Chapter 5 : Community Service

3.4K 151 27
                                    

Chapter 5 : Community Service

We arrived at the downtown which is Loskov. As far as I can remember, sa bayang ito rin nangyari ang pagpatay sa Architect. Could it be the same culprit? Nang makarating kami sa crime scene ay nandoon si Inspector Inugami pati ang mga pamilyar na Pulis.

Bumaba kami ng Ferrari ni Henry. Inspector Inugami noticed our presence so he went to us. “Buti nakarating kayo at kasama pa talaga si Henry.” sabi niya.

Henry smiled. “Of course, I’m also a detective that is why.”

Nilingon ako ni Inspector Inugami. His name reminded me of a certain character/hero from the game Onmyoji Arena.

“And the pretty partner of Nol is here, too.” sabi niya. I can’t help but raise an eyebrow.

“I shouldn’t be here, actually. May klase pa ako sa mga oras na ito. Pinilit lang ako ng lalaking ‘yan.” sabi ko at tinuro si Nol na nakatingin sa crime scene.

Nandoon pa ang dugo pero wala na ang katawan. A tape with “POLICE LINE DO NOT CROSS” is covering the area.

“Tell me the information about this case, Inspector.” ani Nol.

“‘Yung CCTV na nakalagay sa taas ng posteng katabi ng shop ay hindi na gumagana. It makes the case much more hard to solve. Walang witness nang mangyari ang krimen at isa pa, this place looks secluded.” ani Inspector Inugami.

Napatingin kami sa paligid. Aside from us, wala ng ibang tao rito. May mga bahay pero malayo sila rito. But they might heard the gunshots, right?

“Hindi ba narinig ng nakatira sa mga bahay na iyon ang putok ng baril?” tanong ko.

This is so weird. Ayon kay Nol na sinabi ni Inspector Inugami sa kanya ay ten o’clock nangyari ang krimen. It’s already 1:30 PM. Ang lakas naman ng loob ng kriminal para gawin ang pagpatay sa ganung oras. Mostly, ginagawa ang pagpatay tuwing gabi.

“We already asked some of them earlier. Ang sabi nila ay wala silang narinig.” sagot ni Inspector. He scanned the small notebook on his hand.

“Now, that’s hard.” komento ni Henry. Napatango ako at si Inspector while Nol remained silent.

“May mga nawawala sa gamit ng biktima. Cellphone at wallet.” sabi ni Inspector kaya napatingin kami sa kanya.

“We thought that the culprit’s motive is robbery.” dagdag niya.

“But it could be a set up. Pwedeng kinuha ng suspect ang cellphone at wallet nito para palabasin na robbery ang nangyari pero pinatay talaga ang babae sa hindi naʼtin alam na dahilan.” Henry placed his forefinger and thumb on his chin.

“We thought of the same thing, too.” tumango si Inspector.

This is so hard! “Who saw the body?” Nol asked.

“We saw the body. Nagro-ronda kami sa buong Loskov dahil sa krimeng nangyayari magmula pa nung Monday. Hindi ito ang una o pangalawang beses na may murder sa lugar na ‘to. Napadpad kami rito at nakita ko ang katawan ng biktima.”

“What’s her name?”

“Based sa uniform niya, isa siyang empleyado ng Palmalive Business. Nakakalap na rin kami ng impormasyon kung sino ang biktima. She’s Maia Puerto, twenty-one years old, Savannah Village.”

Palmalive Business of Shampoos and Soaps. Ipinakita ni Inspector Inugami saʼmin kung ano ang itsura ng biktima. She’s thin and has eye bags below her eyes. She looks sick— or using weeds— or puyat lang— o kaya naman ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon