Twenty-4: Torture...

8.3K 156 33
                                    

Note: Hindi po eto ang Chapter 1. Magulo ang sequence ng book, please pahanap na lang ang Chapter 1 and so on. May numbering naman. Pasensya na kung magulo ang mga Chapters. Salamat...

Elders POV
(Elder Myron)

Kanina pa ako nagugulat sa mga nakikita ko at nasasaksihan sa binatang aming kinuha.

Ang totoo nyan akala ko isang simpleng binata lang ang nasa harap ko pero masasabi kong may nakatagong sikreto sa katauhan nito na alam kong kahit siya ay walang kamuwang muwang.

Nagsimula ako maghinala ng maamoy ko ang dugo nito. Ang dugong ngayon ko lang naamoy sa bung buhay ko bilang isang Elder at may kakayahang maamoy at magtago ang scent ng kahit sinong nilalang. Alam kong iba ang dugong naamoy ko mula sa kaniya.

Dahil ng maamoy ko ito ay tila may kung nong pwersa sa aking katawan ang nabuhay at ang kakayahang kong maamoy ang kahit na anong amoy ay naglaho pero masasabi kong lumakas ang aking pisikal na katawan isa pa ang need kong makakatikim ng dugo ay pilit na kumakawala sa akin. Di ko mapigilan ang "Wolf" ko s nais niyang gawin. Kaya nga kinausap ko na lang ito. Ayon dito may kung anong kapangyarihan daw ang tumatawag sa kanila.

Kaya ng tingnan ko ang aking mga kasama ay pansin ko din ang pagbabago sa mga ito. Kapwa sila may mga iniisip at kinakalaban sa mga oras na iyon.

Pero nang magising ng binata ay tila nawala ang lahat at bumalik sa dati ang lahat. Doon ko naisip n maaring may kung anong kakayahan ito na protektahan siya sa oras na siya ay nasa alanganin.

Di ko ito masabi s mg kasama kong mg Elders at ang mag asawang Alpha ng Silver Diamond Pack. Dahil alam kong may di magandang mangyayari sa oras na malaman ng mga ito ang tungkol sa kung anong meron sa binata. Ayoko muna din pangunahan ang lahat lalo na at di pa din ako sigurado sa lahat.

----------------

Makalipas ang oras na binigay namin ay bumalik na kami sa torture chamber.

Pagpasok ko sa loob ay napako ako ng makita ko ang nakakakilabot na aura na nakabalot sa binata.

Nang makita nya kami ay biglang nawala ang aurang iyon. Nasisiguro kong hindi niya alam ang nangyayari sa kaniyang katawan.

Hanggang sa nag mindlink si Elder Rio, para lamang sa aming dalawa ni Marcus.

-------------------

Elder Rio

Nakita ko ang nakabalot na itim n aura sa kaniya at alam ko din na nakita iyon ng dalawa ko pang kasamang Elder.

Kaya naman agad akong nag mindlink sa dalawa ko pang kasamang Elder

"Anong kapangyarihan meron ang binatang ito? Nakakatakot.... Pero ayon sa nakikita ko hindi niya alam ang nangyayari sa kaniya. Isa lang ang pwede nating gawin. Ang pahirapan siya at makuha ng dapat na sagot n makuha natin at sa huli ay kailangan din natin siyang madispose!"

"Pero di narin sigurado kung kalaban nga ba ang binata, lalo na at hindi na amoy ng Hunter ang meron siya. Nasisiguro kong may naglagay lamang sa kaniya ng amoy na iyon!" sabi ni Myron

"Tama si Rio, Myron. Pero.... tama din naman si Myron, Rio. Wag tayong padalos dalos. Pero anu pa man ay kailangan natin ng sagot!" Marcus

Nasa ganoon kaming pag uusap nang nagulat na lang kami na sumigaw nang malakas ang binata. Doon na lang namin nakita na sunod sunod na sinuntok at walang sawang pinagtatadyakan ng aming Luna ang binata.

Gustuhin man namin itong pigilan pero nang magsalita ito. Napag isip naming hayaan na lang.

"Kung sino ka man. Leave my son alone! Wag na wag mo siyang sasaktan. Isang beses na rin muntikan na siyang mawala sa akin. Hindi ako papayag na sa isang katulad mo lang magiging dahilan ng muling pagkawala ng anak ko!...."

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon