Thirty-8: Ang Misteryo sa pagkatao ng Ika-Anim (Part 2)

879 52 7
                                    

Anika's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Anika's POV

Kitang kita ko ang pagkagulat ng aking mga kasama ng biglang unti unting may lumabas na apoy sa aking paanan. Dahan dahan itong umaakyat sa aking katawan hanggang sa narinig ko ang boses ng dalawa.

"Annika ikaw ba yan... Anong nangyari...??" sabi ni Eula

Nang tingnan ko si Annia ay saglit na napansin ko ang isang tingin na nakakakilabot tapos ay muli itong nagbalik sa pagkagulat.

Hindi ko na ito pinansin dahil baka nagmalik mata lang ako. 

Nagulat sila dahil biglang nagbago ang aking itsura. "Oo,  kaya kong magbago at gumaya ng anyo ng kahit sinoman, mapatao o kahit anong nilalang. !" Subalit ngayon ko lang ita try na pati sila ay mabago ko ang itsura.

Hindi na ako nagsayang ng oras, nang may nakita akong dumaan na mga kawal sa labas ay agad kaming umarte upang maagaw ang kanilang atensyon.  Kaya naman ng makapasok ang mga ito sa aming silid ay agad naming ginawa na patulugin ang mga ito at simulang gamitin sa dalawa ang aking kapangyarihan.

Nang hawakan ko ang kamay ng dalawa kong kasama at ituon ang aking isip sa dapat mangyari na pagbabago ng mga ito ay doon tila nagdilim ang aking paningin at naalaala ko ang araw na aking kinatatakutan at hindi makalimot limutan.  Ito ang araw kung saan nagkaroon ng rebelyon sa aming kaharian, ang araw na namatay ang aking buong pamilya dahil walang kalaban laban ang aking pamilya ng malaman ng mga ito na kasama ng mga nag rebelde ang lupon ng mga Vampire Slayer (Hunters)...

Halos lumabas ang butil butil na pawis sa aking katawan ng maalaala ko ang sandaling iyon. Tutulo na sana ang aking luha at susuko na ako ng may marinig akong isang tinig.

Tinig na halos nagpagaan ng aking isip at damdamin.  Mumulat na ako ng magsalita ito.

"Ika-Anim... Salamat,...
Salamat at sa wakas ay nagawa ko din na mahanap ang iyong aura at mapasok ang iyong isip. Masyadong malakas ang nagamit na mahika upang hindi ko mahanap at malaman kung saan kita makikita. Nang gamitin mo ang iyong kapangyarihan o kakayahan ay doon din nawalan ng bisa ang mahika na nagbabalot sa iyong pagkatao."

"Sino...  Sino ka! ...Ika Anim... Sino ang Ika-Anim...  Ako, ba ang sinasabi mo??? "
halos gatol kong pagsagot dito,  pero nagulat ako ng mapansin kong hindi bumubuka ang aking bibig kundi sa isip kami nag uusap. 

"Oo,  ikaw ang nakatakdang maging tagapag bantay... Ang ika-Anim... Ang Ika- Anim... Alam kong alam mo ang sinasabi ko... Bago ko ipaliwanag ang lahat gawin mo muna ang iyong nais....

Imulat mo ang iyong mata at isipin mo ang nais mo na mula sa iyong puso walang halong pangamba at puno ng pag asa.  Doon lamang mangyayari ang ninanais mo. "

Hindi na ako nagtanong dahil may kakaiba sa boses nito na tila matagal ko na itong kilala.

Sinunod ko ang sinabi nito at nagulat ako ng magbago nga ang itsura ng aking mga kasama.

Kaya naman agad kaming lumabas upang hanapin ang lagusan palabas subalit ayon sa puso ko ay may dapat akong mahanap...

"Ang boses sa aking isip..."  bulong ko sa aking isip

Hindi ko namamalayan na pa-akyat ang ginagawa kong paglalakad instead na pababa na kung saan ang tamang daan patungo sa sikretong lagudan ng mga Elf. 
Subalit Sumusunod lang sa akin ang dalawa kong kasama, walang imik at walang angal.

Habang ramdam kong pataas na ako ng pataas ay nasisigurado kong lumalapit ako sa lugar kung nasaan ang boses.. Ang boses sa aking isipan.. ay may kakaibang pwersa na lumalabas sa aking katawan. Pwers na ngayon ko lang naramdaman.  Hindi ko maipaliwanag pero the more na napapalapit ako ay unti unting lumalabas ang matagal ko ng tinatagong kapangyarihan.

Ang kapangyarihang pinangako kong hinding hindi ko na gagamitin sa harap ng aking ina.  Ang kapangyarihan ng pagkawasak...
Ang kapangyarihan ng pagkontrol sa Apoy at Kalupaan. 

Tanda ko pa nga ang naging pangalan ko noon kaya naman kinatatakutan ako.  Pumikit ako at inalala ang bansag sa akin....


"I ammm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I ammm..." hmmm

"Lady Anika the Immortal Phoenix from the Royal Family Blood-line, Vanderwolff, the heir, the last Princess and the only living Pure-Blooded Vampire, the only Vampire who can walk to sunlight, the Untouch and the Most Powerful Earth and Fire Guardian."

Pagdating ko sa isang pasilyo na may napakagandang estraktura at may magagandang mg bulaklak sa bawat poste at makukulay na ilaw.

Habang naglalakad ako ay kitngnkita ko ang isang malaking pintuan na unti unting bumubukas at biglang kumabog ang aking dibdib at bigla akong napasigaw at napadapa ng biglang sumakit ang aking likuran at rinig ko ang sinabi ni Eula sa akin.

"Annika, anong nangyayari... Nagliliwanag ang likuran mo... Annikaaaaaa"...  bigla na akong bumagsak sa aking kinatatayuan ng mga sandaling iyo

"Aaaaahhhhhh..... " malakas na pagtatangis ko ng ako ay mapadapa, at hawakan ang aking kanang bahagi ng aking likuran.



----------------------

Liam's POV

Halos mamilipit ako ng bigla na lang uminit at magliwanag ang aking tadyang. Nasigurado kong walang nakapansin sa akin ng mga oras na iyon. Kaya naman mas siniksik ko ang aking sarili sa likod na parte ng sasakyan.

Nasa ganoon akong pagkakataon ng may marinig akong isang tinig na napakalamig at tila nagpatalon ng aking dibdib.  Hindi ko mawari dahil may kakaiba akong nararamdamn sa boses nito kaya naman kinausap ko ito. Di ko magawang makapagsalita ng malaman kong lalaki ito at halos nagpagulo sa aking isip...  Nang tawagin nito ako at sa sumunod na mga sinabi nito.

"Liammm, Liammm, Liammm..
Kailangan mong mahanap ang Ika-pito... Para muling magising ang mga sanggol... Gustong gusto ka ng makita ng mga anak mo! "

Itutuloy....

JuanDer

"So sino ang Ika-Pito..."

Next Chapter
Thirty-9: Ang Pagtatagpo...

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon