James POV
"Naguguluhan na ako sa nangyayari. Akala ko ba masama ang propesiya pero bakit.... Bakit nandito ang Sumisimbulo ng Propesiya... Ang Apat na Oracle...."
"Paano ko nalaman na sila ang apat na Oracle? Ayon na din sa suot at mga marka na nasa noo ng mga ito. Ayon sa nabasa ko noong bata pa ako at kwento ng aking mga magulang bawat Oracle ay may marka sa noo nito na nagpapatunay na sila ay mga tinakdang mga Oracle.
Tanging mga Oracle lamang ang mayroon nito kaya madidistinguish mo agad kung sino sino sila.
Bawat isa sa kanila ay may simbulo ng Buwan at simbulo na kung saan silang lahi nagmula. Pero hindi ko masabi kung sino at alin sa bawat isa ang galing sa kung anu anong lahi."
Napansin na siguro ni Liam at Ethan na may kasama kami kaya naman kahit sila ay napatingin sa dumating.
Ramdam ko ang pagbabago ng itsura, aura at paghinga ni Ethan ng tumayo ito sa harapan ng apat na dumating gulat na gulat kami ni Liam ng lumuhod bigla ang apat na nilalang o Oracle.
Biglang nagsalita si Ethan pero alam kong hindi siya iyon lalo na't dahil may kung anong kakaibang lakas at bigat ang kaniyang mga salita na kahit kaunting hangin na lumalabas sa kaniyang bibig ay ramdam mo ang malakas na kapangyarihan dito.
Napaluhod na lang si Liam ng mga oras na iyon, ewan ko kung bakit ako ay eto at nakatayo pa rin. Bigla na lang sumakit ang aking tagiliran at kita ko ang pagliwanag nito kasabay ng pagliwanag ng marka sa leeg ni Liam.
Ganoon din ang mga Marka sa Noo ng apat na dumating. Maya maya ay nawala din ang mga ito.
Naglakad si Ethan patungo mismo sa harapan ng apat na dumating. Ang apat na dumating ay may suot ng itim na robe na tumatakip sa kanilang katawan kaya naman hindi ko makita kung anu pa ang kanilang suot dahil sayad na sa lupa ang robang suot nila.
Kakaibang aura ang mararamdaman mo sa apat na dumating subalit may kung anong nagsasabi sa isip ko na hindi ko mawari. Bawat isa sa mag Oracle ay may hawak o nakalutang sa kanilang tabi na unique na sumisimbulo ng kanilang lahi.
Ang Unang Oracle ay may kung hawak na espada na may mga Diamante na hugis Buwan.
Ang ikalawang Oracle naman ay may nakalutang na malaking Salamin na may pulang pakpak na halos matatakot kang hawakan o tingnan man lang dahil may tumutulong dugo dito at may maraming pulang mga hiyas na nakapalibot dito.
Ang ikatlong Oracle aman ay may hawak hawak na kahoy na napakaganda dahil punong puno ito ibat ibang bulaklak at sa dulo nito ay may kulay Berde na hiyas na kumikinang sa ganda.
Samantalang ang ikaapat na Oracle ay wala akong makitang kahit ano mang itsura dito. Natatakpan siya ng kaniyang roba na ang kaniyang mukha ay di man lang nasisinagan ng liwanag. Sa harap nito ay may nakalutang na bilog na bola o crystal ball na kumikinang sa ganda at sa loob nito ay may maraming ibat ibang bato at sa gitna nito ay may malaking hiyas na perlas.
Nagulat na lang ako ng biglang dumilim ang aking paligid at ng aking ipikit ang aking mata at muling imulat ay nakita ko na lang na biglang natumba si Ethan kaya naman buong ingat ko siyang sinalo. Kita ko ang malalim nitong paghinga at mahimbing nitong pagtulog.
Biglang nagsalita ang isa sa mga Oracle. Di ko na nakita kung sino ito pero alam kong napakalalim ng sinabi nito.
"Binata, alam namin na maraming pumapasok sa iyong isipan. Ano man ang sinabi sa inyo o naikwento maraming nabago na dito kaya naman sa tagal at salin salin na kwento ang propesiya ay nabago ng nabago at ngayon nga ay naging masama na ang dating sa lahat. Taga pag bantay (James) wag na wag mong iiwan at kakalimutan ang iyong nakatakdang tungkulin. Anu man ang mangyari ay wag na wag mong iiwan ang nakatakda. Maging buhay mo man ang kapalit. Sa iyo (Liam) maging handa ka sa mga mangyayari, maging maingat at mausisa upang hindi mabalewala ang iyong pinag hirapan.
Ngayon nga ay Kailangan ninyong tumungo at dalhin ang itinadhana sa bayang inyong sinilangan upang mahanap at makita sa madaling panahon ang simbulo ng buwan, subalit tandaan ninyo sa oras na makita ninyo ang simbulo ng buwan maraming mga mangyayari na magbabago sa lahat. Kailangang maging matibay ka at maging malakas.... Aming Itinadhana.." Unang Oracle
"Huwag kayong mag alala hindi kayo mahahabol ng humahabol sa inyo dahil nasa isang time lapsed sila. Tatlong araw ang lilipas bago sila makaalis sa loob nito" Ikalawang Oracle
"Magmadali kayo, kailangan ninyong matupad ang Unang Takda! Subalit sa loob ng tatlong araw na iyon ay nasa mahabang pagtulog ang nakatakda dahil sa kaniya kinuha ang kapangyarihan upang ma cast ang time lapsed. Umalis na kayo at tumungo sa Silver Diamond Pack at hanapin ang Simbulo ng Buwan, tandaan ninyo tanging ang nakatakda lamang ang makakahanap sa lugar na iyon at sa magiging una ninyong pagsubok. Maraming haharang sa inyo upang matupad ang nakatakda kaya naman kailangan ninyong matupad ang unang task at pagsubok na siyang magiging kasagutan at maaaring makatulong sa inyo..." Ikatlong Oracle
"Ano po ang unang pagsubok, tao po ba sila, bagay o ano... " Liam
"Wala akong masasagot sa iyong tanong, tanging ang nakatakda lamang ang makakasagot sa inyong tanong. Lahat ng aming alam ay pahapyaw lamang sa nalalaman at magagawa ng nakatakda kaya lubos kaming apat na Oracle ay humihingi lubos na suporta upang inyong ingatan at suportahan ang nakatakda. Tandaan ninyo nalalapit na ang panahon kaya kailangan ninyong magmadali" Ikatlong Oracle
Biglang nagliwanag nang nakakasilaw na liwanag ang bolang kristal na hawak ng Ikaapat na Oracle. Nang pumikit ako at si Liam ay nagulat na lang kami ng magmulat kami ay nasa loob na kami ng eroplano at nalipad na sa ere. Rinig na rinig ko ang audio na any moment ay baba na kami sa Canada.
Napangiti na lang kami ni Liam nang may iabot ang isa sa mga Cabin Crew na sulat sa amin. Ayon sa nakasulat na galing sa mga Oracle ang lahat ng nangyayari ay kasama sa time lapsed kaya naman napangiti na lang kami ni Liam ng matapos naming mabasa ang liham.
Napag alaman din naming halos dalawang araw na ang nakalipas, may isang araw pa bago makalabas sa time lapsed ang mga magulang ni Liam na nasa Torture Chamber.
Makalipas ang isang oras ay baba na kami ng eroplano.
Nang bababa na kami sa Eroplano ay biglang nagmulat ng mata si Ethan. Nagulat kami ni Liam sa nasaksihan dito.
-Juan
Note:
Wag po sana kayo maguguluhan sa nangyayari hahaha kasi sa dami ng new characters kahit ako nagsisimula ng maguluhan. Hayssss
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...