James POV
Nasa tabi ako ng itinakda ng biglang bumukas ang bulwagan ng malaking kwarto kung nasaan kami. Halos humahangos papunta sa akin si Aldous upang ibalita sa akin ang magandang balita.
Kita sa mukha nito ang tuwa at galak ng sabihin nito ang mga katagang inaasam asam namin.
Subalit natigil din ito ng makita ang itsura ng itinakda.
Nagtataka din ako... dahil kung totoong nandito na ang ika Anim ay dapat nagliwanag na ang marka sa katawan ni Alpha Ethan subalit tila wala pa din nangyayari.
Napaisip ako ng mg oras na iyon.
"Maaaring nagkamali ang aking mga kasama sa mga dapat nilang kunin." nalulungkot na aking pag iisipNasa ganoon akong pag iisip ng mapansin ko ang pagpasok ng isang napaka among mukha kasama nito ng anim pang kasama nito ng sila'y umalis Nasa bungad na sila ng bulwagan kung nasaan ang itinakda nang masiguro ko kung sino ito. Halos kilatisin ko ang kabuuan nito na ngayon ko lang ginaw sa buong buhay ko. Pero lakUKng gulat ko ng magising ako sa katotohanan, lalo na sa aking nakikita..... si Pierre.... Kay Pierre ako nakatingin.
Halos di ko mapaliwanag ang aking naramdaman ng mga oras na iyon. May kung ano sa dibdib ko ang tumalon at ng makita ko ang napaka amo at gwapong mukha nito, gusto kong sugurin ito pero napigilan ko lang ng aking sarili.
Ewan ko... Kaya naman nagulat si Aldous ng bigla kong sampalan ang aking sariling mukha. Pero mas kinilabutan ako ng biglang magsalita ang aking Wolf na matagal na ding nanahimik.
"JAMES.... I think our MATE is here but... But... something is wrong... Tila nakatago ang amoy nito kaya nahihirapan akong matukoy sino siya sa mga dumating..."
Bigla akong kinilabutan mula ulo hanggang paa ng sabihin iyon ng aking Wolf. Maaaring si Pierre nga ang matagal ko ng hinihintay. Ayon na din sa sinabi ng aking wolf. Dahil ang totoo ginamitan ni King Kalix si Pierre ng kaniyang kapangyarihan upang maitago ng tunay na amoy nito.
Kaya naman kahit gusto kong malaman ang lahat dahan dahan akong naglakad palayo. Nagulat si Aldous sa inaakto ko. Kahit si Pierre ay nagulat ng makita niya ang ginaw ko ng dumating siya, lalo n ng di ko ito pansinin.
Malapit na ako sa malaking bulwagan ng makasalubong ko si King Kalix sa pintuan at kitang kita ko ang pagtaas nito ng kaniyang kamay at may kung anong liwanag ang lumabas sa isang daliri nito. Kasabay nito ang pagsigaw ng isa pang ako. Kahit na napigil ko alam kong narinig ito ng iba pa.
Halos kabahan ako ng mga sandaling iyon dahil di pa ako handa at hindi ko alam ang kaya kong gawin ma markahan lang ang lalaking ito
Kaya pilit na pilit akong huwag humarap sa mukha ni Pierre ng mga sandling iyon kahit hindi ko na kaya ang lahat.
Sa mga oras na iyon ay may biglang isang tinig akong narinig...
"James, huminahon ka... Sundan mo ang iyong paghinga... Sa oras na imulat mo ang iyong mata ay walang masamang mangyayari. Magtiwala ka sa akin, upang di lumabas ang iyong Wolf..."
"Sino ka!" bulong ko sa aking isip.
"James... Nakalimutan mo na agadd ako... Ako ito, si Ethan... Kahit mahina ang aking katawan ay nararamdaman at naririnig ko ang isip ninyong lahat.
Alam ko na din ang isang kakayahan ko. Kaya kong mag nullify ng kahit sino na may kakayahan o kapangyarihan. Kaya sa oras na ito ikaw ang unang makaka experience ng aking kakayahan. Sa oras na imulat mo ang mga mata mo ay walang mangyayaring masama. Subalit tandaan mo na kailangan mong harapin ng katotohanang na si Pierre ang iyong kapareha. Harapin mo ng nakatadhana.... Ang iyong Mate!!!!"
"Ahhhhh Yes Alpha..." namumula kong sagot dito.
Nasa ganoon akong pakikipag usap ng biglang nawala ako sa pakikipag usap kay Ethan ng maramadaman ko ang kakaibang sensasyon.
Pagbalik ng aking ulirat ay nasa harap ko na ang napaka among mukha ng binatang iyon. Kinabahan talaga ako sa sandaling iyon. Pero narinig ko muli sa isip ko ng tinig ni Ethan.
"Just relax and focus... hehehe"
"James, anong nangyari sa iyo. Oh bakit namumula ka!" Pierre
"Ahhhh ehhhh wala... May naisip lang akong nakaka init ng dugo!"
Sa sinabi kong iyon ay gusto kong suntukin ang sarili ko. My god, parang sinabi ko na din na ginagahasa ko siya sa isip ko.
Rinig na rinig ko ang malakas na tawa ng boses sa aking isip. Inaasar ako ni Ethan.
"Ahhhhhh.... Okay... Anyways anong nangyari ng mawala kami."
"Wala naman pero ngayon lang ay nakausap ko ang Itinakda.!"
"Talaga...!!!"
Di ako makasagot sa bawat sagot na sinasabi ni Pierre dahil napigil man ang Wolf na nasa loob ko pero ang dibdib ko at ako na unting unting hinahanap ang mukha nito ay di tumitigil sa pagkabog at pag aasam na mayakap ito.
"My God!!!.. Im gay!" bulong ko sa isipan ko. Pero narinig ko ang pagtawa ni Ethan sa isip ko, tawang nakakaasar.
Nasa ganoon akong pag iisip. Nang maramdaman namin ang mga paang nagtatakbuhan patungo sa bulwagan kung nasaan ang itinakda. Kaya naman lahat kami ay naghanda sa ano mang mga nilalang na lalabas sa malaking pinto.
Gagamitin na sana ni Aldous ang kapangyarihan niya ng biglang makita namin ang mga dumating.
Ang tatlong batang babae na nasagip nila Pierre.....
Itutuloy....
-Juan
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...