Pito: Sino Siya!?

1.7K 89 0
                                    

Liam's POV

Kanino pa ako kinukulit ni James na sumama sa kaniya pero wala talaga ako hilig sa mga party. Ayoko ng matao, ayoko ng maingay at ayoko ng mga taong walang ginawa kundi ang ubusin ang oras sa bisyo.

Nang makaalis ito, bigla na lang ako kinabahan, yung pakiramdam na alam mong may mangyayaring di maganda.

Inalis ko na lang sa isip ko iyon dahil alam kong kaya ni James ang sarili niya. Ewan ko pero kanina ko pa nararamdaman na may gustong sabihin si Ceres pero nanatili itong tahimik.

Gustuhin ko man siya kausapin alam kong di nito ako kakausapin kaya naman hinayaan ko lang siya sa gusto niya.

Mga alas singko ng hapon tinawagan ko si James upang kamustahin pero natawa lang ito ng sabihin kong mag masyado mag inom, napatawa dahil walang tama sa amin ang alak ng tao. Gusto ko lang siya mag ingat dahil baka may maka alam ng sikreto namin, ilang ulit na din kami kinausap ni Tito Martin regarding sa mga Hunters.

Kung sabagay bilang parte ng Silver Diamond Pack meaning nasa linya ka ng malalakas na Wolf sa buong mundo. Sino ba ng hindi matetemp na makahuli ng WereWolf kung malaking halaga ang kapalit.

Kaya naman kahit natatawa ito ay sinabihan ko pa din siya.

Mga alas siyete ng gabi, after kong kumain ay kumuha ako ng libro at nagpatugtog ng Spotify. Humiga ako sa couch habang nagbabasa pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

---------------

Nakatayo ako sa isang balkonahe ng kitang kita ko ang mg pangyayari pero wala akong magawa. Ang tanging kaya ko lang gawin ay panoorin siya. Sino ba siya, at lagi ko na lang siya napapaginipan.

".... Tama na please, tu..... tulong!.."

Rinig na rinig ko sa aking isipan. Hindi ko alam sino ang nagsasalita pero pagkatapos kong marinig iyon ay malalakas na hikbi ng sumunod.

Kasabay nito ang kalunos lunos na eksena na nasaksihan ko. Hindi ko maaninag kung sino ang nakatayo tanging silhoutte lang nakikita. Ang tanging alam ko lang ay basang basa ito na ewan ko parang galing siya sa swimming pool kasi buong katawan nya ay basang basa.

Pero nagulat ako sa nasaksihan ko, kasi bago pa ako magsalita ay kitang kita ko sa  lugar kung saan siya nakatayo ay may mga kung ano s la itaas nito na wari moy nalaan talaga para kaniya.

"Let the games begin.. " yan ang bulong ni Mark sa aking tabi.

Gusto kong sumigaw, pero walang nalabas sa bibig ko. Kaya kitang kita ko ng bigla itong maligo ng pulang likido na galing sa uluhan niya. Wala itong magawa, naka tayo lang siya sa kinatatayuan niya at di alam ang gagawin.

Para itong bata na nakatayo lang at dahan dahan ang pagtulo ng luha sa kaniyang mg mata. Samantalang ang nga kamay niya ay pilit n inaalis ang mga pulang likido sa kaniyang katawan.

Pero mas lalong nagsigawan at nagtawanan ang lahat ng may sumunod na bumagsak pa dito. Ayon na din sa nakikita ko at naamoy ko, mga panis na pagkain at mga bulok na mga laman loob ng isda  ang bumagsak dito.

Kita ko ang tingin nito kay Mark. Na alam mong may galit iyo s aking katabi.

"Hahahaha!!!!!!... anong tinitingin tingin mo. Lalaban ka? Tandaan mo palamon at bayaran ka lang ng mga magulang ko.

Kaya ngayon tinatapos ko na. Salamat dahil sayo naging masaya ang main event namin di ba mga classmate...
(nagsigawan sa pagsang ayon ang mga tao ng oras na iyon)

Bukas na bukas din bibigay ko sayo ang pera na kailangan mo. Kaya pede ka ng umuwi."

Kitang kita ko ang takot at pagkaawa sa mukha nito, pero nandoon na rin ang awa sa sarili. Pero mas kinagulat ko ay ng tumingin ito sa parte kung saan ako nakatayo.

Oo, sure ako sa akin siyang parte nakatingin at kasunod nito ang boses na laging kumakausap sa akin...

".... Kailan ka ba dadating o magpapakita, lagi kitang nakakausap pero ni minsan di ka nagparamdam, kailangn kita ngayon di ko na alam gagawin ko kailangan ko ng tulong, hirap na hirap na ako!..."

Ramdam ko ang mata nito sa akin pero alam kong kahit sa akin ito nakatingin ay nasa malayo ang diwa nito. Dahil maya maya ay pumikit na lang ito.

Hindi ko alam kung sino o kaninu nanggagaling ang boses kaya naman di ko ito iniintindi.

Oo, masakit sa parte ko dahil ang lakas ng tinig nito na tila sirang plaka na paulit ulit na tumutugtog.

Nakita kong paalis na ang imahe pero bago pa ito makaalis ay muling may bumagsak na pulang likido na talagang nagpaingay sa lugar dahil napag alaman ko na dugo ng baboy ang bumagsak dito. Hindi lang dugo ng baboy. Kung hindi Nabubulok na dugo ng baboy.

Nang patakbo na ito palabas, nagulat siya sa nakita nito. Ewan ko bigla akong tumalon mula sa ikalawang palapag ng building hanggang sa baba para habulin ko siya. Oo, habulin dahil iyon ng nais ng isip ko.

Malalakas na sigaw ng babae ang aking narinig... Yung tipong diring diri sa nakita.

"yuckkk grabe ang baho. Kanino nila nakuha yung tae na bumagsak sa kaniya. Grabe si Mark, grabe niya kung ibully si Ethan. Kawawang naman siya" bulong ng mga kababaihang nakasaksi sa mg pangyayari

Pero mas nagsigawan ang lahat ng bumalik ang binata at tumalon sa pool.

Ang daming nagalit sa ginawa niya pero may iilan din ang natuwa.

Bago pa ako makatayo ng ayos ay may pumaligid na sa aking mga kababaihan kaya naman di ko na naabutan ang binata ng tuluyan na itong makaalis.

Pero laking gulat ko ng ibang pangalan ang aking narinig mula s mga tao. Tama ba itong naririnig ko..

"James...!" ang tinatawag nila sa akin.

Pinikit ko ng aking mata at nang imulat ko ang aking mata ay nagising ako sa couch kung saan ako humiga, hawak ang librong aking binabasa.

"What's that! Nananaginip na naman ba ako! Pero parang totoo!"

"wahhhhhhh...." Napasabunot ako sa buhok ko nang bigla na lang magsalita si Ceres.

"Hanapin mo siya, hanapin natin siya! Kailangan niya tayo. Kailangan niya ang yakap mo. Pagod na pagod na siya"

"Ceres, sino?... Sino ang dapat kong hanapin at sino yung nasa panaginip ko.??? Please, Ceres sumagot ka. Panaginip lang ba iyon o ano. I need answers Ceres. Please... please..."

"Just find that person, siya ang makakasagot sa tanong..." pagkatapos nitong sabihin ang kaniyang sinabi ay unalulong ito ng pagkalakas lakas. Kahit si Manang ay nagising at kumatok sa kwarto ko. Pero sinabi ko na lang na napalakas ang pinapanood kong movie.

Muli ay nanahimik na ito sa kung saang parte ng kamalayan ko.

"Bakit, James ang tawag nila sa akin. Bakit, ako napunta sa katawan ni James. Sino ang imaheng iyon. Bakit naririnig mga pakiusap niya....????"

Ang sakit na ng ulo ko pero wala akong makuhang sagot sa lahat ng tanong na pumapasok sa isip kaya naman minabuti kong muling bumalik sa aking pagtulog upang baka sakali ay muli kong makita kung sino ang taong iyon.





Itutuloy.....

-Juan

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon