Chapter 32 : A Deduction Game

2K 99 7
                                    

Chapter 32 : A Deduction Game

Nagising ako dahil sa katok na nanggagaling sa pinto. Agad akong napatayo at lumapit doon para buksan.

Bumungad sa akin si Nol na nakapamulsa. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Heʼs wearing a gray shirt and black short. Nakatsinelas lang din.

“Dinner,” simpleng sabi niya na agad ko namang nakuha.

“Where?” I asked.

“Seafood Restaurant. Sa tabi lang nitong Hotel.” sagot niya kaya tumango ako.

“Nasaan sina Winston?”

“They are waiting at the lobby. Weʼll wait for you there so change your clothes first.” aniya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa inasta niya.

Muli akong tumango. Pagkatalikod niya ay sinara ko na agad ang pinto. Agad akong kumuha ng damit at pumasok sa banyo. Pagtapos noʼn ay ni-lock ko ko ang pinto ng kwarto at pumunta na sa lobby.

Nandoon na nga sila at nag-uusap. Lahat sila naka-shirt at short. Tapos ay tsinelas lang din. They look fresh, huh.

Ang awkward nito kasi ako lang ang babae at baka ma-OP pa ako. Tss.

“Letʼs go,” dinaanan ko lang sila at tuloy tuloy ng lumabas sa hotel. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa akin.

Madilim na sa labas pero nagbibigay pa rin ng liwanag ang mga lanterns. Naririnig ko pa ang tugtugan sa kalapit na bar.

“Dude, para hindi boring mag-deduce na lang tayo.” narinig kong sabi ni Henry kay Inigo.

“Tsk,”

“Sama ka Winston?”

“Geh,”

Naramdaman ko namang umakbay si Henry sa akin. “Sama ka, Fair Lady?” nakangiti niyang tanong.

“Saan na naman?” I asked and removed his arms around me.

“Deduction game,” he smirked.

Nagkibit balikat na lang ako habang naglalakad kami. Merong dumaan na dalawang babae. Naghahagikgikan pa sila at sumusulyap sa mga kasama ko.

“Those girls came from the Pine Bar,” panimula ni Nol. “Kung pagbabasehan ang physical appearance nila, mapapansing namumula sila. Itʼs because of the alcohol they drank.”

Tumaas ang kilay ko. Ni hindi ko nga napansin ang itsura nila dahil madilim pero si Nol? Wow, ha.

“Hmm,” ani Henry.

“If I am not mistaken, they drank whiskey. I smelled it when they passed by.” tuloy pa niya.

“Three or more days na silang nandito based on their tanned skin,” sabat ni Winston.

Tumatango tango naman si Henry. Malapit na kami sa Seafood Restaurant.

“Paano mo naman nasabing galing sila sa Pine Bar, Nol?” Henry suddenly asked.

“They are wearing the Pine Bar giveaway bracelets. At isa pa, iyon ang malapit na bar sa Paloa hotel kung saan sila— probably nag-ii-stay gaya naʼtin.”

“Impressive! Great observation, Nol and Winston!” pumalakpak pa si Henry.

Nagsalubong na naman ang mga kilay ko. Observant. They are really qualified to be detectives someday. Paano nagawang makita ni Nol na namumula ang mga babae at meron silang giveaway bracelets ng Pine Bar? That is because of his observation.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon