Chapter 7 : Message

2.7K 119 1
                                    

Chapter 7 : Message

Ang sarap ng tulog ko. Ayoko ng bumangon pa. Parang isang buong taon kong hindi nakasama ang kama, kumot, at unan ko. I’m savoring the moment with my bed when Agnes shouted.

“Hoy, Keena! Aba’t bumangon ka na!” aniya. Inalog alog niya ako kaya tuluyan na akong napagising. Kinukusot ko ang aking mata habang nakatingin sa kanya.

“What?” I asked.

“Kakagaling ko lang sa canteen. I bought pancakes for our breakfast. Saktong tinawag ako ni Nol, for the first time, at tinanong kung gising ka na raw ba. I answered no.” she said.

Ha? Ba’t ako hinahanap nu’n?

“Sabi niya sakin ay gisingin na kita dahil may pupuntahan daw kayo.” she smiled maliciously.

Nagsalubong ang mga kilay ko hanggang sa maalala na kikitain namin si Inspector Inugami ngayon.

“Oh shi—”

“May date kayo? Uyy, ikaw ha! Akala ko ba rivals kayo?”

“Rivals nga kami! And it’s not a date! This is connected to Esther Legaspi’s suicidal.” seryosong sagot ko.

Nagseryoso rin siya. “Osya. Mag-ayos ka na at kumain. Ang sabi niya sakin ay magkita raw kayo sa entrance ng kakahuyan.”

Tumango ako at tumayo na para makapag-ayos.

---

Matapos kumain ng pancake na merong vanilla syrup, umalis na ako. Medyo natagalan pa ako sa pag kain dahil nagtalo kami ni Agnes. She keeps on saying that chocolate is good than vanilla.

Syempre, ako naman itong mahilig sa pancake, pinaglaban kong mas bagay at mas masarap ang vanilla. Ilang beses pa kaming nagkasagutan bago ko tinapos ang pagtatalo namin sa sinabi kong, “Che! Parehong bagay at masarap sa pancake!”

Um-agree naman siya kaya napailing na lang ako. Lumabas ako ng dorm at agad na nagtungo sa kakahuyan. Hindi ko alam kung bakit doon niya naisipan ang meeting place namin.

Nang nasa entrance na ako ay agad ko siyang napansin na naka-upo sa ibaba ng puno. He stood up. Lumapit ako sa kanya.

“Tara na. Ang tagal mo.” sabi niya at umirap na lang ako. We went inside the woods. Hindi ko alam kung bakit dito pa namin kailangan lumabas ng Holmes kung pwede namang dumaan na lang sa gate. Sunday naman ngayon at pwedeng lumabas ang mga estudyante.

Some students went home to visit their families. Si Agnes ay nagpaiwan sa dorm dahil may kailangan pa raw siyang gawin at hindi makakauwi. As of me, I can’t go home because of this.

Nang tuluyan na kaming nasa labas ng kakahuyan sa dulo, may naghihintay na kotse. The familiar car of Henry.

“Dude, dapat sweldohan mo ko niyan.” matamang nakatingin si Henry kay Nol. Nang malipat ang tingin niya sakin ay agad siyang ngumiti at kumaway.

“Hi, there!” he greeted. I smiled.

Binuksan ni Nol ang pinto sa backseat so I entered. Tapos ay binuksan naman niya ‘yung sa passenger seat gaya dati.

“Panindigan mo na ang pagiging driver namin.” sabi ko.

“Sige, para sa’yo.” Henry answered and winked at me.

Tinaasan ko siya ng kilay. “I think you need to drive now, Henry.” sabat ni Nol.

“Not until this beautiful lady told me to.”

Gosh. He’s so childish!

“Just drive thr car!” singhal ko. He smirked.

“Aye, aye!”

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon