Liam's POV
Pag akyat ko sa kwarto ay agad akong naglinis ng katawan at humiga sa aking kama.
Naalala ko ang mga sinabi kanina ni James sa conversation namin. Nakakagulat naman na sa same time na may nangyari sa amin ay ganun din ang lalaking iyon.
Pero grabe, kidnapin ka tapos patayin mga magulang mo. Tapos yung taong pedeng maging katuwang mo mamamatay din. "Wheewww!!!! Grabe ang pain na naramdaman ng taong iyon!. Kung nasaan man ang aking future luna o ang aking mate sana nasa mabuti siyang kalagayan. Hinding hindi ko mapapatawad ang gagawa ng masama sa kaniya!"
------------------
Third Person POV
Nang pumikit si Liam ay agad siyang nanaginip.
Kitang kita niya ang isang imahe na nakaupo sa isang maliit na upuan. Nakayuko at sapo sapo ng kaniyang dalawang kamay ang kaniyang mukha, at umaagos dito ang mumunting mg luha.
Nang lapitan niya ito, ay wala itong mukha pero di ito natakot bagkus ay niyakap pa nito ang imaheng nakaupo.
"tahan na... nandito na ako..."
"bakit ngayon ka lang, matagal kitang hinintay. Lagi kitang nakakausap pero hanggang boses mo lang. Kahit sa panaginip lang makasama kita. Please wag kang aalis.!!!"
Pero wala talagang naririnig na kahit ano si Liam sa sinasabi ng imahe. Nagbabakasakali lang siya dahil alam niyang malungkot ang nasa harap niya.
"Pero di maari ang gusto mo. Wag kang mag alala malapit na...." sagot ni Ceres.
Nagulat ako dahil ibig sabihin narieinig ni Ceres ang sinasabi nito. Pero ng usisain ko si Ceres, tahimik lang ito at hinayaan lang ako.
-----------------
"Wahhhhhhhhh......"
Hingal na hingal si Liam ng magising sa kaniyang panaginip. Pero kahit ano sa kaniyang paniginip ay wala siyang maalaala. Kahit anong pilit niya ay wala talagang nalabas sa kaniyang isip.
Biglang bumukas ang pinto nito at niluwa ang imahe ni James.
"Liam, what happen. Nagulat kami nila Manang sa malakas mong sigaw, anong nangyari!"
Di siya sumagot bagkus ay pinansin lamang niya ang kaniyang sarili dahil basa siya ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Di niya alam pero kahit siya ayaw tumigil ang luha sa mata niya.
Kaya naman ay tumayo siya at lumabas ng veranda. Umupo sa isang silya at sumandal. Samantalang tumingin siya sa langit.
Agad siyang nagdasal, dahil lalo ng tumitindi ang mga panaginip niya. Dati naaalaala pa niya pero di niya lang makita kung sino ang imahe ngayon wala na siyang nakikita pero damang dama niya ang pain o sakit s panaginip na iyon.
"What happen to me, bakit di tumitigil ang luha ko. Higit s ahat bakit di ko matandaan ang panaginip ko. Kung ano man iyon sana hindi masamang pangitain ang aking panaginip."
Doon na dinapuan ng antok muli si Liam. Pero di na niya napaginipan muli ang imahe kaya naman naging masarap kahit papaano ang tulog niya sa mahabang sofa sa Veranda ng kwarto niya.
Itutuloy.....
Note: maikli lang po ito pero yung susunod mejo mahaba na po.
-Juan
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasiaMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...