Pierre's POV
Dito ko naisip na tumungo sa pinaka safe na pwesto patungo sa Black Monastery. Nakasakay kami sa dalawang itim na kotse at pumarada sa dulong bahagi ng sikat na Monasteryo.
Sa tulong ng kapangyarihan ni Haring Kalix lahat ng aming mga anyo, amoy at pangangatawan ay naging tao. Subalit di pa rin mawawala ang katangian naming mga Elf na sinoman makakita sa amin ay nahithunaling sa taglay naming itsura.
Ang plano namin ay papasok kami bilang mga mayayamang turista sa loob ng Monasteryo.
Ngayon nga ay naglalakad na kami. Anim ang sinama kong mga magagaling na Warrior sa aming kaharian. Apat na lalaki at dalawang babae.
Ayon sa nakikita ko, lahat ng kalalakihang nakakakita sa dalawang kasama ko na babae ay talaga namang napapatingin habang naglalakad ang dalawa.
Saglit naming ginamit ang aming kapangyarihan at doon namin nakita ang tunay na itsura ng Monasteryo. Nakakatakot at tatayo talaga ang balahibo mo kung makikita lamang ng mga nilalang dito lalo na ang mga tao kung ano ng pinapasok nilang lugar.
Sa panlabas na anyo nito talaga namang napaka tahimik at sagrado ito. Kaya naman sikat na sikat ang lugar na ito.
------------
Nang marating nmin ng lugar o pinaka pintuan ng lugar ay sumunod na din ang iba ng nandoon.
Ayon na din sa plano kai ay magpapanggap na mayayamang mga turista na magbabayad ng malaki mapasok lamang ang kaloob looban ng lugar. Pero habang ginagaw namin ang pakikipag usap o deal para mangyari iyon ay gagawin na ng tatlo sa pinaka magaling na Elf Warrior ang trabaho. May kakayahan silang itago ang aura nila at may kakayahang gayahin ang amoy o scent ng sinomang nasa lugar kaya naman hindi sila mahihirapang masakatuparan ang plano.
Magiging pahirapan lamang ang pagtakas oras na makuha na namin ang aming sadya.
Naglalakad kami ng aking mga kasama at mga taong bulag sa nangyayari sa kanilang paligid.
Ang akala nila ay nakangiti ang mga pari sa kanila subalit ang totoo niyan ay takam na takam ang mga ito sa dugong nanalaytay sa mga taong kasabay ko sa paglalakad.
Nagtakbuhan ang mga taing nas likod namin ng mapansin ng nga ito n malapit na kami sa pinaka malaking hall ng lugar. Iyon ang naging hudyat upang umalis ng palihim ang tatlo kong inatasan na gumawa ng trabaho. Samantalang ang tatlo ko pang kasama ay nakafocus sa mga maaaring maging aberya.
Pagdating namin s pinaka malaking hall ay halos mapanganga kami sa napaka gandang mga pigura at ayos ng lugar. Mabilis kong ginamit ang aking mga mata doon na lang ako natakot ng makita ko ang tunay na nyo ng mga pigura.
Ramdam ko din na may nakapansin ng ginawa ko dahil napansin kong naging alerto ang mga ito na siyang naging hudyat upang maglay low kami s aming mg kakayahan.
Ayon sa akin nakita halos mapasuka ako sa mga nasa lugar.
Mga tunay na tao ang mga nakasabit na pigura, ng ilan dito ay labas na ang mga bituka, naka bukas ang bandang parte kung nasaan ang puso ng mg ito. May biak ang ulo at lahat ay tumutulo ang ulo. Ang mga mgagandang tunog na naririnig namin ay ang totoo ay malalakas na hiyaw at iyak ng mga nandoon.
Paupo na kami ng biglang nagsara ang pintuan ng malaking hall. Ayon sa nga bulung bulungan na aking naririnig sa mga taong kasabay ko ay may mahalagang subasta na mangyayari sa araw na iyon.
Naging tahimik ang lahat ng may lumabas na 10 kabataan na hila hila ng mga pari. Lahat ang mga ito ay nakatali at may suot suot na posas.
Nasa ganoon akong pagtataka ng marinig ko ang tinig ng sinoman.
"Pakiusap tulungan mo ako.. Alam kong naririnig mo ako! Tulungan mo kami ng kasama ko..."
Hindi ko mahanap ang tinig nito lalo na sitwasyong ito na kailangan naming itago ang kakayahan namin.
Kanina ko pa hinahanap ang boses nito ng mapansin kong may nakatingin sa aking mga mata.
Pag angat ko ng aking mga mata ay kitang kita ko ang 3 pares ng mga mata na nagmumula sa tatlong batang babae.
Kinilabutan ako dahil alam kong may kung ano sa mga tingin ng mga ito. Na nasisiguro kong alam ng mga ito ang tunay kong anyo.
Bigla na lang nagbalik ako sa ulirat ng mapansin ko ang pagdating tatlo ko pang kasama. Pansin ko sa mukha ng mga ito na hindi naging matagumpay ang plano.
Ayon sa mga ito ang mga nilalang na kailangan namin makuha ay kabilang sa sampung na nasa entablado.
Natakot ako sa maaaring mangyari kung hindi namin makuha ang mga ito.
Nang tumingin ako muli sa itaas ay nagulat ako ng halos nasa pang apat na bata na ang nabibili.
Susunod na ang isang bata na may maitim at mahaba subalit kulot na mga buhok nito. Bago pa ito maglakad patungo sa podium ay nakita kong iniangat nito ang mukha nito na sumakto sa aking mga mata.
Alam ko ang tinging ito.
Kaya naman ng magsimula ang pagbi bidding ay sumali na ako. Pero nagsimula akong sumali ng maunti na ang nagbibid.Nagulat ako ng sabihin ko ang halagang 50k dollars ay nagpalakpakan ang lahat. Ewan ko ng malaman ko ang halaga ng bid ng mga kalaban ko ay nagulat ako. Ang kalaban ko ay nag bid lamang ng 10k dollars. Ngumiti na lang ako ng mangyari iyon.
Kaya naman binalak ko na lang na bilhin ang lahat upang hindi makahalata ang lahat subalik sa ika sampung bata na ibibid ay tila walang may gustong bumili.
Makikita mo ang isang bata na may napakahabang buhok, nakasuot ito ng maduming damit at ang mga mata nito ay napakalungkot. Ang balat nito ay punong puno ng sugat na tila ilang taon ng di gumagaling. Ang mga labi nito ay halos di na nadadampian ng tubig sa sobrang dry.
Kita ko sa mga mata ng mga pari ang galit sa bata na tila may kakaiba dito.
Kaya naman kahit walang nag bid ay nag bid ako. Gulat na gulat ang lahat subalit walang reaksiyon ang bata.Nabili ko ang bata sa halagang 1k dollars.
Kaya naman ng mabigay na namin ang mga pera ay agad kaming umalis.
Pasakay na kami ng maramdaman namin ang tila pagbabago ng hangin. Nagulat ako ng magsalita ang ika sampung bata na nabili namin.
"Bilisan nyo kung ayaw ninyong mamatay.!!!" sigaw nito.
Halos kilabutan kami ng makita namin na nagdilim ang langit at unti unting nagkulay dugo ang langit. Kaya naman agad naming ginamit ang aming mga kakayahan. Ang makakakita lang sa aming pagbabago ay ang nakatakdang mga Guardians.
Subalit laking gulat ko na tatlo sa pitong nabili namin ang nagkaroon ng reaksiyon ng magbago kami ng anyo.
Bago pa kami mahabol ng humahabol sa amin ay gumawa na ng portal ang isa sa kasama ko patungo sa kaharian naming mga Elf.
----------------
Black Monastery
"Mga walang silbi, hindi nyo man lang napansin na natakasan na kayo ng batang iyon.!" sigaw ng lalaking halos patayin na ang nasa kaniyang harap.
"Tandaan ninyo na ang batang iyon ay may nakatagong sikreto, walang nakakaaalam kung ano maaaring gawin nito sa atin. Kaya nga buong buhay nito ay nakatago lamang siya! Anong gagawin natin kung malaman niya kung sino at ano siya!.... MGA INUTIL... GAWIN NINYO ANG LAHAT PARA MABAWI ANG BATANG IYON."
"Opo mahal na hari...." sabay sabay na sabi ng mga nasa silid na takot na takot at agad na nagsilabas at matulin na nagpalit anyo, lumipad at nagsitakbo palabas ng kaharian.
Itutuloy....
-Juan
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...