Sixteen: The Hunter...

1.6K 77 1
                                    

James POV

Kitang kita ko ang kaba at takot sa mukha ni Alpha Liam habang nakatayo at hawak hawak nito ang pintuan ng Library.

Natatawa na nakaka proud dahil natanggap na nitong lalaki nga ang kaniyang nakatadhanang Luna. Pero nandun na rin ang matinding pag iingat at pagtatago dahil alam namin na may mga nakatagong agent na nagbabantay sa lahat ng galaw namin ni Alpha Liam.

Pagpasok ni Liam ay sumunod din ako. Naglakad ako ng hindi napapansin ni Liam na sumunod ako sa loob. Umupo ako sa kabilang parte ng library na kung saan nakikita ko sila pero di ko nakikita ng mga ito.

Malakas ang pang amoy naming nga Werewolf pero sa oras na ito ay wala sa sarili o sa hulog si Liam. Ewan ko masyado siyang distracted noong isang araw pa ng sabihin ko dito ang plano namin na harapin na nga nito si Ethan upang masanay na siya sa amoy nito. Mas magandang matandaan na niya ang amoy ni Ethan, pero kabalikat nito ay oras na dumating ang full moon ay kailangan nyang harapin ang werewolf na nasa loob niya.

Pag upo ko sa napili kong pwesto ay kitang kita ko ang itsura ni Liam. Gusto kong tumawa dahil ni minsan di ko pa nakita ang itsurang iyon sa kaniya. Si Liam na tahimik pero alam mong matatkot ka sa presence nya.  Leader type at walang kinatatakutan pero ngayon nabahag ang Alpha ko, dahil lang kay Ethan.

Sino ba naman di mababahag kung kaharap mo na ang destined to be your partner in life. Mahirap lang sa part niya kasi lalaki si Ethan.

Habang natagal ay naamoy ko ang arousal nito. Masyadong malakas bilang isang werewolf. Di nito mapigilan ang nararamdaman sa kaharap. "Hayssss... Kaya masasabi kong si Ethan nga ang nakatadhana dito".

Habang pinapanood ko si Alpha Liam, napansin ko lang na may mg matang kanina pa din nanonood sa mga galaw ko at galaw ni Liam.

Hindi ko mahanap kung sino dahil masyadong malaki ang library na ito para malaman ko kung sino sa mga tao ang nanonood sa galaw ni Liam. Malakas ang kutob ko na hindi lang mga bantay galing sa utos ng mga elder ang nagmamasid sa kaniya

Kaya naman lumapit ako ng konti para naman mas maging handa ako sa maaaring mangyari.

Mas tumitindi ang arousal nito, rinig ko na ng lakas ng kabog nito. Kahit di nito binubuksana ng mind link namin ay kusa ko ng naririnig dahil masyado siyang distracted.

Bigla akong natawa sa bigla nitong sinabi sa isip niya. Hahaha!!!
May ganito pa lang ugali si Liam.

"Haysss  kung di lang ikaw ang aking luna. Nabigti na kita sa mga sinasabi mo sa akin."

Noong oras na iyon iba na ng pakiramdam ko sa nangyayari kay Liam. Di na nito mapigilan ang nangyayari sa katawan niya. Ramdam kong pinipigilan nito ang pagdominate ng wolf niya sa katawan niya.

Sa sobra nitong pagpipigil lalo lang nag iiba ang timpla ng katawan nya. Namumula na ito at nagbabago na ang aura nito. Kung may ibang nilalang na nandito sigurado akong alam nila na may Alpha Wolf na nandito masyading malakas ang aura nito.

Nagulat na lang ako ng bigla itong natumba sa sahig at nasalo naman ito ni Ethan. Dahil doon lalong nagbago ang lakas ng aura ni Liam. Simula ng maglapat ang kanilang mga balat. Kita ko ang naging reaction ng dalawa ng maglapat ang balat nilang dalawa.

"Sir, ang init mo po. Inaapoy ka ng lagnat. Wahhhhh.. wait tatawag lang kong tulong at need mong madala sa clinic." rinig kong sabi ni Ethan na talaga namang di alam ang uunahin sa pagkagulat nito

Ang totoo nyan nasa full process na siya ng pag iinit. Ang lakas ng arousal niya at alam kong kaya siya nagkakaganito ay pinipigilan nitong kagatin si Ethan ipang ma markahan.

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon