Note: Mahaba naman po ang chapter na ito kaya pasensya na kung natagalan sa UD...
-Juan
Ethan POV
Simula ng magising ako sa aking pagkatulog ay marami akong naramdamang kakaiba s aking pagkatao. Nandiyan yung kaya kong marinig ang lahat ng mga bagay na alam kong ako lang ang may kakayahan.
Dahil ramdam ko ng makabababa ako na may tumatawag sa akin. Ramdam ko ang pagsumamo nito sa akin. Di ko pinansin ang dalawang binatang nasa tabi ko bagkus ay naglakad ako s lugar na alam kong ngayon ko lang napuntahan subalit ayon sa puso at isip ko ay matagal na akong nanirahan dito.
Nakalabas kami ng airport na walang kahirap hirap. Minabuti muna naming mag stay sa isang hotel upng makapag plano.
Nang kakausapin ako ng mga ito tungkol sa Unang pagsubok laking gulat nila ng sabihin ko ang tungkol dito. "Oo, alam ko lahat dahil ng oras na ako ay makatulog nagpakita sa akin ang isang imahe na hindi ko masabi kung sino pero alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. Siya din ang nagsabi sa akin kung saan ko maaari makita ang lugar."
Nang sabihin ko ang kugar sa dalawa sabay silang dalawang napatitig sa akin. Napag alaman ko sa mga ito na ang lugar na sinabi ko ay ang kinatatakutan at iniiwang parte ng Silver Diamond Pack, ang "Bloody Crest Mountain". Pero wala silang magawa ng sabihin ko ang aking plano.
Kinabukasan ay naging alerto na kami dahil nakaalis na sa time-lapsed ang mga magulang ni Liam.
Nang kausapin ko si Liam ay tila may kung anong di ako mawari sa kaniyang aura. Ewan ko ba, ramdam ko yung takot sa aking dibdib.
Liam POV
Simula ng magising si Ethan at makalapag kami dito sa Canada may kung ano akong nararamdamang kakaiba. Nandiyan yung tila may mali sa aking pagkatao.
Ewan ko pero alam kong may mangyayaring masama pero di ko na lang masyado pinapakita at pinaaramdam pero nagkamali ako dahil simula din nang maklapag kami dito sa Canada ng laki ng pinagbago ni Ethan.
Alam kong alam niya ang nangyayari sa akin dahil yung mga tingin niya ay may makahulugang tingin. Kaya naman hinawakan ko na lang ng mahigpit ang isa niyang kamay at iangat ito upang hagkan iyon.
Kita ko ang pagtigil sa pagsasalita ni James ng gawin ko iyon. Pero muling bumalik naman agad ng ngumiti ito at bumanat na lang ng "Ang cheesy ahhhh!!!" natawa na lang kami ni ethan sa sinabing iyon ni James.
Nagplano kami ng maigi at namili ng mga gamit na aming gagamitin sa aming pagpunta sa bundok na aming dapat puntahan.
Ako at si James ang nagdecide na mamili at iniwan muna namin si Ethan sa room namin upang makapag pahinga.
Samantala.....
Silver Diamond Pack
Third Person POV
"We need to capture Liam's group lalo na ang itinakda. Nasa Canada sila ayon iyon sa intel na nalaman ko." Tito Martin
Wala pang isang oras ng dumating sila ay agad na naging alerto ang lahat. Lalo na ang Alpha Robert at Luna.
Kahit ang bagong Alpha na kaibigan ni Liam ay naging alerto din. Mainit ng ulo nito ng malaman niyang hindi talaga siya ang nakatakdang susunod na Alpha. Naging panakip butas lang siya sa pagkawala ni Liam.
Kaya naman mas naging matindi ang galit nito kay Liam.
Subalit wala pang nakakaalam sa buong Silver Diamond Pack na may Luna na at isang lalaki ang nakatakda at ang nakatakda ay siya ding ang Nakatakdang magbabago at maaaring maging susi ng pagkawasak.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...