James POV
Hindi ko na tinapos ang event, kasi di ko talaga alam kung bakit masyadong attached si Storm sa binata. Tinatanung ko siya kung siya ab ang aking "mate". Natawa nga ako sa sagit nya. "Wag kang assuming, di siya laan sa atin. Sundin mo na lang sinasabi. Malalaman mo din ang sagot ome of this days... Protektahan na lang natin siya, at yung ng di natin nagawa."
Lagi akong kinakabahan pag nakikita ko ng binata, madalas ay masyado akong nagiging alerto kapag nas paligid ko siya. Tinalo ko pa ang jowang masyadong seloso at paranoid.
Hindi ko na din gusto ang mga ginagawang kalokohan nila Mark. Kahit ang nga iba naming classmate ay umalis na dahil sa ginawa nito kanina.
Ayoko n din mag stay doon baka may makahalata na iba ako sa kanila. Mahirap na baka may spy o mga secret spy sa mga classmate ko na member ng Hunters. Hindi iyon mawawala sa posibilidad lalo na at kung elite hunters na ang mga ito.
Dumating ako ng bahay na masyadong naging maingat.
Bago ako natulog muli ako nag ikot sa buong bahay at sinigurong walang nakasunod sa akin.------------------
Kinabukasan...
Pag mulat ko pa lang ng aking mata ay ramdam ko na may mangyayaring masama.
Kaya agad kong hinanap si Liam. Subalit pag pasok ko sa kwarto niya ay wala na ito. Kaya agad kong hinanap ito kung san ang location nito sa phone niya.
Pagdating ko sa school ay napag alaman ko na di ito pumasok kaya muli ay sinearch ko siya. Ayon sa location nita ay nasa isa siyang Mall malapit sa University. Palabas na ako ng school ng makita ako ng buong tropa. Ewan ko ba pero nagkakakutob na ako sa mga ito kasi lahat na lang ng kilos ko ay di pwedeng di ko sila kasama pero inalis ko din naman sa iaipin ko iyon dahil may maa mahalaga akong hanapin at isipin.
Nang makasakay na ako sa sasakyan ko ay tumawag si Roy, isa sa mga tropa. Siya yung magaling sa computer. Sasama daw siya akin at tinatamad din sila pumasok.
Pumayag na ako ng sinabi nitong sasama sila sa skip ko sa class. Pagdating ko sa mall ay biglang sumakit ang Marka ko sa tagiliran ewan ko di ko alam pero mas kinagulat ko ay nang magliwanag ito na ngayon lang nangyari. Mabuti na lang ay wala siyang kasama sa loob kung hindi ay magugulat ang lahat sa maaaring masaksihan.
"Anong nangyayari Storm, yung marka ko. Masyado siyang active for the past weeks at eto mas matindi ngayon"
"James, tsaka mo na isipin yan we have an urgent situation ngayon. Bilisan mo!, maaaring nagyin mo na malaman ng dahilan"
"What!?"
"Basta... Just go!!! If ayaw mo ako ang magkokontrol sa ngayon"
"No, baka may makakita at maka detect s ating mga Hunters!"
"So bilisan mo na, kailangan tayo ni Alpha Liam.!"
"Alpha Liam......????"Di na sumagot si Storm maliban s pag aangil nito sa kakulitan ko at mga tanong ko.
Paglabas ko ay masyadong naging malakas ang mga senses ko.
Kaya agad ko nalaman kung nasaan si Liam. Pagpasok ko ay rinig na rinig ko ang sinabi ni Liam.
"Mate..... Mine...."
"Mark Him... Mark him Liam. He is our Mate...."Pero ang kinagulat ko ay lalaki ang nasa harap, walang iba kundi ang binata.... Si Ethan!...
Lalapit pa sana ako ng maramdaman kong dumating na ang buong tropa. Kita ko sa mukha ni Ethan ang takot at galit sa amin lalo na sa kasama ko na si Mark. Gulat na gulat ako at ramadam ko ang pagkagulat ni Liam sa mga simabi ni Mark.
"Oh my, the little faggot is here. What a coincidence..... Oh by the way Happy Birthday Hahahah!"
Nang tumalikod si Liam para harapin kami kita ang pagtataka at gulat nito at alam ko na kita niya ang pagkagulat ko sa mga nangyayari.
Sigurado akong ang daming tumatakbo sa isipan ni Liam ng mga sandaling iyon kaya di niya napansin na wala na sa harap niya ang binata. Tila napako ito sa pagkakatayo.
Alam ko matagal na niyang hinihintay ang kaniyang kabiyak kaya nga ayaw nitong makipagrelasyon kahit kanino. Oo, alam ko. Pero di ko pinapahalata sa kaniya na alam ko dahil magiging malaking issue sa kaniya pag iispin ko pa siya.Nagising na lang muli sa kaniyang pagkawala saglit sa sarili si Liam ng muling magsalita si Mark.
"What a dirty faggot!!!"
Bilang guardian ni Liam, almost kalahati ng kniyang mga nararamdaman ay nararamdaman ko. Pero tinuruan ko ni Sir Martin paanu ko kontrolin ito at mabalewala. Pero ngayon hindi ko kayang gawin kUKng paano dahil sukdulan ang nararamdaman nitong galit sa aming kaibigan. Llo na siguro kung malalaman nito ng ginawa nito kagabi kay Ethan. Kitang kita ko.ang gagawin nito kaya bago pa niyo masaktan si Mark ay ako na ang humarang at sa akin niya naisuntok ang dapat kay Mark. Kung sa normal na tao pag nasundok ka sa tiyan ng isng Werewolf/human lalo na sa sikmura talagang mammtay ka s sakit o kaya naman ay magkakaroon ng damage ang internal organs mo. Hindi iyon napansin ng ibang tao dahil masyado itong mabilis. Kung s iba iisipin lang nito na natumba si Liam kaya ito biglang napayakap sa akin.
Pero kahit isa akong were ay iba ang suntok na iyon. Ramdam mo galit sa suntok na iyon ininda ko na lang iyon kahit na ramdam ko talaga ang lakas nito.
"Liam, calm down! Check yourself first, your eyes, its turning Silver." oo nagulat ako ng makita ko ang mata nito. Una ay naging golden yellow pero biga na lang naging silvery white. Takang taka ako dahil ibig sabihin siya pa rin ang nkatadhana maging Alpha ng Silver Diamond Pack dahil sa pagbabago ng kaniya mga mata. Normal sa mga future Alpha ang maging Golden yellow ang mata ng mga future Alpha pero iba ang Pack namin. Kami ang lineage ng pinaka una at pinaka malakas na Werewolf sa buong mundo kumbaga nasa linya namin ang unang mga naging supling ng Moon Goddess.
Kita ko ang takot at pagkagulat sa mukha ni Liam. Pero nawala din ito ng muli itong magbalik sa sarili. Agad itong tumakbo at sigurado akong hahabulin nito si Ethan. The "Future Luna" ng Silver Diamond Pack.
Badtrip na badtrip ako ng tawa lang ng tawa ang mga kaibigan ko sa ginawa nila sa aming luna. Gustuhin ko man silang gantihan. Wala din mangyyari dahil mga simpleng mg tao lang ang mga ito. May mga masasamang ugali lang talaga.
Hinanap ko si Liam king nasaan ito ng maamoy ko ang scent nito kung nasaan ito. Agad kong pumunta sa parking area kung sana ito nakapwesto.
Palabas na ito ng kotse ng dumating ako sa harap niya. Alam ko marami itong tanong lalo na at kita nito na kilala ko ang binata. Ang aming Luna, ang kaniyang Luna.
" Liam, or rather Alpha Liam. Anong nangyari, bakit biglang nagbago ang mata mo. Only the future Alpha ng Silver Diamond pack ang maaaring magkaroon ng mata na pinakita mo.
And lastly, kaya pala... Kaya pala!!!.... Laging wala sa sarili si Storm kapag nasa tabi o nasa paligid lang namin si
Ethan. Kaya pala lagi niyang gustong bantayan at protektahan ito, di ko inisip na ganoon nga. Haysss... Dahil siya pala ang matagal mo ng hinahanap Alpha. Si Ethan he is your Luna.""So, Ethan pala ang name niya! Pero paano mo siya nakilala!"
Di agad ako nakasagot sa tanong niya kasi bigla na lang tumunog ang phone ni Liam ng sandaling iyon....
Itutuloy
-Juan
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...