Sampu: Ethan Past (Part I)

1.6K 68 14
                                    

Cha Eun Woo as Ethan

Ethan's POV

"Today is my birthday, Oo, birthday ko." at kanina pa ako dito nakaupo sa isang sikat ng coffeeshop. Ang bigat sa loob kasi tulo ng tulo ang luha ko. Luha ng hinagpis at kalungkutan Masyadong masakit dahil apat na taon na akong ganito, walang karamay at walang taong gusto man lang tumulong dahil sa sinasabi nilang sumpa.

By the way, ako nga pala si Ethan Gabriel Laviña. Im 22 years old at nag aaral sa isang sikat na Unibersidad dito sa Maynila. Medyo maputi at nagsa 5"8 ang height ko. Di ako kagwapuhan.

May singkitin akong mata, di kagandahang ilong, makapal na kilay at kinky na buhok. Madalas pa nga lagi ako inaasar dahil ako ang pinaka panget sa classroom namin. Pero hinahayaan ko na lang dahil wala naman ako magagawa kung totoo naman sinasabi nila.

Dati mayaman kami pero marami ang nangyari kaya ngayon nag iisa na lang ako at walang kamag anak na gustong tumulong kaya lahat ng panggastos ko ay ako ang gumagawa ng paraan.

Ang totoo niyan. Ampon lang ako ng mag asawang si Anna at Fernan Laviña. Sabi nila iniwan ako sa pintuan ng bahay nila at kahit ayaw nila ay tinanggap nila ako dahil simula ng ampunin nila ako ay sunod sunod ang swerteng dumating sa kanila.

Nandiyan yung nanalo sila sa lotto noong unang taon ko sa kanila, naging success sila sa business na tianatayo nila madalas nagkakaeoon ng magandang result sa ara mismo ng aking kaarawan. Kaya nga madalas ay tinataon nila sa araw ng birthday ko ang mga bago nilang tinatayo o sinisimulang business.

Nalaman ko ang lahat nang dumating ako sa edad na kinse. Ang totoo ayaw nilang ipaalam sa akin pero tadhana na adin ang nag sabi, isang araw kasi ay tinamaan o nagkaroon ako ng malubhang karamdaman na walang pedeng ibang gawin kundi salinan muna ng dugo bago bigyan ng nararapat na matagalang gamutan, dahil na din doon ay nalaman ko na wala kahit isa sa kanila ang ka match ng aking dugo.

Kaya naman inamin nila sa akin na hindi nga nila ako tunay na anak. Kahit ganoon ay di ako nagtanim ng sama ng loob o anumang galit dahil di nila man lang nila sa akin pinaramdam na iba ako sa kanila.

Doon ko din nakilala si Ella, ang babaeng nagpatibok sa puso ko. Siya naman ang bantay sa kaniyang ina na may sakit na cancer.

Noong una ay hindi ko sinabi sa kaniya na mayaman kami o nakakaangat sa buhay. Kaya nga nagulat siya ng bayaran ni Papa ang bill nila sa hospital.

Tumagal ang relasyon namin hanggang umabot ako ng disi otso.
Pero nang araw ding iyon malaki ang nagbago.

Araw ng kaarawan ko iyon. Tandang tanda ko pa nga nang mag celebrate kami ng birthday ko ay bigla na lang akong napasigaw ng malakas at kita ng lahat ng mga tao ang pag liwanag ng noo ko at ang paglabas ng isang simbulo sa noo ko. Pero nang mawala ang liwanag ay parang walang nangyari.

Pero simula ng araw na iyon ay malaki ang nagbago isa na dito ay pagkalugi ng mga business ng mga kaibigan ni papa. Halos lahat ng tao na pumunta sa araw ng birthday ay isa isa silang nalulugi at madalas ay naba bankrupt.

Kasunod nito ay unti unting pagbagsak ng business ng aking mga magulang. Pagbabago ng ugali ng mga magulang ni Ella at kahit siya ay malaki ang pinagbago.

Isang araw ay may natanggap akong tawag mula kay Ella. Ramdam ko ang takot sa boses nito. Kaya naman ng malaman ko kung nasaan siya ay agad akong pumunta. Habang nag dadrive ay hindi ko pinapatay ang tawag nito kaya rinig na rinig ko ang lahat mula sw kabilang linya.

"Nasaan ka Ella... Anak. kanina ka pa hinahanal ni Papa... LUMABAS KA NA, HINDI AKO GALIT., kailangan mong magpakita para matapos na ang paghihirap mo!!!. Ang mama mo, masaya na siyang nahihimbing tingan mo nakangiti siya habang nakahiga!!!"

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon