Eleven: Ethan's Past (II)

1.5K 66 0
                                    

continuation.....

"Ethan, ikaw ba yan! What happen to you... Oh my God... Ethan.... Bakit ang dumi dumi mo! Anong pumasok sa ulo mo at naglayas ka, san ka agsuot o  nanggaling bata ka for the past
6 months???" sunod sunod na tanong ng aking tito.

"Po! 6 months!!!! Paano nangyari iyon samantalang kanina lang ay kasama ko ang aking mga magulang. Nasaan po ang mga magulang ko!"

"Anong pinagsasabi mo. Patay na ang mga magulang mo, kasama sila sa mga nasawi sa sumabog at nag crash na eroplano 6 months ago!"

"Ano po, hindi... Hindi po iyon ang nangyari...!!! Sila manang, sila ate at mga kuya na kasama ko po?"

"Ethan, matagal nang umalis ang mga katulong ninyo. Si Manang naman ay nagbabakasyon pansamantala.
Haysss nasisiraan ka na talaga siguro. Halika maligo ka na muna at siguro ay nawawala ka na sa sarili sa gutom mo. San ka ba nagsusuot at ganyan itsura mo. May pag uusapan pa tayong dalawa."

"Opo!!!"

----------

After 1 hour

"Ethan, eto ang maleta mo at pera na una at huling ibibigay ko sa iyo. Pagkakain mo ay umalis ka na sa bahay na ito, dahil oras na dumating ang asawa ko. Siguradong magwawala iyon and besides sa akin na nakapangalan ang bahay"

"Tito bakit po?"

"Magiging tapat ako sayo. Ni minsan di kita tinuring na pamangkin ko. Alam mo naman na di kita kadugo diba ampon ka lang naman ng kapatid ko. Dahil din sayo minalas ng husto ang kapatid ko or rather lahat ng nagmamahal sayo ay nagka letse letse ang buhay. Ano bang sumpa meron ka. Buti na nga lang ay wala akong amor sayo siguro kung isa ako sa mga iyon maaaring patay na din ako o nalugi sa business ko. Kaya lumayas ka na. Wag ka ng babalik pa.!!! Pinasasabi din ng iba ko pang kamag anak na kinalimutan ka nila kaya wag kang magtatangkang humingi o lumapit sa kanila...."

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Kaya nang matapos akong kumain ay nagsimula na akong maglakad at buhatin ang aking maleta at mga gamit palabas ng aming bahay na matagal kong nagsilbing tahanan.

Ang bigat ng aking dibdib na iiwan ang tahanang ito lalo na ang aking paa na parang ayaw nang unalis a kinatatayuan ko.

Nang muli akong sumilay sa aming bahay ay unti unti nang nasara ang malaking gate na nagsisilbing harang nito.

Nang makalabas ako bahay at magsimulng maglakad patungo sa main gate ng Village ay gulat na gulat ang mga Guard ng makita akong dumaan. Nagulat sila dahil sabi nga nila matagal akong hinanap dahil 6 na buwan nga akong nawala.

Pero di ko na sila pinansin dahil wala na naman mangyayari dahil kahit ako ay hindi ko tanda anong nangyari sa loob ng anim na buwan ng mawala ako o talaga bang anim na buwan ang lumipas. Ang tanging tanda ko lang ay kasama ko pa ang mga magulang ko pero.... Pero di ko matandaan kung saan iyon pero isa lang ang sigurado ko, nakidnap ako at sabay sabbay kaming tinoture ng mg taong iyon. Hinding hindi ko makakalimutan ang tinig ng lalaking iyon.

Alam ko may mali sa nangyari pero wala akong matibay na paraan para malaman ang katotohanan.

Nang tingnan ko kung magkano ang binigay na pera sa akin ni tito laking gulat ko na halos limang libo lang ito. Napag alaman ko din na lahat ng account ko sa bangko ay naka close na. Ang sama ng loob ko dahil that same day din kinuha ang pera ko sa bangko. I found out na si Tito Ricky ang kumuha. Siya yung tito ko na nagpalayas sa akin sa bahay.... kaya sama sa loob ng malaman ko iyon.

Marami akong nilapitan na kaibigan o kakilala para makahingi ng tulong pero ni isa ay walang tumulong sa akin. Kaya nga nang isang gabi nang wala akong makausap at lungkot na lungkot ako sa nangyari sa buhay ko. Sa magulang ko sa kasintahan ko. Nagulat ako ng may bigla na lang sumagot sa isipan ko. Nagulat pa nga ako ng kilala nya talaga ako. Kaya naman ay natuwa na din ako dahil may kausap na ako kahit sa panginip ko.

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon