Liam POV
Matagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya.
Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko.
Nasa ganoon akong pag mumuni ng ramdam ko ang mga mata ng nasa tabi kong si James.
Alam kong alam niya kung ano ang nasa isip ko. Gulong gulo ang isip ko at kita sa mukha ko ang takot. Natatakot ako dahil pinagbabawal ang pagsasama ng dalawang lalaki. Ayon na rin sa batas ng buong Werewolf Society hindi maaaring magsama ang dalawang lalaki lalo na ang isang Were-man at isang lalaking tao.
Pero mas nanaig ang aking pag iisip at mga katanungan, kung paano ko maipagtatanggol ang aking kabiyak.
Nahihirapan ako lalo na at di pa rin ako sigurado sa mga nangyayari kaya nga kahit labag sa kalooban ni Ceres, aaalamin ko kung totoo bang si Ethan ang aking kabiyak.
Di ko na lang pinansin si James kahit alam kong may gusto itong sabihin sa akin, para sa akin mas namayani sa akin ngayon ang mapag isa. Lalo na at tanging ako lang ang makakasagot nito.
Pagdating sa bahay ay may mga bisita akong di inaasahan, gulat na gulat kami ni James peeo mas kita s mukha nito ang takot at pagtataka dahil nasisigurado ko at pakiramdam kong alam na nila ang nangyari sa akin dahil sa biglaang pagdating ng mga ito.
Pagpasok ko sa salas ay agad na niyakap ako ng matagal ko ng gustong makita at mayakap.
Ang aking ina, oo dumating ang aking Ama at ina. Kasama nito ang tatlo pang lalaki na ang tanging kilala ko lamang ay si Elder Marcus. Katabi ng mga ito si Tito Martin.
Nakita kong pumunta si James sa kusina at nag mind-link ito sa akin. Gulat na gulat ako dahil simula ng pumunta kami dito sa Pilipinas ay ni minsan ay di nito ginawa ang mindlink.
"Alpha Liam, mag ingat ka sa mga sasabihin mo. Hanggat di pa natin sigurado ang tungkol kay Ethan ay wala kang pag sasabihan. Mag ingat ka sa bibitawan mo dahil di mo kilala ang mga nasa harap mo. Alam kong matagal mo na din siyang gustong makilala pero alam din natin na bawal ang pagsasama ninyong dalawa."
"I know James, i know! Pero aano mo nasabing mag ingat ako kung mga magulang ko naman ng kaharap ko. Ang nasa isip ko na lang ngayon ay kung bakit bigla bigla silang dumating. Nakakapagtaka naman kung bumibisita lang sila. Alam kong may dahilan ang pagdating nila."
Nasa ganoong pag uusap kami ni James ng biglang magsalita ang aking Ama. Kaya di na muling nagslita si James bagkus ay nakikinig ito sa aming pag uusap mula sa aming mindlink.
"Anak, kamusta ka na. Bakit namamayat ka ata, hoy Martin pinapakain mo ba ang anak ko.
Why Liam, you look shock. May problema ka ba?"
"Wala naman pong problema pero nagulat lang po ako sa bigla bigla ninyong pagdating po, May problema po ba? Sino po ang mga kasama ninyo po!?
"Wala naman anak, we came here just to see you kasi its been awhile na din ng huli ka namin nakita."
"Ganoon po ba? Bakit hindi po mg kapatid ko ang kasama nyo. Bakit po sila na hindi ko namn kilala ang kasama ninyo. Kung bibisitahin nyo lang naman po pala ako?."
"Liam Yoseph Parker, your manners!. Mas minabuti naming isama ang mga elders dahil kaya nilang protektahan ang mga sarili nila once na may mangyaring masama and besides busy ang mga kapatid mo sa school nila ngayon kaya di namin sila naisama ng papa mo."
"Sorry po!, hindi ko po alam na mga Elders sila. Pero nakakagulat lang naman po talaga.
And besides miss na miss ko na din po ang mga kapatid ko kaya siguro di po masamang sila ang hanapin ko." kitang kita ko ang mga mata ng mga Elders habang sinasabi ko mga iyon. Pero si Elder Marcus, kita ko ang pag ngiti sa mga sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
काल्पनिकMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...