Chapter 1

162 5 0
                                    

Chapter 1

Nerd

"Aiglentine!" Saway sa akin ni Julia ng mahuli akong umaakyat sa taas ng pader para makaalis sa school na 'to.

"Fuck! Why are you here?" Mahinang sabi ko. Kailangan kong magingat, baka mamaya ay mahuli kami ng guard dito at baka mamaya ay pati siya madamay.

"Bumaba ka diyan or else sisigaw ako dito" banta niya sa akin, sumimangot ako sa kaniya.

Bakit ba siya nandito? May klase kami ngayon, sinundan niya ba ako?

"Fuck! Glenn, you're grounded and you still have the guts to cut?" Mataray na saad niya. Lumiko kaming dalawa sa hallway para makadating sa room namin.

She said na ang paalam niya sa teacher namin ay magccr lang siya at ganoon rin ang paalam ko, hindi kaya't mahalata kaming dalawa?

"Sana ay hinayaan mo nalang ako. I can handle mom and dad" pangangatwiran ko sa kaniya.

"How about your brothers Glenn? I'm sure na kapag malaman nila ang ginawa mo ngayon ay magagalit sila" yumuko ako sa sinabi niya.

They can't be mad at me, disapponted is the right word. Arghhh! I just want to watch that theater movie.

"Don't tell it to them, papasok ako" labag man sa loob ko ay ginawa ko pa rin.

Maybe I can ask kuya Caius and Caio a favor? It's better right kaysa ang umakyat sa pader.

Tiningnan ko ang sugat na natamo ko kahapon dahil sa pagtakas ko. They are not allowing me to watch that movie because of the sexual content.

What the hell! I'm eighteen pero kung paghigpitan nila ako ay sobra sobra.

"Wait wait! It's Caius Glenn!" Kinakabahang saad ni Julia, napatingin ako sa harap at nakita si kuya na papunta sa amin.

Magtatago na sana ako nang tawagin ng magaling kong pinsan ang pangalan ko. Napakagaling!

"Aiglentine!" Sigaw nito. Napahinto ako sa pagtatago at tumingin sa kanila.

Palihim akong siniko ni Julia para sabihing hindi niya alam ang gagawin niya.

"Fuck!" Mahinang mura.

Napakunot ng noo si Caius sa narinig niya at marahas na tumingin sa akin.

"What are you doing here?" Seryosong saad niya.

"Umihi!" Wala sa sariling sagot ko. Muli akong siniko ni Julia habang si Roger ay humagalpak ng tawa.

"Couz, this is not the right way. The CR was located there, malapit sa room niyo ngayon" saad nito sa akin. Agad ko siyang tinarayan para pahintuin siya.

Ang bibig niya! Paano pa kaya kung nagsama sila ni Caio dito? Buti nalang at wala ang bruhildong 'yon dito.

"You're ditching your class Aiglentine? And you too miss Buenaventura?" Suminghap si Julia sa sinabi ni Caius at umiling.

"No, i'm not" mariing sabi niya. Tumaas ang kilay sa kaniya Caius ngunit muling tumingin sa akin.

"Maguusap tayo mamaya Aiglentine. Go back to your room, nagsisimula na ang klase" agad akong napabuga ng hininga sa sinabi niya ngunit agad ring umayos dahil sa tingin na ibinigay niya sa akin.

"I'm sorry for distracting you guys, pwede bang matanong kung saan ang computer lab?" Tumingin ako sa lalaking nasa likod nila.

Napalingon sa kaniya ang dalawang lalaki habang ako ay ine-eksamin siya.

He's wearing a big eye glasses. Nakahati sa dalawa ang buhok nito habang ang mga labi ay halos nakanguso na dahil sa braces na nakasuot dito.

Heck! He's completely a nerd!

"I'm sorry we don't know" agarang sabi ko at hinila na ang kaibigan papaalis doon.

I hate nerds, sabi ng isip ko.

"Kaya ka ba nandito dahil hindi mo alam kung nasaan ang room niyo Aiglentine?" Kuya said, agad akong napahinto sa paglalakad at pinamulahan ang aking pisngi.

The fuck?

"Don't be rude Glenn, show the way for him" Caius commanded. Hindi na ako nakaangal sa kaniya at tumingin sa nerd na sumingit sa amin.

Gosh! Nerds are smart right? Bakit hindi nalang siya kumuha ng mapa at magala dora dito?

"C'mon man, follow them. Doon rin ang punta nila" Roger said, agad akong napasimangot sa kaniya.

Tuluyan na silang tumalikod sa amin habang naglalakad patungo sa campus nila. Bakit ba sila nandito? May inutos na naman ba sa kanila?

"I'm sorry kung naistorbo ko kayo. Bago lang kasi ako rito" madaldal na saad ng lalaki. Napairap ako ere habang hila hila ang aking kaibigan.

"It's okay. You're going to Computer lab right? For what reason?" Ususyong tanong ni Julia.

"Because of my subject, sa Computer lab daw" napatigil ako sa sinabi niya.

"Woah! Is that mean that you're our classmate?" Masayang saad ni Julia. Agad ko siyang kinurot sa tagiliran na ikina-aray niya.

"Ouch!" Singhal niya sa akin. Umirap ako sa kaniya at pinagpatuloy na ang paglalakad ko.

Kailangan bang matuwa na kaklase namin siya? Supposedly not, nakakababa ng standards para sa akin ang dumikit sa kaniya.

"Hey Glenn!" Tawag sa akin ng kaibigan. I just waved my hand to her at nauna na sa kanila.

"Pagpasensiyahan mo na yung kaibigan kong 'yun. Mabait naman yun ei, kaso maarte nga lang" pagdadahilan niya.

"That girl! Gosh!" I bluffered silently.

"Miss Puertollano! Saan ka na naman pumunta? Ditching your class again?" Mataray na saad ng teacher namin pagkapasok ko sa classroom.

"Ma'am I just talked something important to my brother" pagdadahilan ko.

"At ang CR ay napunta sa pakikipagusap sa kuya mo?" Sarkatikong saad nito.

Palihim akong umirap sa kaniya. Annoying!

"Try to ask my kuya then, I'm sure na magugustuhan mo 'yun" biro ko.

The whole class laughed at my joke pero ang tenga ng teacher namin ay namumula na.

"Quiet!" Sigaw niya "I said quiet!" Marahas na sigaw niya muli nang hindi sila tumigil sa kakatawa.

"You-" nangagalaiting saad niya ngunit pinutol 'yon ng nasa likod ko.

"Ma'am!" Saad ni Julia pagkarating.

"And you miss Buenaventura saan ka pumunta?" Galit na saad niya sa akin kaibigan.

"CR ma'am, then I saw Glenn having a talk with Mr. Caius and Roger kaya napatigil na rin ako, then we bumped to new transferee" tumingin sa kaniya si Julia kaya namula kaunti ang mukha nito.

Yuck! May gusto siya sa kaibigan ko and that's a no no no for me. Kailangan ilayo si Julia!

"Are they telling the truth mister?" Seryosong tanong ni ma'am sa kaniya.

Agad akong kinabahan dahil baka baliktarin niya kami ni Julia pero nakahinga rin ng maluwag ng unti unti itong tumango sa teacher namin.

"Yes ma'am. I saw this two talking at the two guy, kamukha niya yung isang lalaki so I guess, they are siblings" I heard Julia sighed kaya naman pati ako ay nakahinga na rin ng tuluyan.

"Pasalamat kayo at may sumalba sa inyo" umuusok na saad ng teacher namin na ikinangisi ko nalang.

Kahit wala siya miss, makakaligtas pa rin ako sa 'yo.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon