Ethan's POV
Takot na takot ako ng magising, pagkatapos ng eksena kanina iyon ay na ako ay dukutin sa harap ng University. Ramdam ko ang pag andar ng sasakyan kung saan ako nakasakay.
Kita ko ang apat na lalaki na nakaupo. Dalawa sa aking tabi at ang dalawa pa ay nasa harapan. Ang pinagtatakhan ko lamang ay kung bakit naghubad na sila ng kanilang piring. Yung di man sila natatakot na makita ko ng mga mukha nila.
Kaya naman napag alaman ko na ang isa sa mga ito'y kaidaran ko lang samantalang ang tatlo pa ay mahigit trenta anyos na ang edad. Tahimik lang ang mga ito habang naandar ang sasakyan.
Maya maya ay napansin na ako ng mga ito gising na, kaya naman nagsalita ang isa sa mga lalaki na nasa harapan. Ang katabi ng driver, sigurado akong siya ang leader sa apat.
"Kung gusto mong walang mangyaring masama sa iyo ay wag kang sisigaw at gagawa ng ikapapahamak mo!."
Sa takot ko ay tumango na lang ako. Bilang pagtugon sa kanilang sinabi.
Nakaupo lang ako at nag isip ng paraan para makatakas.
Upang di nila mapansin ang aking gagawin ay pinikit ko saglit ang aking mga mata at pagmulat ko ay napansin kong wala na kami o nakalabas na kami ng siyudad. Kaya naman pumasok sa isip ko ang isang plano.
"Sir, pwede po ba ako makaihi man lang. Sir, please po. Kailangan na kailangan ko lang pong makaihi, sasabog na po ang pantog ko!!!" Pag mamaka awa ko sa pinaka batang kasama ng mga ito.
Napansin ko naman na tinalaban ang batang kasama nito sa aking pag mamakaawa.
Kaya naman bigla na din itong nagsalita.
"Saglit lang, itigil nyo ang sasakyan. Iihi ako.. Isasabay ko na ang lalaking ito."
"Sigurado ka bang naiihi ka o naawa ka lang sa lalaking iyan. Tandaan mo baka nasa paligid lang ang mga kalaban at isang maling galaw natin ay tayo ng mapatay ng mga ito." sagot ng lalaking nasa tabi ko.
"Ako ang bahala, ako man ang pinaka bata... tandaan nyo na ako naman ang pinaka mabilis sa ating apat."
Biglang tumabi ang sasakyan at tumigil ito sa isang mapunong lugar.
Doon ko na naisip ng dapat kong gawing plano.Pagbukas ng pinto ay agad na bumaba ang lalaki at hinila na din ako nito. Masakit man ang paghila nito ay di ko na pinansin dahil alam kong wala akong karapatang magreklamo.
"Bilisan mo sa pag ihi, tandaan mo wag kang gagawa ng ikakapahamak mo.!"
Nang sabihin niya iyon ay tinanggal niya ang nakatali sa aking mga kamay at agad na lumayo ng kaunti sa akin.
Bubuksan ko na ang aking zipper ng bigla akong kumaripas ng takbo.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko kaya alam kong hindi siya makakahabol sa mabilis kong pagtakbo.
Pero laking gulat ko ng bigla na lang akong sumubsob sa lupa at may kung anong mabigat na nilalang ang nakapatong sa akin, pansin ko din ang isang matulis na bagay na nasa mukha ko. Pag ikot ng aking mukha ay di ko sinasadyang mahiwa ng bagay na iyon .
Gulat na gulat ako ng makita ko ang mata nito na nanlilisik dahil dun au may kung anong kuryente ang dunaloy sa akin para ako ay kilabutan. Di ako makapaniwala ng makita ko ang mga kamay nito. Wala siyang hawak na kutsilyo o anu pa man. Ang matulis na bagay na humiwa sa mukha ko ay ang mahaba at matutulis na kuko na nasa mga kamay nito.
Di ako makagalaw sa nakita ko. Napako ako sa pwesto ko ng bigla itong nagtakip ng ilong niya.
Biglang nagbago ang kulay ng mata nito, kulay dilaw pero hindi kasing dilaw ng mata ng taong kilala. Doon pumasok sa isip ko si Liam.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...