Liam's POV
Tinawagan pala ni James ang mga tropa para pumunta sa bahay upang matigil ang pagtatanong at pamimilit na mailabas ang wolf form nito kaya naman hindi naging matagumpay ang mga elders sa pangugulit sa akin.
Lumipas ang isang linggo na naging mailap ako sa mga magulang ko ati na din sa mga Elders na laging nagmamasid sa lahat ng galaw ko. Pero minabuti kong mag lay low upang wala silang mabasa o anu man mapansin na kakaiba sa akin.
Pero kinausap ko isang gabi si James na gumawa ng oaraan upang makilala ko si Ethn kaya naman isang araw nga ay nagawa kong makausp o makilala ang taong matagal ko ng gustong makita upang mapatunayan ko nga kung siya nga ba ang aking luna.
Araw iyon ng lunes, sinabi ni James na laging nasa Library ito kung walang ginagawa. Sabi pa nito wala itong kaibigan na maituturing pero lahat naman ay kilala nito pero masyado itong aloof lalo na at nalaman ng lahat ng tao na scholar lang ito at di tunay na may pangalan sa estado.
Pagdating ko sa pintuan pa lang ng library ay di na ako mapakali lalo na ang nilalang na nasa kaloob looban ko si Ceres. Muli ay naamoy ko ang napaka bangong amoy na naamoy ko din sa coffeeshop kung saan ko nakita si Ethan.
Pagbukas ko ng pinto ay tila sinalubong ako ng napakabangong amoy. Nagingibabaw ang sxent niya na talaga namang nagpainit ng aking katawan. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo s buo kong katawan lalo na s maselang bahagi ng aking pagkalalaki.
Gusto kong mag back out pero di ko magawa dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan ko siyang makita at makilala.
Kahit na nasa bukana pa lang ako ng pinto ay alam ko na kung nasaan siya na upo. Naglakad ako ng dahan dahan. Lumapit sa librarian upng maibigay ang aking ID upang makahiram ng kahit anong libro na nasa library.
Kumuha ako ng libro na magsisilbing tulong ko sa paglapit ko sa lalaking matagal ko nang gustong makita.
Nang makakuha ako ng libro ay hinanap ko ang kinauupuan nya.
Kitang kita ko na nasa sulok siya kung saan walang magtatangkang makishare ng table. Iyon kasi ang pwesto ng mga mababa ang estado o mga scholar lang.Paggdating ko sa harap nito ay di nito man lang ako nilingon. Siguro alam niyang wala naman tatabi sa kaniya kaya di nito magawang lumingon man lang sa akin. Kaya nga ng magsalita ako ay rinig ko ang oagkagulat nito ng tumingin sa akin.
"Excuse me, available ba yung seat?"
Nang makita ko ang mata niyang tila confuse sa ginawa ko ay iniwas ko muna dahil baka mahalata akong nakatitig sa kaniya.
"Oh no! Hindi po. Available po siya pero..... Pero bakit po kayo dito uupo. Baka pagtawanan po kayo ng makakakita sa inyo.!?"
Nang marinig kong sabihin niya iyon ay talaga namang nag init ang ulo ko. Nasabi ko na lang sa isip ko na "Who dare to do that to my luna. Walang sinoman ng pwedeng manakit sa kaniya pisikal o emotional man."
"No problem, ok lang ako! pagtawanan nila kung gusto nila. Pati dapat nga silang magulat kasi umupo ako sa harap mo"
"Yabang naman nito!" bulong niya na rinig na rinig ko naman.
Napangiti na lang ako sa narinig ko.
"Dont mind what im saying, mas gusti ko ang tahimik na pwesto ang besides siguro ko naman na walang lalapit sa lugar na ito."
Salita ako ng salita pero napansin ko na lang na hindi na pala ito nakikinig dahil may nakapasak nang earphone sa tenga nito. "Hayssss..."
Ginawa ko na lang ay kunyari ay nagbbasa ako pero di ko na lang namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya at unti unting muling nag iinit ang aking katawan dahil na rin sa mapaglaro kong iniisip. "Ewan ko, di ko mapigilang di mag isip lalo na at nasa harap ko na siya. Oo, tinanggap ko na nga na siya ang aking luna dahil ni minsan di ko naramdaman ito sa kahit kaninong babae o lalaki man s kaniya lang pati si Ceres ay lagi nitong sinasabi at pinapakita sa diwa ko ang pangalan at mukha nito."
BINABASA MO ANG
The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETED
FantasyMatagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anong gagawin ko kung ang oras na iyon ang siya din namang magbabago at gugulo sa mundo ko. Sabi nga nil...