Third Person POV
Nang bumalik sa pagtulog si Liam ay hindi na nito muling nakita sa panaginip ang imaheng lagi niyang nakikita.
Sa tuwing natutulog siya. Doon lumalabas lahat ng nais niya. Ang kagustuhan niyang makita at makasama ang matagal na niyang inaasam. Ang nakatadhana para sa kaniya. Tinatago niya sa kaibigang si James, sa mga magulang o kahit sa tito niya.
Kaya naman nagkakaroon ng daan na kahit sa panaginip ay buong puso siyang natutuwa pero mabigat na din sa loob niya dahil madalas ay nakikita lang niya ito na tila kinakausap siya pero wala siyang na ririnig dito.
Kahit alam naman niyang sa sarili niyang siya talaga ang kausap nito pero wala sa bibig niyang nalabas na kahit na anong letra.
Ganoon pa man makita man lang niya ang imahe ay masayang masaya na siya.
Minsan nga ay naiyak siya sa kaniyang panaginip o kahit sa kaniyang pag gising pero wala siyang matandaan kahit isa dahil di niya talaga naririnig ang sinasabi ng imahe. Ang tanging alam niya lang ay malungkot ito at lagi siyang kinakausap.
----------
Samantala, di na tinapos ni James ang party at umuwi na ito. Sumakit ang ulo niya sa mga nangyari. Lalo na nang hindi niya alam kung anong nangyari bakit siya tumalon sa ikalawang palapag.
Na parang may sariling kusa ang kaniyang katawan ng mga sandaling iyon. Kahit si Storm ay walang mabigay na sagot sa nangyari sa kanila.
Pagdating niya sa bahay ay tahimik na ang lugar kaya naman di na siya gumaw ng ingay at minabuting magmasid muna sa kapaligiran lalo na at sinabihan siya ng tito ni Liam na mag ingat dahil may nabalitaan silang mga Hunters na dumating ayon sa kanilang Intel.
Nang masigurado niyang wlang kahit anong banta ay dumiretso na siya sa kaniyang kwarto at natulog.
-------------------------
Kinabukasan araw ng Sabado, maagang nagising si Liam, di niya alam kung bakit parang mainit ang kaniyang katawan. Na tila any moment ay sasabog siya. Agad siyang naligo at nagbihis. Di na siya dumaan sa kusina bagkus ay dumiretso sa garage para kunin ang sasakyan niya.
Pagdating sa school ay lalo lang siyang parang wala sa sarili. Masyado siyang naging maingat sa paligid niya.
Gulong gulo siya sa sarili pero kahit ganoon ay ginawa pa din niya ang mga bagay na amuyin ang buong paligid, magmasid sa kung anong possible na masamang kilos.Pagkatapos niyang gawin iyon ay nagulat siya ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakita niya ang papa niya sa screen.
"Yes dad! Napatawag ka..."
"Ayos ka lang ba? Miss ka na namin ng mga kapatid mo at mama mo!"
"Wait dad, bakit bigla bigla naman ang pagtawag niyo. May problema ba?
" Wala naman anak... Nangangamusta lang! Pero... Ahhhh basta dont mind it na lang. Basta mag inat ka diyan"
"Thanks dad ok naman ako. Regards na lang kina mama at mga kapatid ko."
"Ok, ingat ka anak!"
"Opo..."Pagkapatay ng phone nito napabulalas na lang sa bibig si Liam. "creepy" ang katagang lumabas sa labi niya pagkataos patayin ang tawag. Daktong sakto ang pagtawag ng parents nito na parang alam nila na may nangyayari sa kay Liam.
--------------------
Silver Diamond Pack
"Elder Marcus, what's happening bakit parang masyado kayong nagpapanic. Ayon sa ibang kasamahan nating mga Elder may nakikita kayong mga pangitaing maaaring mangyari pero di niyo malarawan." Elder Rome
"Oo, simula nang maganap ang Propesiya lahat ng visions ko ay di ko na matukoy madalas pabago bago ang lahat. Natatakot ako lalo na at ayon kay Elder Yuri ang daming nagbabago sa mga bituwin at isa pa ang sagradong bundok madalas ay yumayanig ito na ayon sa mga nakasulat sa libro ng mga sinauna may masamang pahiwatig. Ayoko man pangunahan pero mukhang nauulit na naman amg nangyayari. Katulad din ito nang huli pero ang pagkakaiba nga lang ay walang marka ang lumabas sa posibleng nakatadhanang miyembro dito sa atin. Ang tanging alam ko lang ay may malaking mangyayaring delubyo anytime soon." Elder Marcus
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasiaMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...