Ikalawa: Ang Propesiya!

3K 123 0
                                    

Pietro Boselli as Liam

Liam's POV

Two weeks after

Maaga akong nagising ngayong araw na ito.

Himala nga at nagulat din naman ako sa sarili ko. Kitang kita sa mukha  ng aking ina at ama lalo na ang aking mga kapatid ang gulat ng maaga akong nagising.

Sino ba naman ang hindi magigising ng maaga kung mamayang madaling araw na ang 18th birthday ko.

In short, mamayang 12midnight na din ang coronation ko para maging Alpha in line ng Silver Diamond Pack, at ang isa sa pinaka hihintay ko ay ang makilala ko ang aking kabiyak, aking future luna.

Kaya ng makababa ako at pumunta sa big hall ay nagulat ako ng makita ko ang mga representatives ng bawat lahi ng bawat bansa. Pero ayon sa aking bestfriend na si James may isang bayan ang hindi pumunta.

Sabi nito na talagang di daw binigyan ng imbitasyon amg bayan na iyon. Pero may nagsasabi naman na di talaga ito napunta dahil na rin sa kung anung nakabalot na misteryo sa bayan na iyon.

Noon pa man natatanung lo na sa aking ama ang tungkol sa dulong bayan na iyon. Pero Sa tuwing tinatanung ko ang aking ama tungkol dito ay walang imik ito. Madalas napapagalitan pa nga ako.

Kaya nga gustuhin ko mang malaman ay wala akong mapagtanungan.

Nang maikot ko ang buong lugar at maipakilala sa akin ng aking ama ang bawat namumuno o mga representative ng bawat lahi ay dumiretso na ako sa training hall.

Samantalang dinala muna ng pack warriors ang mga ito sa kanilang mga tutulugan.

Ngayong araw na ito. Mas pinili kong magtraining sa human form ko dahil baka di ko lang makontrol ang wolf form ko dahil ilang oras na lamang ay magdidilim na at lalabas na ang buwan.

Magkahalong pakiramdam ang namamayani sa dibdib ko. Masaya dahil ngayon din nataon ang bluemoon, redmoon at lunar eclipse in short one in a million lang ang pagkakataon na ito. Natatakot, dahil di ko alam. May kung anong malikot na kaisipan meron ako ngaykn na tila may malaking mangyayari at ewn ko kung ano iyon.

Kaya naman di ako makapag focus. Ramdam kong nakatingin lang ang aking Ama peeo.hinahayaan lang niyo ako. Habang nagte training ako ay biglang nagsalita sa isipan ko si Ceres ang wolf form ko.

"Kailangan niya tayo!, Liam..." mahinahon ngunit malamang balangkas ni Ceres sa isipan ko.

Natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig ko ito. Kahit ang aking ama ay nagulat ng bigla ako napatigil.

Ilang ulit kong kinakausap si Ceres pero di niya ako sinasagot tanging mumunting alulong lang nito ang naririnig ko sa isipan ko. Lalo lang akong naging balisa nang tila di na ito nakikipag usap sa akin. Back and forth lang ito sa paglakad sa aking kamalayan. Di ko na alam ang gagawin ko dahil ngayon lang nito ginawa ang ganitong ugali.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Ramdam ko ang pain na nararamdaman ni Ceres pero di nito sinasabi kung bakit, anong nangyayari sa kaniya, anong nangyayari aa akin.

Bago pa makita ng aking ama ang nangyayari sa akin ay tumakbo na ako at nagpaalam dito.

Rinig na rinig ko ang pagtawag sa akin ng aking ama. Pero bago ako humarap ay inalis ko ang luhang natulo sa aking mga mata.

Nagdahilan na lang ako na may importanteng gagawin. Kita ko sa reaction nito amg pagkagulat pero wala na itong magawa ng makalabas ako ng pintuan ng training hall.

Paglabas ko ay mga 6 na ng hapon. Kitang kita ko ang napaka gandang disenyo at mga makukulay na palamuti na gagamitin sa coronation ko.

Pero nagmadali akong tumungo sa aking kwarto. Bago pa ako makapasok sa aking kwarto ay may nabangga akong isang matanda.

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon