James POV
Alam kong kukunin nila si Ethan kaya naman buong lakas kong tinakbo ito sa kaniyang pagkakahiga. Paghawak ko dito nagulat ako ng maramdaman kong may nagbago dito. Malaking pagbabago...
Kahit siya ay alam na may nagbago sa katawan niya.
Napatingin ito sa akin na hawak hawak ang kaniyang tiyan, kita ko sa mukha nito ang takot, sakit at pangamba. Bigla na lang itong napasigaw dahil sabay kaming nagulat ng bigla itong hilahin ni Alpha Robert pero alam kong kahit siya ay nagulat sa napagtantong sandali.
Buntis si Ethan at mabilis ang paglaki ng tiyan nito pero papaano nangyari iyon. Anong nangyari... Ang tanda ko lang ay nagliwanag silang dalawa ni Alpha Liam tapos... Tapos.... Ahhhhh...
Napatigil ako sa pag iisip ng makita ko ang muling ginawa ni Alpha Robert kay Ethan. Kaya naman ng bitawan nya ito ay agad akong gunawa ng paraan para matbihan ito.
Kita ko ang paglapit ng iba pang kasama ni Alpha Robert sa mga nakahiga sa sahig.
Lumapit si alpha Robert sa amin at lumuhod ito, dahan dahan niyang nilapit ang bibig niya sa tainga ni Luna Ethan, alam kong sinarado ni Alpha Robert ang kaniyang mindlink upang hindi marinig ng sinoman ang sasabihin niya.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG BUNTIS KA, DAHIL ANG DINADALA MO AY WALANG LUGAR SA PACK... HINDI KO TINATANGGAP NA ANAK IYAN NG AKING ANAK.... TANDAAN MO ITO WALANG MAKAKAALAM SINO MAN NA BUNTIS KA... MAGDASAL KA HANGGAT KAYA MO! DAHIL BAKA ITO NA ANG HULING ARAW MO SA MUNDONG ITO.!!" sabay sabunot nito sa buhok ni Ethan. Wala akong magawa dahil mahinang mahina ang aking katawan ng oras na iyon.
Samantalang mahimbing na natutulog o sabihin na nating di magising ang apat ko pang kasama na kinagulat ko dahil kasama sa mga nakahiga si Elder Myron, Aldous at si Levi, si Levi ang anak ng healer sa pack. Katabi ng mga ito si Alpha Liam.
Napaisip ako kung bakit nasama ang apat pang wolf sa nakahiga.
Binuhat ng mga dumating ang mga nakahiga samantalang walang pumansin kay Luna Ethan ng hilahin ni Alpha Robert ito sa buhok na halos matanggal sa kaniyang anit ang buhok na hawak nito. Sobra ang sigaw ni Luna Ethan habang hawak nito ang kaniyang sinapupunan.
Halos makaladkad ang kaniyang mga hita at kita ang halos pagdarak ng dugo sa mga hiwang nanggagaling sa mga batong matutulis na tumatama sa kaniyang katawan.
Buong lakas na hinagis ni Alpha Robert si Ethan na agad ko namang sinalo gamit ang aking katawan. Dahil alam kong may mangyayaring masama dito oras na bumagsak ito ng diretso sa lupa.
Halos mahigit sampung minuto din kami sa ganoong pwesto ng magulat ako na may mga nakapaligid pala sa aming mga Werewolf Warriors na kanina pa nakamasid sa amin.
Kaya naman kahit mahina pa ang aking katawan ay tumayo ako at binuhat ko ang aking nakatakdang bantayan at pangalagaan. Ang susunod na Luna ng Silver Diamond Pack si Luna Ethan. Napayuko na lang ako upang magdasal dahil, alam kong magsisisi ang lahat sa ginagawa nila sa taong ngayon ay punong puno ng pighati. Pangamba sa hindi alam na dahilan at takot dahil sa hindi naming inaasahang mga pangyayari.
Naglakad kami ng naglakad hanggang sa napagtanto kong sa pinaka dulong bahay kami dumidiretso. Ang lugar n kinatatakutan ng lahat ng mga pack members. Ang Dark Chamber "Underground Chamber" kung saan dinadala ang mga Rogue, kalaban o sino mang pinag hihinalaang kalaban.
Kita ko ang mukha ng aking mga magulang ng makita ko ang mga ito ng maglakad ako papasok ng Chamber kasama ang iba pa sa pangunguna ni Alpha Robert.
Pagdating namin sa pinaka babang bahagi ay dahan dahan kong binaba at hiniga ang aking buhat. Subalit bago ko pa maiayos ito ay bigla na lang may malakas na pumalo sa aking ulo at naging dahilan ng aking pagkahilo. Agad din akong muling tinali ng mahiwagang tali kaya ako ay nahirapan.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasíaMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...