Aldous POV
Nang biglang......
Nang biglang nagkaroon ng maiitim na ulap na humarang sa liwanag ng buwan. Halos kilabutan ako sa nangyayari. Tanda ko pa ang yung kinuwento sa akin ng aking ama ilang taon na ang nakalipas.
Doon inakala ng lahat na si Liam ang itinakdang Propesiya pero ngayon nga ay nagbago ng lahat. Ngayon, isang tao ang nakatakdang manggulo o maging susi sa kawakasan ng mundo.
Pero iba ito sa nararamdaman ko.Tanda ko pa nga noong nalaman ko ang araw na nngyari iyon. Iyon din yung araw na tandang tanda ko na may kung anong marka ang lumabas sa aking hita. Napakasakit at talagang sumisigaw ako sa sakit. Ang di ko lang maipaliwanag ay nang magising ako ng ako ay mawalan ng ulirat di ko na makita pang muli ang marka at kahit bakas nito ay wala sa aking hita kaya naman inisip kong isang panaginip lang iyon. Subalit muling lumabas ang marka noong magising ako sa aking mahabang pagtulog at ngayon nga ay nararamdaman ko ang muling pananakit nito. "Napakainit at nakakapasong marka sa aking hita."
Muli akong napatingin sa kalangitan at halos walang hangin na mararamdmn kahit na ramdam mo ang nakakatakot na pakiramdam. Tinangka kong gamitin ang kapangyarihan ko subalit may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin kaya naman di ko na pinilit pang muli. Nagfocus na lang ako sa sinabi ng batang paslit na ngayon ay yakap yakap ang dalawa pa nitong kapatid na walang tigil sa pag iyak at awang awa sa ama nilang halos pumutok na ng litid sa leeg sa sobrang pagmamakaawa at pagdaing.
Alam ko sa sarili kong walang nakakakita talaga sa tatlo maliban na lang kay James at sa ngayon ay nakatali at halos walang buhay na itinakda.
Nagulat pa nga ako ng malaman kong siya ang future luna ng Silver Diamond pack subalit ni isa sa pack ang pumapayag o tinatanggap ang inanunsyo noon ni Alpha Robert.
Hindi daw siy makakapayag na isang tao at higit sa lahat ay lalaki ang susunod na luna.
Halos kilabutan ako sa sinabing iyon ni Alpha Robert. Dahil kahit siya ang aplha namin wala siyang karapatan upang di sundin ang nakatadhana at binigay ng Moon Goddess.
Habang tumatagal ay pahina ng pahina ang sigaw ng mga pack members na nakapalibot sa ginagawang oag torture sa itinakda.
Samantalang si James naman ay ginagawa pa din ang lahat upang makalaya sa kaniyang pagkakatali.
Maya maya ay may kung ano akong nakitang maliwanag na ilaw sa tagilirang bahagi ni James at kasabay noon pagliwanag din ng aking hita.
------------------------
Ethan POVHalos mawala na ang aking ulirat sa ginagawang pagto torture muli sa akin ng mga inakala kong makakatulong sa amin ng aking mga anak. Naiyak ako dahil hanggang ngayon ay wala pa si Liam, si Liam na halos isang buwn ko na ding hindi nakikita.
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasíaMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...