Chapter 25 : Seventh Reaper

1.9K 93 19
                                    

Chapter 25 : Seventh Reaper

SIR MARTIN

“Kahapon pa kami pabalik balik sa kakahuyan, Sir. Wala po talaga ang mga bata pati ang Professor.”

Napahilot ako sa aking sentido. “Sige, sige.” sabi ko na lang at pinaalis na sila.

Tumayo ako at nangalkal ng mga files. I saw a folder that was named to Michael. Agad ko iyong kinuha.

I still donʼt have evidence pero pakiramdam ko, siya talaga ang may pakana ng pagkawala nila Nol.

Binuksan ko ang folder at nakita roon ang mga impormasyon tungkol sa kanya.

He graduated here in Holmesʼ House. Iyon ang isa sa mga naging batayan namin para i-hire siyang Professor of Codes and Ciphers. Bukod doon, marami siyang kaalaman sa mga detective stuffs.

Umupo ako sa swivel chair habang binabasa ang mga impormasyon.

He is the Rank 6 of his batch. Matalino.

Nakita ko kung paano siya kasaya habang nagtuturo sa mga trainees. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa pagtuturo.

Michael helps the trainees and us, his fellow faculties.

Wala akong makitang dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

Heʼs kind and hardworking. Anoʼng nangyari sa kanya?

Suddenly, the door opened. Deyo was standing there holding papers.

“Deyo,”

Lumapit siya sa lamesa matapos isara ang pinto.

“I found some information about Michael. You will not believe it!” aniya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Umupo siya sa silya at inilapag ang mga papel. Tinignan ko naman iyon.

“Those are secret files,” sabi niya.

“Where did you get these?” I asked.

“I opened his laptop. You know, hacking. May mga nakita ako sa files. I copied them to my flash drive and printed them.” sagot nito na mukhang proud sa ginawa.

“Ito na lahat?”

“Uh-huh. One of the shocking truth is... He became part of a Mafia organization this year.”

“He became what?”

“He is one of the Seven Reapers,”

“That fucking—”

“Niloko niya tayo. He betrayed the Holmesʼ House.”

We are dealing with a dangerous organization right now. Delikado kami at mas lalong delikado ang mga bata.

“Sa aling mafia siya kabilang?” I asked.

“Hindi ko nakita kung ano ang buong pangalan ng organisasyon pero nagsisimula sa V.”

Nagsalubong ang kilay ko. V?

🔍🔎

Apat na araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin namin alam kung saan makikita ang mga bata. Hinihilamos ko na ang mga palad ko sa mukha habang nag-iisip.

Pabagsak na bumukas ang pinto. Hinihingal si Deyo na nakatayo sa may pintuan.

“Problema mo?” my eyebrows furrowed.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon