Forty-2: Ang Katapusan at Simula ng Bagong Yugto (Final Chapter for Book 1

1.7K 55 25
                                    

ALDOUS POV

Pagdating ko sa lugar ay napansin kong nandoon na si Haring Kalix o ang Ika-Lima pati na din si Pierre. Napapaisip ako kung paanong nakarating agad ang dalawa sa lugar ganoong halos sabay-sabay kaming umalis.

Napaisip na lang ako na napakahiwaga talaga ng mga Itinakdang mga Guardian nasa ganoong akong pag iisip ng mapaisip akong kaming tatlo lamang at napakaraming mga Elf Warriors ang nasa ming likuran kita ko ang galak ng mgabito ng makita nila ang kanilang Hari na dumating at ngayon nga ay kasama nilang lalaban.

Rinig ko pa ng isa s mga Elf ng magsalita ito.

"Ngayon makikit ko na ang kapangyarihan o ang kakayahan ng aming mahal na Hari."

Napangiti ako ng sabihin niya iyon. Dahil kahit ako ay gusto ko din malaman ang kaniya kniyang mga kakayahan naming mga Guardian.

Ngayon napaisip ko na kaming tatlo ang haharap sa mga nandito dahil gusto rin namin masubukan ang aming mga kakayahan, ihahakbang ko sana ang aking paa para ay lumapit sa aking mga kasamahang Guardian, subalit bago ko pa maihakbang ang aking paa ay tila napaurong pa ako at mapatalon sa gulat ng unti-unting tila may mahihinang pagyanig ang lupa at dahan-dahang pag buka nito na parang may lalabas na kung ano sa ilalaim ng lupa.
Mabilis na naglalabasan ang mga nakakapasong likido at napakainit na lava doto, napanganga na lang ako ng tila unti unti nagkakahugis ang Lava na lumabas dito.

Lalo akong napanganga ng malaman ko kung sino ito, " Ang Ika Anim" ang batang may kakayahang makontrol ang Apoy at Kalupaan.

Napaka hiwaga ng Ika Anim dahil ayon sa pagkakaalam ko hindi pa talaga niya alam ang kayang kontrolin o nagagamit talaga ito subalit nagagawa na niya agad ang mga bagay na wala pa s bokubularyo niya.

Nawala ang aking paghanga at napaltan ng pagkagulat ng biglang may malaking baging ang humarang sa aking kinatatayuan, rinig ko pa ang pagsabog at paghampas ng isang itim na bagay dito at nakita kong si Haring Kalix pala ang tumulong para maiwasan ng pagtama ng itim na bolang apoy na inihagis ng isa sa mga lider ng lupon ng mga Bampira nagawa nitong makalagpas sa Shield dahil humina na din ang oanggalan sa sunod sunod na pag atake ng mga ito. Kita ko pa ang pag ngisi nito ng hindi siya nagtagumpay na mataaman ako.

Rinig na rinig ko ang pagkamangha ng mga Elf sa aking tabi at likuran dahil napag alam ko na isang "snap" ng kaniyang daliri lamang ay lumabas na ang ang isang matayog na kahoy na may mayayabong na baging.

Muli sinubukan ng Bampirang ito na magbato ng sunod sunod na bolang apoy, kasunod noon ay kasunod nito ang tila isang nakakasulasok na mga bagay ang tila lumulutang patungo sa amin, laking gulat ko na malaman ko na ang mg ito ay mg nabubulok na bangkay ng kung ano anung hayop at ang iba ay katawan ng tao.

Mabuti na lamang ay nakakumpas na ang Ika Anim ng makita kong may mga mabibilis na malalaking bago na halos matunaw ng nababalutan ito ng apoy.

Lahat ito ay pinuntiya ang mga nagliliparang mga nakakadiring mga bagay. Ito din ang nagpa wala ng amoy na halos ikasuka namin mga nandito pati na din ng mga Wolf.

Isang malakas na pagyanig at nakakasakit s pandinig lalo na bilang isang Wolf ng makita ko na nagpalit ng anyo si Alpha Robert at buong lakas niyang itinaas ang kaniyang dalawang paa at ibagsak s lupa na siyang nagpayanig sa kalupaa.

Hindi nagpatalo si Haring Kalix dahil bago pa dumating ang mga itim na bola at mag vibrate papunta sa amin ay nagpalabas na siya ng mas malakas na puwersa upang mas mapatatag ang napakala king kalasag na bumabalot sa aming kinaroroonan.

Bilang Guardian ng Hangin at buhay nakakasabay na ako kahit papaano sa ginawa ni Pierre siya ang tumulong kay King Kalix upang mas mabilis niyang magawa ang pag kanina lang niyang ginawa.

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon