Tatlo: Ang Propesiya (II)

2.2K 110 1
                                    

James POV

Naawa ako sa aking kaibigan, dahil wala siyang alam sa nangyari noong gabi na dapat araw ng kaniyang koronasyon. Ang masakit pa ay iyon dinang araw ng kaniyang kaarawan.

Marami ang nagbago at nawala sa kaniya.

Pero kahit ako ay kinilabutan sa aking nasaksihan ng mga oras na iyon.

Dumilim ang buong paligid na tila lahat ng hayop sa paligid ay tumahimik. Ni tunog ng mga kuliglig, kaluskos ng mga maliliit na hayop ay ay naglaho. Kakilakilabot na mga sandali iyon sa lahat ng mga nakakasaksi.

Kitang kita ko ang pagwawala nito at ang maitim na aura na lumabas dito nagsimula ang lahat ng simulang magbago ang buwan at ng ito ay tumayo sa kaniyanh kinauupuan.

Malakas na sigaw ang lumabas sa kaniyang bibig at animo'y binibiak ang kaniyang lalamunan sa tindi ng kaniyang nararamdaman. Kitng kita ko ang paglapit ng kaniyang sa Ama ang aming Alpha para mahawakan nito ang anak na si Liam pero malakas na sigawan ang nangibabaw ng biglang tumilapon ang aming Alpha ng hawakan nito ang anak. Kaya naman tumulong na ang iba pang malalakas na Alpha ng bawat kilalang pack sa buong mundo kahit ang pinaka malakas na warrior ay walang nagawa.

Lahat ng Elder ay di ito mapigilan sa kaniyang pag wawala.

Pero pinaka tumatak sa akin ay ang ng sumapit ang alas dose ng hating gabi.

Alam ko wala na sa sarili si Liam, nang biglang lumabas o magpalit siya ng anyo mula sa aking kaibigan hanggang lumabas ang napakalaking Wolf na talaga naman napakalaki.

Doon ko nakita na gamitin ng mga Elder ang pinagbabawal na mahika para lang mapigilan si Liam. Nagawa nilang pigilan ito pero alam kong hindi sila ang gumawa ng paran para bumalik ito sa tunay niyang anyo.

Nakakatakot ang anyo ng Wolf ni Liam. Di ko inakala na ganoon kalaki at kalakas ang kaniyang Wolf, may mapupulang mata at nakakatakot na aura na kahit ako ramdam ko na ni walang ka level ni isa sa mga Alpha ang lakas ni Liam. Alam ko wala ng magawa ang lahat pero kusang bumalik sa tunay na anyo nito ang binata. Pero bilang kaniyang kaibigan o matalik na kaibigan alam ko na hindi ganoon kalaki ang kaniyang wolf form. Ibang iba ito sa nakikita ko ngayon.

Nang tumigil sa pagwawala si Liam ay biglang may lumabas na marka sa kaniyang leeg. Marka na rinig na rinig ko na kinagulat ng lahat.

".... ang Propesiya.... Ang marka ng Kaguluhan, Kapighatian, Katapusan!!!...."

Marami pa silang sinasabi pero ng marinig ko iyon kahit ako ay nagulat dahil wala sa isip ko na totoo nga ang kwento ng mga matatanda sa amin.

"Ang marka ng kaguluhan" na lumabas sa aking kaibigan.

Nang bumagsak sa lupa si Liam, ay may kung anong force ang nagtulak sa akin upang lapitan ko ito.

Lahat ay sumisigaw dahil kahit bumagsak na ito ay nandoon pa din ang malakas na aura na bumabalot dito. Ewan ko pero.dirediretso ako s paglakad.

Nang makalapit ako ay hinawakan ko agad ang aking kaibigan. Kahit ako ay nagulat ng biglang naglaho ang maitim na aura nito at tumahimik ang buong paligid pero kahit sa akin ay malaking nangyari.

Nang oras na hawakan ko siya ay napasigaw ako sa sakit at ramdam ko ang pag init ng aking tagiliran.

Nang iangat ko ang aking damit. Gulat na gulat ako. Ang aking mga magulang at lahat ng nakapaligid sa kin ng makita ko ang marka.

Ang marka ng "guardian".

Kaya naman, biglang umiyak ang aking mga magulang ng masaksihan nila ang paglabas ng marka sa aking katawan. Gusto kong sumigaw at magalit peeo may bumubulonh sa isip ko na maging mahinahon.

Kaya ng bumalik ang lahat at magkatoon ng mabilis na pulong agad silang nagdesisyon. Ang buong kapulungan lalo na ang mga Elders ay agad na dinisisyunan na ipinadala nga si Liam sa Pilipinas, at kailangan din akong sumama dahil nakatadhana na ako ang magbabantay sa kaniya.

Ngayon, eto nga katabi ko si Liam, na alam kong maraming tanong sa nangyari. Balisa at tahimik na humihikbi. Sa puntong ito alam kong napakahina niya.

Mas lalo pa siyang naging malungkot ng mabasa niya ang liham na mula sa kaniyang mga magulang.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na kamo sa eroplanong aming sinasakyan.

Pagbaba namin ay tahimik lang ito at walang kibo.

Agad kong nakita ang aming sundo.
Ang bunsong kapatid ni Alpha Robert.
Ang tiyuhin ni Liam, si Sir Martin.

Simula ng magkita kami at makarating sa tutuluyan namin ay walang imik si Sir Martin kahit si Liam.

Ibang iba sa Liam na kilala ko.

Itutuloy....

-Juan

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon