Samantala..
Alpha Robert POV
"Parang isang panaginip ang nangyari. Halos nagngalit ang lupa, umiyak ang langit at humiyaw ang kalangitan sa nangyari kanina lang.
Sa isang iglap ay tila walang nangyari nakakakilabot. Biglang naglaho ang Kinatatakutan ng lahat.... Ang ITINAKDA... Ayon na din sa aking nakita pati si James ay naglaho... Hindi ko alam paano iyon nangyari o paano ko ipapaliwanag pero nasisiguro kong kagagawan iyon ng Itinakda upang makatakas."
Naglibot ako sa buong lugar, napag alaman kong wala ni isa ang nasugatan pero naiwan o tumatak sa maraming kabataan o bata ang nakakatakot na nangyari kani kanina lang.
Isa sa mga mataas na Alpha Male sa aking Pack ay naglaho din... Si Aldous.... Siya ang binatang may kakayahang kontrolin ang hangin. Naguguluhan ang lahat lalo na ang mga Alpha na nandito sa lugar. Kahit ang mga Elders na may kakayahan na di ko masabi ay nagulat sa mga nangyari. Bakit??? Ang totoo nyan ay walang makasagot sa nasaksihan ng lahat.
Nasa ganoon akong pag iisip nang biglang lumabas si Liam nakabalot pa ang ulo nito ng benda, halos ika ika itong naglakad papunta sa akin. Halata sa mukha nito ang pagkatuliro at pagkabalisa. Hawak hawak nito ang kaniyang ulo at may gustong sabihin ng biglang...
Bigla itong sumigaw, nakakatakot, nakakakilabot. Halos iuntog nito ang ulo sa sobrang sakit... Namimilipit ito at di binibitawan ang hawak nito sa kaniyang leeg.
Doon ko na lang napansin ang isang bagay... Isang maliwanag at kumikislap na marka ang lumabas sa leeg na hawak nito. Upang maitago ko ang bagay na ito sa kapulungan, Agad kong dinala ang aking anak sa loob ng bahay at dinala sa aking office.
Nang madala ko ito sa loob, napansin kong may sumunod sa akin.. si Martin...
"Anong ginagawa mo dito..." malakas na sigaw ko dito gamit ko ang aking Alpha tone.
"Kailangan mong painumin ng anak mo nito upang makatulog at mawala ang marka na nasa leeg niya..."
"Teka... Alam mo ang tungkol dito...?"
"Oo, pero kailangan nating mapigilan ang lahat, kaya naman mas magandang mapainom natin si Liam nito upang mawala ang marka sa kaniyang leeg... Ang marka ng Kadilimannnnnn...!"
"Kadilimannnn???!!!"
"Oo... Ipapaliwanag ko lahat oras na maayos natin ng nangyayari sa labas.. Kaya painumin mo na si Liam nito!"
Wala na akong maisip dahil ng malaman kong hindi si Liam ang itinakda talagang napakasaya ko ng mga oras na iyon pero ano ito...
May marka sa anak ko!
Tama ba ang narinig ko "Marka ng Kadiliman!!!!????"
Paano...
------------------------------
James POV
Mahigit isang linggo na ang nakakalipas ng mapagaling ng Ika limang tagapagbantay si Ethan. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising ang Itinakda. Kaya naman hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa kaniya oras na gumising ito tungkol sa kaniyang mga anak.
Nagugulat at nandun na din ang galak sa akin ng nakikita ko ang ginagawa ni Aldous sa mga sanggol, di ko alam na may mother instinct pala ito dahil nakakaya niyang bantayan ang mga sanggol kahit na Alpha Male si Aldous.
Tandang tanda ko pa ng magulat kami sa nangyari ng gabing makita namin ang pagbabago ni Pierre ganoon na din ang mga sanggol.
Halos magulat kami ng makita namin ang malaking pagbabago nito. Di ko mapaliwanag at mailarawan kung gaano kagandang lalaki at matipuno si Pierre ng magbago ito sa tulong ng mga sanggol.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...