Eighteen: I'm Inlove!!!

1.4K 81 11
                                    

LIAM's POV

Yung feeling na hindi mo masabi kung gaano ka kasaya ngayon.
Yung feeling na matagal mo na winaksi at kinalimuta. Yung dating kinalimutan ko na mga salita eto ngayon nararamdaman ko na. Oo aaminin ko na "love at first sight ako" at naniniwala na ako na may cloud 9 nga dahil iyan yung pakiramdam ko now.

After so many years of struggles loneliness and pain. Now, I'm here planning for a date for my future luna. I hope everything will be fine and if magtapat ako sa kaniya sana hindi niya ako ireject. Pero papaano ba ako aamin. Feeling ko lang ba o pati na ang big secret ko

To be honest Im in love with him already. I dont know why, pero sabi nga nila pag nakita mo na ang destined sayo mararamdaman mo yung head over heels ka sa taong iyon, nasa state ako ngayon na masasabi kong patay na patay ako na ako sa kaniya. Yung tutulo ang laway mo makita mo pa lang siya. Yung di ka mapakali pag di mo siya nakikita. Boses pa lang niya lulundag na ang puso mo marinig mo lang. Kahit sobrang bago sa akin aaminin ko may ibang sensansyon akong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag kasi for almost 22 yrs of my life now ko lang na experience ang ganitong sensation o reaction sa ibabang bahagi ko.

Haysss oras na maamoy ko ang napaka bango niyang scent na talaga namang di ko mapaliwanag kung papaano ako nate turn on ng sobra. Higit sa lahat ang nagpapagulo ng husto sa aking kamalayan. Nababaliw ako ng husto sa scent pa lang niya, what more pa kaya kung..... "Shit.... erase, erase ang dumi ng isip ko!"

Corny na kung Corny pero aamin na ako. Im gay, yes Im gay pero only for Ethan. Hayssss kahit awkward, ok lang kasi lahat naman nagsisimula sa awkwardness...

Kinausap ko ang head chef sa bahay kung pwedeng magpaluto ng ilang menu. I know how to cook pero gusto ko maging special yung food na makakain ni Ethan. Simple pero sure ako na masarap. Tsaka na lang ko magpapakitang gilas pag magkasama na kaminng dalawa.

Ngayon nga pala naka set yung date namin ni Ethan.

Masyado akong excited at hanggang tenga na talaga ang ngiti ko. Alam kong napapansin na iyon ng mga magulang ko at lalo na ang mga bisita namin pero wala akong pakialam sa kanila and beside Hindi na ako ang Alpha ng Silver Diamond Pack, kaya kahit makita, makilala at magkatuluyan kami ni Ethan walang mababago, sad but that is the truth.

Lalo na at kailangang di rin nila malaman ang tungkol kay Ethan. Kaya nga kahit alam kong nagtataka na sila ay gagawin ko ang lahat para hindi nila malaman na lalaki ang aking luna... "my mate".

Alam kong hahadlangan nila ang lahat. Dahil sagrado ang kautusan na bawal ang pagsasama ng tao at Werewolf lalo na at parehong kasarian pa. Ewan ko pero kung bawal bakit ngayon eto ako at nakatadhana sa isang lalaki din.

Gustuhin man nila akong tanungin ay di nila magawa dahil ginagawa ko ang lahat para di ako ma corner ng mga ito. Mahirap na lalo na sa tatlong Elder na akala mo ay mga Agent kung makapagtanong at usisa sa lahat ng galaw namin ni James.

Sobrang ingat talaga dahil alam kong nandiyan lang ang mga secret body guards ko na talaga namang takang taka ako kung bakit hanggang ngayon ay binabatanyan ako ng mga eto kahit na alam ng lahat na hindi na ako ang next in line to be the Alpha.

By the way...
Naligo na ako at nagpabango.
I wear my best and expensive perfume na meron ako and I'm wearing a simple yet pogi outfit.

Today i decided to wear a black fitted maong pants, matching a white V-neck shirt at black jacket na nag mamatch sa strong personality ko, while I'm wearing my black boots na parang sundalo. "To my 6"1 height sinong girls ang hihindi sa akin kahit mga boys for sure mapapatingin. Pero sorry sila kasi Team Ethan na ako! hahaha..."

I prepare different sandwiches, fruity and veggie salad, pasta and syempre steak (rare and well done syempre), desserts at di mawawala ang water and wine.

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon