prominent collarbones.”

“Nahihiya po kasi ako...” halos pabulong na sabi ko.

Muli siyang natawa. “I see,”

She started to do my hair. She curled the halfway of my hair down to its tips. Matapos ayusin ang buhok ko, nagsimula naman siyang ayusan ako sa mukha. “Hmm, you have fierce features. I think you will become a CEO someday. Full of class.”

Ano na kayang ginagawa nila Nol ngayon? Are they getting annoyed because of Tita Darlaʼs assistants? I canʼt imagine their faces lalo na sina Nol at Winston. Baka nga ine-entertain pa ni Henry ang dalawang transgenders na iyon.

After so many hours of sitting, finally, natapos din. “May I see?” she asked at tumingin sa salamin. Nakaharap din ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. “Youʼre so gorgeous!”

“Baka may maglakas loob na sa tatlo na manligaw saʼyo.” aniya pa at tumawa.

“Mask! Yes, yes.” umalis siya sa likuran ko at pumunta sa mga accessories. She picked up a mask with royal blue and silver color. May sequins din iyon at isang feather. Meron pa siyang kinuha pero hindi ko na napansin.

She gave me the mask. “Bagay iyan sa suot mo.” aniya pa. Suddenly, she put a necklace on me. Silver necklace with a dragonfly pendant.

“Itʼs yours. Okay?” she mumbled.

Napatango na lang ako. “Now up! Letʼs go! Itʼs quarter to five already.” sabi niya habang nakatingin sa relo. Napatayo ako.

We walked out of the room. Bumungad muli sa akin ang mga gowns at dresses na nandoon. May tatlong babae rin at napatingin pa sila sa akin.

“Nasa lobby na siguro sila. Halika na.” Tita Darla held my hand as if guiding me.

Nang nasa lobby na kami, nakita ko na ang mga nakatalikod na postura ng tatlo. Ang unang nakapansin sa pagdating namin ay sina Keila at Arlet. Tinawag nila ang tatlo. Sabay sabay naman silang lumingon sa direksyon namin ni Tita Darla.

“Damn, fair lady!” bulalas ni Henry. Here he goes again. Napailing iling ako habang nakangisi.

“Sheʼs really gorgeous arenʼt she?” Tita Darla smiled.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon