LIAM's POV
Paglabas ko ng aking silid, nagulat ako sa nakita ko.
Pero hindi ko pinahalata dahil alam ko sa puso ko na may mali sa gusto nilang mangyari.
Nasa ganoon akong pag iisip ng maramdamn ko ang pagyakap sa akin ng aking ina at bumulong ito sa akin.
"Liam, promise me one thing gagawin mo ang lahat para makawala sa sumpa ng itinakda, siya ang delubyo na na mAanggugulo sa buhay mo...
...Siya ang masamang Propesiya n nakatakdang wasakin at pigilan ang pagligaya mo... Promise me na dapat mamatay ang Itinakda.
...Please... Please... Anak! Sa pag alis mo dito... Anak, Babalik ka na buo at walang magbabago! Hahanapin pa natin ang nararapat na makasama at mamamahalin mo, ang iyong kabiyak na Luna!"
Sa sinabi ng aking ina may kung anong kirot ang aking naramdaman. Nasisigurado kong sa isipan ko ay may mga bumubulong na may mali talaga sa mga nangyayari.
Kaya naman napabulong na lang ako...
"Sino ba ng nakatakda, bakit takot na takot sila at gustong gusto nila itong mapatay na parang may personal na galit..."
Pero napasagot din ako sa aking ina ng mapansin ko ang salita niyang iyon...
"Ma! Nararapat?? Bakit ma... nakita ko na ba siya?" kita ko sa mukha niya ang pagkabigla pero kita ko din ng pagpatay nito sa kniyang napakitang emosyon, tila hinayaan lang nito na lumipas ang sinabi ko, naghihintay ako sa sagot ng aking ina subalit hanggang tawagin na ako ng aking Amang Alpha, ay walang sagot akong nakuha. Kaya naman naglakad akong may malalim na iniisip.
Doon pumasok sa isip ko na maaaring hindi ako talagang ginamitan ng mahika ng itinakda kundi maaaring siya ang..
"NAKATAKDA! siya ang nakatakdang maging aking kabiyak, ang aking Luna. Pero bakit wala akong maalaala...?"
tila may isang luhang pumatak sa aking mata, di ko alam kung bakit pero alam kong nasasaktan ng kaloob looban ko. Kahit anong gawin ko ay di sumasagot ang aking Wolf, sa tanong ko, pero Ramdam kp ang nais niyong sabihin pero di ako sigurado. Kaya naman na pahawak na lang ako sa aking buhok upang guluhin ito.
Hanggang sa narinig ko na ang anunsyo na aalis na kami at pupuntahan ang lugar kung saan maaaring nagtatago ang ITINAKDA!
Nasa paglalakbay kami ng marinig ko ang boses ng aking ama. Sasagutin ko na sana siya ng malaman kong hindi niya alam na naririnig ko ang kaniyang isipan.
"WHAT... WHY! ANONG MAYROON BAKIT BIGLANG LUMABAS SA LUNGGA NILA ANG MGA BAMPIRA AT ANONG PAKAY NILA SA LUGAR KUNG NASAAN ANG ITINAKDA!"
Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang salitang "Bampira!",alam ko na matagal ng may alitan ang mga Werewolf at mga Bampira pero napakatagal na ng huling magkaroon ng gulo o kahit magkita man ang dalawang panig na lahi.
Halos hindi na ako makagalaw ng biglang may isang tinig akong narinig sa aking isip.
"Huminahon ka lang...
Huwag kang mag isip ng kung anu ano., ipanatag mo ang iyong isipan... Liam! Please! Just focus and stay calm... "Halos kilabutan ako ng marinig ko ang isang boses sa aking isipan. Napakaamo at ramdam ko ang sinseridad nito sa kaniyang boses pero hindi alam kung sino ito.
Nang....
----------------
Samantala...
Anika's (Lady Anika) POV
"Eula, kailangan nating makaalis dito. May kakaiba akong nararamdaman sa lugar na ito at nasisigurado kong hahabulin tayo ng mga dumukot sa atin. Kinakabahan ako!"
"Annia, sasama ka ba? kailangan nating makaalis dito. Alam kong mababait ang mga tumulong sa atin at alam ko na alam ninyong dalawa na hindi sila normal na mga tao, mga Lahi sila ng mga Elf!"
"Anong gagawin natin, para makaalis tayo dito... " Eula
"Kailangan nating mahanap ang daan palabas... " Annia
Aamininin ko na ang mga humahabol sa amin ay ang mga kalahi kong mga bampira.
Dahil isa din akong bampira subalit hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa akin, o mas magandang sabihin na natatakot sila sa akin, kaya nga napakasaya ko na kahit ganito ako ay nagkaroon pa rin ako ng kaibigan sa anyo ni Eula at Annia.
Ang tanging alam ko lamang ay IBA AKO SA KANILA.... Iba ako sa mga kalahi kong mga bampira...
Lahat ng kaya kong gawin ay di nila magawa, Hindi nila kayang maglakad sa ilalim ng sikat ng araw, hindi nila kayang kumain ng mga nilutong laman, ayaw nilang kumain ng hindi FRESH na hilaw na laman. Masyado silang maarte. Lahat ng kakainin nila ay kailangang lahat ay Fresh at mainit init pa.
Lahat ng iyon ay kaya kong gawin, hindi ko alam kung bakit pero ayon sa kanila ako ay SINUMPA kaya naman kinatatakutan ako ng lahat.
Lagi ako dating naiyak dahil iba ako sa kanila, lahat ng selebrasyon o kasiyahan na lumipas ay laging nakakulong ako. Kaya ng ng dumating sa buhay ko si Eula at Annia ay napakasaya ko dahil sila lamang ang naging kaibigan ko.
Nalaman kong isa si Eula sa mga batang kasama ang kani kanilang mg magulang na namasyal sa lugar na ito subalit hindi na muling makalabas dahil sa nakakatakot na dahilan sa likod ng napakaamong panlabas na itsura ng lugar na ito.
Subalit hindi siya kinain dahil may kung ano sa dugo niya na ayaw na ayaw ng mga kalahi ko pero hindi nila kayang patayin ito dahil may kung ano nga sa dugo nito na talagang iniiwasan ng nga ito. Hindi rin nila mailabas sa lugar na ito si Eula dahil napag alaman nilang ang angkan ng bata ay isa sa pinakamayang angkan na nabubuhay.
Natatakot sila na maaaring kapag nagtungo ang mga kalahi nito ay katapusan na nila dahil sa dugong mayroon ang mga ito. Kaya naman iyon ang naging dahilan kung bakit buhay pa ito at ito ngayon nga ay kasama ko sa aking tinutulugang selda, "May Sumpa", yan ang nakalagay sa pintuan ng aming selda.
Samantalang si Annia naman ay hindi ko pa din alam ang kwento nito dahil madalas ay tahimik lang ito at alam mong may malalim na iniisip.
----------------
Ngayon nga ay kailangan naming makalabas sa lugar na ito. Sa tagal kong hindi nagamit ang aking kakayahan, kakayahang matagal ko ng kinalimutan dahil na rin sa ipinangako ko sa aking namayapang mahal na ina.
Napangako kong Hinding hindi ko na gagamitin ang aking kakayahan sa anomang paraan, subalit ayon sa kaniya may tamang panahon para muling magamit ko ito. Ito ang araw kung saan kakailanganin ng isang nilalang ang aking kakayahan. Kaya lang mas kailangan ko ng gamitin ito kung hindi ay mapapahamak ang lupain ng mga Elf at kami na din kung di ko gagamitin ito upang makatakas. Alam ko na dasating din ng araw na maiintindihn ng aking Ina at ng nilalang na ito kung bakit,.
Kaya naman hindi ko sigurado kung kakayanin kong magamit at mapanatili ko na magamit man lang ito. Alam kong magugulat ang mga kasama ko sa oras na gamitin ko ang kakayahan ko, kakayahang minana ko sa aking mga magulang at kalahi n mga dugong bughaw.
Itutuloy....
-JuanDer
Next: Part 2
"Ang Misteryo sa Pagakatao ng Ika-Anim"
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasíaMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...