Authors note:
To be honest iniyakan ko ang part ni LIAM... Huhuhu ang sakit sakit. Yung damang dama ko yung pagkakasulat ko. I hope maramdaman nyo din yung sinasabi ko... Hahaha
Pasensya na talaga... Nakaisip na ako ng way para mabalik ang memory ni Liam...
Sa susunod na UD.
See yah...
-Juan
Enjoy this Chapter...
-----------------
King Kalix POV
"Bilang sumunod na hari sa lupain ng mga Elf, may isang lugar na tanging ang hari at mga may pusong busilak at malilinis na kalooban ang nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa sagradong lugar na ito"
"Ang "Tree of Life", ito ang sikretong silid kung saan makikita ang isang napakalaking puno, puno na kung saan namin nilalagak ang mga sanggol ng aming mga bagong silang na mga Elf. Ito din ang puso ng aking kaharian kaya naman tanging ako lamang ang may kakayahang buksan ang pinto at lagusan papunta dito."
Ang sino mang makakapasok sa lugar na ito ay talaga namang mamamangha, dahil isa itong silid ngunit tila nasa isa kang malaking kagubatan na may mga ibat ibang klase ng bulaklak at sa gitnang bahagi ng lugar ay makikita at matatanaw mo ang isang napakalaking puno na may mahahabang sanga, matatabang baging na siyang nagiging hagdanan ng mga namamahala dito.
Napapalibutan din ito ng napakaraming ibat ibang magagandang bulaklak na may ibat ibang nakakamanghang kulay, mapapansin mo din dito ang mga maliliit tila ilaw na lumilipad lipad sa siyang nagbibigay liwanag sa mga sanggol. Ang nga ilaw na ito ay ang mga maliliit na fairies na may kaniya kaniyang responsiblidad sa mga supling na naroon.
Sa sobrang laki ng puno ganoon din kalaki ang mga dahon nito, ang mga dahon ay napakalambot na parang isang kutson na puno ng bulak, ang mga dahon na ito ang nagsisilbing mga kuna, higaan at bahay ng aming mga supling.
Lahat ng kanilang kinakain at kailangan sa kanilang paglaki ay nagmumula sa puno. Lahat naman ng kailangan ng puno upang makapag produce ng tamang pagkain sa mga supling ay nanggagaling sa mabubuting budhi at sa puting mahika na ginagamit ng mga elf sa aking kaharian.
Sa pinaka gitna ng puno ay may isang silid na tanging naka desenyo at naka laan sa magiging anak ng Itinadhana. Oo, matagal nang hinihintay ng aking mga ninuno at mga naunang mga hari ang pagdating ng Itinadhana subalit ayon sa kanila maraming pagkakataon ang nangyari at naganap kaya di nangyari ang kanilang hinihintay.
Ayon sa aking Amang hari noon ay inasam-asam niyang na sana sa panahon niya ay masaksihan ang pagdating at magamit ang silid na ito subalit may nangyari kaya naman lalong nagulo ang propesiya pero kahit ganoon ay mas nanaig sa kaniya ang mabuting idudulot nito sa oras at araw na dumating ito. Isang magandang senyales at blessing ang maibibigay nito sa lahat ng nilalang na nabubuhay.
Kaya naman isang malaking pasasalamat sa aking panahon nasaksihan ang araw na ito subalit ayon na din sa mga sabi sabi at pagkagulo ng Propesiya naging masama ang dating sa lahat ng nilalang ang sinasabing Propesiya.
Mas naging kalugod lugod sa akin ng malaman ko na isa din ako sa pitong Guardian na sinasabi ng aking Ama na magbabantay, makakatulong at mangangalaga sa Itinadhana.
Ngayon nga ay pinag utos kong bantayan ang mga sanggol ng Itinadhana ng mga matataas na fairies sa aking kaharian.
Minsan nga ay nasaksihan ko ang isang pangyayari na alam kong ngayon lang nangyari. Ang lahat ng sanggol sa puno ay nagsisipag awit, awit ng pagkilala at pagpupuri sa mga anak ng Itinadhana.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...