Edward Mendez as James
After three years...
"James"
Tatlong taon na rin ang nakakalipas ng dumating kami dito sa Pilipinas.
Oo, matagal tagal kmi bago nakapag adjust lalo na at iba nag climate dito, pero si Liam parang wala lang.
Tanda ko pa nga noong dumating kami dito sa Pilipinas ay iyak lang ng iyak si Liam sa loob ng mahigit isang linggo, pero noong magkaroon siya ng sakit sa loob ng limang araw ay malaki ang pinagbago nito. Dahil nang magising siya ay parang lahat ng nangyari sa amin sa nakalipas sa Canada lalo na noong araw ng coronation ay nakalimutan niya.
Nang sabihin ko iyon sa kaniyang mga magulang ay normal daw iyon dahil sa mahikang ginamit ng mga Elder kay Liam.
Kaya naman di ko na muling inungkat o pina alaala pa kay Liam ang lahat.
Pero ngayon ay hindi lang bestfriend ang aking trabaho, im also his Guardian.
-------------------
"Liam"
It's been 3 years nang pumunta kami ni James dito sa Pilipinas.
Ang tanda ko pa noon ay nang tawagan ako ng aking ama na iba ang pinili ng buwan to be his next successor, i found out na si Andrew ang humalili sa kaniya, ang king beta.
Kinailangan ko umalis upang maiwan ang kaguluhan dahil daw sa nangyari upang maalis ang maaaring pagkakaroon ng gulo na maaaring mamamagitan sa akin at kay Andrew.
Nang maalaala ko iyon ay masakit sa parte ko pero ok na din dahil mamumuhay ako ng normal dito sa Pilipinas.
Masaya na din ako dahil kasama ko ang bestfriend kong si James na akala mo'y kasintahan ko. Nalaman ko din na hindi rin niya natagpuan ng araw na iyon ang kaniyang future mate, ewan ko kaya nga daw kinailangan din daw nito na makasama. Kaya nga ngayon parang tuko ito kung makadikit sa akin.
Pareho kami ng University na pinapasukan ni James. Kumukuha ako ng Political Science samantalang Psychology naman si James.
Tulad sa Canada, sumali kami ni James sa football team dahil na rin sa angkin namin lakas at liksi napili kami at isa ako sa napiling co-Captain ng Football team.
Walang nakakaalam na sa iisang bahay lang kami ni James nakatira, at higit sa lahat kailangan walang makaalam ng sikreto namin at kakayahan naming dalawa ni James.
Ayon na din sa Uncle ko kailangan namin mag ingat at mag stay low dahil kahit hindi ako ang naging Alpha sa Silver Diamond Pack ay importante pa rin ako dahil anak ako ng dating Alpha at direct descendant ng First Werewolf sa history ng werewolf clan. Mapanganib daw na malaman ng tao na talagang nag eexist ang lahi namin.
Nang sabihin iyon sa akin ng aking tiyuhin ay walang dalawang salita ay sinunod na namin ni James. Para din na man sa kaligtasan naming dalawa iyon.
Minsan, pag napunta ang buong tropa sa bahay ay kailangang alam ng mga naninilbihan sa bahay ang pagpunta ng aking mga kaibigan para maiwasan ang pagtawag o maling galaw ng mga ito kay James.
Simula ng malaman ko na si Andrew ang naging Alpha at si Eunice ang kaniyang naging luna.
Hindi na ako pumasok pang muli sa relasyon. Ewan ko pero di na muli ako tumingin sa babae na may pag ibig o pag nanasa. Pero kahit ganoon deep inside ay inasam asam ko din na makita ko o makilala ko ang aking nakatadhanang maging kapareha.
Kaya naman lahat ng kaibigan kong babae ay ginagalang ako dahil ni minsan di ako nag take advantage sa kanila. Marami din ang todo kung makapagpapansin sa akin pero wala, wala talaga akong pinatulan o maramdaman pa sa kanila. Yung tipong alam kong may nakalaan s akin at any moment makikilala ko din siya.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...