Forty: Ang Pagtatagpo (Part 2)

939 60 3
                                    

Liam's POV

Habang pabilis ng pabilis ang aking mga hakbang, ramdam ko na lalong bumibigat, ang bigat sa aking dibdib. May mga mumunting luha ang nalabas sa aking mga mata.

Kasabay nito ang paglabas ng mas malakas pang aura sa aking katawan. Kaya naman ramdam ko ang takot ng mga nadadaanan kong mga nilalang na naninirahan sa malawak na kagubatan.

Nang ipikit ko saglit ang aking mata ay muling nagbalik ang mga imaheng kanina ko pa nakikita. Isa-isang nagbabalik ang mga ala-alang akala ko noon ay isang panaginip lamang. (scene from Chapter 25- Torture)

Biglang muling tumulo ng mas malakas ang aking luha ng muli kong makita sa aking isip ang isang eksena na talagang tumanim sa aking isipan. "My baby....  "Ethan!..." ang bigat ng dibdib ko ng maalaala ko ang lahat.

Nang biglang napatigil na lang ako...

Nang napansin kong nakarating na ako sa isang napakalaki at napakalawak na tulay. Ang tulay ay nababalutan ng matinding mahika. Mahikang sa panlabas na itsura ay iba sa paningin ng normal na tao. Siguro matatakot sila dahil sa mata ng normal na tao, isang sira at halos magkakalas-kalas ang bawat baitang nito.

Subalit sa mga katulad kong mga nilalang na di normal ay malalaman mong kakaiba ito,  may malakas na pananggalang ang nakabalot dito. Nagulat na lang ako ng napansin kong nakapasok na pala ako ng walang kahirap hirap kaya naman bago pa ako muling makahakbang ay sunod sunod na mga matutulis at mapapanganib na palaso ang tumungo sa aking harapan, halos malusaw ang bawat tamaan ng mga palaso dahil may mahika din sa bawat palasong tumama sa sahig.

Alam kong hindi basta basta ng mga palaso dahil ng tumama ito sa sahig at biglang nalulusaw ang mga ito upang walang maiwang bakas maliban sa sahig.

Agad naman akong sumagot ng isang malakas at nakakatakot na alulong na siyang nagpatayo ng balahibo ng sinomang nilalang na may mababang uri ng kakayahan o aura sa kanilang mga katawan.

Maya-maya ay tumigil ang mga palasong dumadating sa akin.  Nang mapansin kong may mga matang kanina pa nakatingin sa akin.

Agad akong tumingin sa aking likuran na siyang aking ikinabigla, pero ramdam ko ang takot ng karamihan sa mga ito ngayong nasa harapan nila ako, isang napakalaki at naglalabas ng malakas na aura na Wolf.

Napakaraming mga nakaitim na mga nilalang ang dumating, mga "Bampira". Anim sa mga ito ay sigurado kong mga lider ayon na din sa aura-ng lumalabas sa mga ito, alam kong may malakas na kapangyarihan nababalot sa mga ito. Ngayon lang ako nakakita ng lahing ito kaya di ko alam ang mga kakayahan mayroon sila.

Ang mata ng anim ay kakaiba sa iba pang kasama nila. Ang karamihan ay pula samantalang sila ay pinaghalong pula at itim.

Nakita kong itinaas ng isa sa mga lider ang kamay nito at matiim na nakatitig sa akin at itinutok nito ang kaniyang palad sa akin.

Sa aktong iyon ay may kung anong bumalot sa aking katawan at unti unting nagbabago ang aking katawan. Hanggang sa bumalik ako sa tunay kong anyo.

Nagulat ang nilalang na nasa harap ko, ang nilalang na nakatututok ang palad sa akin.

Kita ko sa mga mata ko ang nilalang na dahan dahang lumalabas sa palad nito. Halos tumaas ang aking balahibo ng makita ko ang lumalabas dito.

Ang nilalang ay may tatlong sungay na may gintong kulay, may anim na nanlilisik na mga pulang mata at apat na pakpak na itim.  

Hanggang sa pumatong ito sa balikat ng nilalang na nakatitig sa akin.

Mabilis na kumumpas ang nilalang at ang aninong itim sa kaniyang balikat ay mabilis na lumipad at mabilis na sumugod sa akin pero di ito nakalapit dahil bigla itong tumalsik, naalala ko n may malakas na mahika nga palang nakabalot dito.

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon