Chapter 26 : Gunshots

1.9K 90 8
                                    

Chapter 26 : Gunshots

Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin nila binabalik si Agnes. Kinakabahan na ko rito. Tahimik si Nol at Winston. Naawa na ako sa kanila.

Kahit naman pareho silang mapang-asar, kahit lagi nilang akong sinusungitan at ganuʼn din ako sa kanila... wala lang.

Joke lang. Naging part na rin sila ng buhay ko.

I leaned against the wall. Nakaupo na ako sa sahig. Nararamdaman ko pa ang pamamaga ng pisngi ko. I sighed heavily.

SIR MARTIN

“Walang magpapaputok, you hear me?” Inspector Inugami said over the earpiece.

Nakatago kami ngayon sa mga punong nakapalibot sa abandonadong bahay.

“Sir,” may narinig kaming boses sa earpiece.

“Yes?” sagot ni Inspector.

“Nandito po ang pamilya ni Agnes Herran.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?” tanong ko.

“What are they doing here?” nilingon ako ni Inspector. Nagkibit balikat ako.

“Mr. Herran is holding a briefcase. Mukhang nanghingi sila ng ransom.” sagot ng isang tao namin na nasa earpiece.

“Hindi baʼt sila 'yon?” Deyo pointed two couples in front of the abandoned houseʼs door.

“Iʼll try to talk to them,” sabi ko.

“Mag-iingat ka, Sir.” Inspector reminded. Tumango ako at umalis sa pinagtataguan. Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan sila.

“Mr. Herran!” medyo malakas na pagkakatawag ko.

Nilingon naman nila ako. “Sir Martin?” tanong ng ina ni Agnes.

“What are you doing here?” Mr. Herran asked.

“Kasalukuyan po kaming gumagawa ng operation para mailigtas ang mga bata. Nanghingi po ba sila ng ransom sa inyo?” I asked.

Tumango si Mrs. Herran. “2 Million ang hiningi nila samin,” naiiyak na sabi niya.

“May tatlong estudyante pa pong kasama si Agnes na nasa loob. Pwede po ba kayong sumama saʼkin saglit para mapagplanuhan naʼtin ang gagawin?” I tried to persuade them.

Pareho naman silang pumayag siguro dahil na rin sa umaasa sila.

Matapos ang ilang minuto na pagpa-plano, pumunta ulit sa tapat ng bahay ang dalawa.

They called Michael through the phone na para bang pinapaalam na nasa labas na sila. Ilang saglit pa ay merong isang lalaki na nakamaskara ang nagpapasok sa kanila.

“Is there any CCTV camera?” Inspector asked.

“Okay, okay.” sagot niya.

“Wala raw CCTV camera. Mabuti pang pumasok na tayo. Team A and Team B, move.”

Nagsimula na kaming pumasok. Nakahanda ang baril na nakasiksik sa likod ng pantalon ko. The house is not that big.

Nakakapagtaka lang na walang mga bantay sa labas. Baka nasa loob sila?

Nakapunta na kami sa likod ng bahay ay wala pa ring mga bantay.

“This is suspicious,” ani Sir Deyo.

“May pinto diyan. Buksan niyo 'yan tapos may makikita kayong hagdan hindi kalayuan,” sabi ni Professor Nelia na siyang may access sa mapa ng bahay.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon