Nineteen: Ang Misteryosong mga Nilalang

1.3K 68 0
                                    

LIAM's POV

Alam kong may mali noong una pa lang na pagdating namin sa lugar ni Ethan. Ramdam ko na, na may mga matang nagmamasid sa amin pero di ko ito pinansin dahil naka focus ang isip ko sa mga ngiti ni Ethan. Subalit habang natagal ay mas tumitindi ang takot at kaba ko ng biglang may dumagdag na mga ibang scent.

Hindi isa, hindi lang dalawa kundi apat na grupo ang aking naamoy pero nang magsimula akong naging alerto doon ko nasiguradong hindi lang apat kundi limang grupo ang kanina pang nagmamasid sa aming dalawa ni Ethan.

Sigurado ako kung anu ano ang 3 (tatlo)  na grupo pero iba ang naging pakiramdam ko sa ikaaapat at  ikalimang dumating na grupo. Alam kong nakakatakot dahil doon ko lang naramdaman na natakot ng husto si Ceres sa buhay namin ni Ethan. Kahit ako ay natakot sa buhay ni Ethan. Tao lang si Ethan wala itong kakayahang protektahan ang sarili niya.

Agad kong kinausap si James sa aming mindlink. Kaya naman nakagawa ako ng paraan para na makaalis.

Ewan ko pero wala pang ilang sandali ay nandito na kami sa syudad. Kita ko ang mukha ni Ethan na parang natutuwa pa ito.

Gusto ko pagalitan ito pero mas nangibabaw sa akin ang paghanga dito. Ok na din eto kasi natatakot ako kung malalaman nitong totoong may existing na mga Hunters, Wolf, at mga Bampira. Sila ng tatlong sigurado akong nakamasid sa amin, pero kanina ko pa iniisip kung sino ang dalawa pang grupo na alam kong nakatago sa pinaka masukal na area ng kagubatan. Nakakatakot ang aura ng dalawa pang grupo.

Ang kanina ko pa iniisip ay kung bakit kami ang pinapanood ng mga ito. Sino ba kami, di kami mahalagang nilalang ni Ethan. Hindi na ako ang nakatadhanang future Alpha ng Silber Diamond Pack.

Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang tinapik ako ng lalakkng nas aking tabi.

Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa mga palad niya ng dumikit ito sa aking katawan. Alam kong naramdaman niya din ito dahil bigla itong nagulat at napaangat ang kaniyang kamay.

Pero kita ko din sa mukha nito ang biglang pag patay malisya sa nangyari. Hanga ako sa galing niya sa pag patay malisya.

"That was a great ride, grabe ang presentation... Parang nasa Hollywood lang!"

"Ano ok ba! Pede na ba akong mag artista...?"

"Yap... Ako ang una mong magiging fan!"

"Salamat pero... fan lang???"

"Bakit may iba pa bang tawag aside sa fan?..."

"Ahhhhhh boyfriend pwede naman! Heheheh" sabay kamot ko sa ulo ko nang makita ko itong nagulat at mamula ito.

Nang sabihin ko iyon ay hindi na ito muli nagsalita. Kinabahan ako ng husto kasi naging flat affect ito yung walang wala kang makikitang emosyon sa kaniya.

Hinatid ko na siya sa bahay nila. Nandoon yung takot sa dibdib ko dahil di na tlaga ito nagsalita simula ng bitawan ko ang mga salitang iyon. Gusto kong suntukin ang sarili ko noong oras na iyon.

Pagdating sa lugar kung saan ko siya pinick-up kanina ay doon ko din siya dinala.

Nang bumaba ito sa kotse ay sabay ko bumaba din ako para humingi ng paumanhin dito.

Nang ibubuka ko na ang bibig ko ay bigla itong nagsalita.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo  Liam? To be honest naguguluhan na ako sa nararamdaman sa iyo. Everytime na magdidikit ang balat natin nandoon yung pakiramdam na natatakot akong mawala ka sa akin. Hindi ako bakla, pero kung ang pakiramdam na ito ay masasabi kong mag papatunay na bakla na nga ako ay tatanggapin ko pero... Liam natatakot ako di pa kita kilala. Pero handa akong kilalanin ka."

The Alpha Series Book 1: You are Mine (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon