Ethan's POV
After the scene sa library, maraming nagbago sa akin, ewan ko ba hindi mawala wala sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon. Minsan nga tinatanong ko na sa sarili ko kung straight pa ba ako? Normal ba yung naiisip ko o kaya nararamdaman ko sa kaniya?
Bago ko naman napansin ang mga pagbabagong iyon maraming mga beses na nahuhuli kong nakatingin sa akin si Liam. Minsan pa nga nagugulat ako kasi nakikita ko siya sa mga lugar kung san di ko inaakalang nandoon din siya, yung tipong Stalker siya. Pero kahit ganoon ang ginagawa niya ewan ko parang masaya ako kasi kahit papaano may nakakapansin na din sa akin, kahit awkward lang kasi lalaki din siya.
Isang beses naglakas loob na akong lapitan ito at confront-ahin pero instead na siya ang magulat sa paglapit ko ay ako pa mismo ang nagulat sa sagot nito.
Nasa resto ako noon at nakita ko siyang nakaupo sa reservation area at nakatingin ito sa akin. Kinilabutan ako kasi pansin ko bawat galaw ko ay nakatingin ito sa akin. Ang nakakatawa lang ay instead na matakot ako ay pakiramdam ko'y masaya ako sa ginagawa niya.
Kaya nga ng mag sign na ito na mag oorder ay tinawag ko ang kasama kong babae na kanina pa din kinikilig dahil napag alaman kong crush nito ang binata.
By the way school mate ko si Iya. HRM student siya at tulad ko marami din siyang extra work, kasi isa din siya sa mga scholar ng University na pinapasukan ko. Nagulat nga ako kasi di ko inakala noong una na scholar din siya kasi mukha din siya mayaman. Model siya sa isang brand ng damit at eto nga ang isa pa niyang extra work ay mag waiter sa resto na ito.
Hanggang tenga ang ngiti nito ng sabihin ko siya at kausapin na siya na lamang ang lumapit sa binata na alam kong kanina pa nakatingin sa lugar namin.
Bago pumunta sa Iya sa pwesto ni Liam. Pasimpleng nag ayos ng ito para naman sure siyang papansinin siya nito. Maganda si Iya kaya nga sinabihan ko siya na hindi na niya kailangang gawin pa iyon kasiagmumukha lang siyang "cheap" dahil dun nabatukan ako ng kaibigan kong ito.
Habang naglalakad ito palapit sa binata pansin ko n unti unti nitong inaalis ang napakalaking ngiti nito para naman di siya ma obvious na kinikilig ng husto. Pero nagulat ako ng bigla itong bumalik na nakasimangot.
"Oh what happen, nakasimangot ka!"
"Ethan, hindi ako ang gustong kumuha ng order niya. Ikaw ang gusto niya... Wala naman siyang sinabing masama sa akin pero feeling ko rejected ang beauty ko! Haysss"
"Ikaw naman... Baka naman nahihiya siya kasi ang ganda mo"
"No Ethan, sabi niya... Taken na siya and he is waiting for that person to get his order. Well dalawa lang naman tayong waiter ngayon... So sino pa ba ang hanap niya... Di ba ikaw... Well if lalaki gusto niya at ikaw nga iyon. Ako ang first fan girl nyo as couple..."
"Nyek... Umayos ka nga Iya. Straight ako and look... Super straight nung guy na yun! Nag uumapaw ang sex appeal at kagwapuhan. Wahhhh pinatatawa mo talaga ako ng husto. Kahit nga babae walang nagkakagusto sa akin lalaki pa."
"weehhhh straight lokohin mo ako... ahhhhh basta i know for sure ikaw ang gusto ni Captain Liam... Dont worry secret natin yun if manligaw yan sayo!"
"Dug!..." yan yung tunog ng mahinang suntok ko sa noo nito.
"Nyeta, gumanti ka lang! Oh siya siya, pumunta ka na doon at mukhang matutunaw ka na pag di ka pa pumunta doon.... Goodluck! (sabay kindat ng nakakaloko sa akin)"
Natawa na lang ako sa ginawa nito sa akin. Di na din siya nagtaka ng husto kasi nasabi ko na din sa kaniya beforehand na madalas nga akong sinusundan ni Liam. Kaya nga isang beses sa University ay nagmasid siya. Nagulat nga siya ng malaman nga niya na ini stalk nga ako ni Liam. Pero simula nang sabihin ko sa kaniya na parang may mali sa nararamdaman ko ay natuwa ito kasi sa wakas daw may kaibigan siyang super straight na mukhang doubted na sa pagkalalaki.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...