Thirty-9: Ang Pagtatagpo

890 61 14
                                    

Liam's POV

"Liaaaammmm...  Nasaan ka na? Hindi ko na kaya! Susuko na ba ako? Habang kaya ko pa pakiusap... Hanapin mo mga bata... Ikaw lang ang makakatulong sa kanila...  Oras na mawala ako... Ikaw lang ang may kakayahang gisingin sila! "

"Sino ka?" sagot ko sa boses sa isip ko.

"Huhuhu.... Sa wakas narinig ko din ang tinig mo.  Akala ko.... Hu hu hu... Akala ko hindi ko na muling maririnig pa ang tinig mo.....
Miss na miss na kita... Liammmmm hirap na hirap na ako!!!!.  Ikaw na lang ang inaasahan ko para mahanap ang ika..... "

"Sumagot ka... Sino ka ba? Bakit nagagawa mo akong kausapin sa isip ko!... Nasisiguro kong hindi ka kalahi ko dahil may kakaiba sa mindlink n la nagmumula sayo!" pagputol na sagot ko sa kaniya

"Pakiusap... Liamm... Nalalapit na ang lahat!"

Ramdam ko ang napaka lungkot na boses sa bawat salita na dumadating sa akin.  Hindi ko masabi pero alam kong sa bawat salita nito ay tumatagos sa aking dibdib.

"Liam,  magmadali ka... Kailangan ka ng mga ba......! "

Halos di ko na marinig ang huling mga salita nito dahil bigla akong napasigaw ng maramdaman ko ang napakainit at nakakapasong bagay sa aking tadyang. 

Ang totoo kaya ko ang lahat pero ang puso at isipan ko ay may kung anong mga eksena na muling bumalik sa aking isipan.  Isang nakakapanindig na balahibo. Nakita ko doon ang isang binata na tila pinapahirapan at halos mamatay na sa sobrang pagpapahirap.

Napatigil kami sa aming paglalakbay ng sandaling iyon ng marinig ako ng lahat sa aking panaghoy.

Hindi ko alam kung bakit napaiyak ako at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha... Halos humagulgol ako ng mga sandaling iyon.  Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at agad na lumabas. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ng aking ama ng mapadapa ako sa lupa.

Para akong bata na umiiyak sa bisig ng aking ama, pero hindi yakap niya ang hinahanap ng aking isipan.

Alam kong may ibang yakap akong hinahanap. Halos mabaliw ako ng oras na iyon. Kaya naman laking gulat ko ng marinig ko ang boses na matagal ko ng hinihintay.

Ang boses ni "Ceres" ang aking Wolf form na matagal ko ng kinakausap sa aking isipan ngunit ni minsn ay hindi ito sumagot sa aking mga tanong. Na kahit anong gawin ko ay tahimik lang at ramdam kong pinapanood at pinakikiramdaman lang aking lahat ng aking ginagawa.

"Liammm... Kailan ka ba gigising sa kahibangan at pagkakatulog mo! Kailangan tayo ni Luna Eth...! Nasa bingit siya ng kamatayan.  Tanging ikaw lang ang makakagising sa kaniya..."

Halos kilabutan ako sa sinabi nito.

"Luna???  Ceres... Luna...  Sinong Luna!?"

"Gggrrrrrr....!!!! Kaya ayokong kausapin ka dahil inuuna mo ang isip mo bago ang puso mo at yang nararamdaman mo! Alam kong alam mo kung sino ang sinasabi ko... Liam! "

"Sino nga ang sinasabi mo!  Nakikiusap ako Ceres...  Naguguluhan na ako.  Wala akong maalala!"

"HINDI NAWALA ANG ALAALA MO, LIAM...
Ikaw mismo ang nagdecide na kalimutan ang lahat dahil natatakot ka sa maaaring mangyari.... Sa ginawa mo maraming napahamak.

Si Luna Eth.. Ang nilalang na iniingatan at pinakamamahal mo at iyong mga supling ay nangangailangan ng Amang poprotekta sa kanila!"

"Ceres, nakita ko na ang aking Luna..."

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon