Chapter 17

49 4 1
                                        

Chapter 17

Caius coat

"Go away Caio! Your girlfriend needs you... right now" nandidiring saad ko. Tumalikod ako para ngumiwi.

Hell! Nakakakilabot talagang isipin na girlfriend siya ng kapatid ko.

"Aiglentine, I won't tolerate you this time. Let's talk..." Malalim na saad ni Caio sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at tumingin nalang sa mga pinsan kong nasa likod na pala namin.

Roger smirked on me, si George ay seryosong nakatingin sa akin habang si Raymond ay may nagtatanong na mukha. Inirapan ko sila, ang bilis talaga ng balita. Mga tsismoso!

"Aiglentine" narinig ko ang pagsinghap ni Caio sa aking likod kaya hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. What for? Para magaway ulit kami?

Itinuloy ko na ang paglalakad palabas. He immediately pulled my hands para pigilan ako, inis akong humarap sa aking kapatid.

His mad eyes pierced on me, kala niya ba siya lang ang galit? Ako rin ay galit! Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at umiling.

"I'm disappointed to you Aiglentine" tanging saad niya pagkatapos ay umiling.

I gulped, masakit pakinggan ang mga salitang 'yon, lalo na't nanggaling pa ito sa kapatid mo. I smirked on him, trying not to break the wall between us.

"You better do because I am too, is disappointed" totoong sabi ko sa kaniya. Pumungay ang mga mata nito sa sinabi ko.

Inis niyang sinabunutan ang kaniyang sarili na para bang nababaliw na.

"Fuck Aiglentine! This is not how I wanted you to act"

"Of course! B'cuz I won't let you to dictate me on how will I live my life" matama kong sabi sa kaniya. Muli siyang suminghap sa sagot ko. The students are now watching us, seems like they enjoying the movie. Umirap ako nang makita si Julia na itinataboy ang estudyante. Sa tingin niya ba ay mapapalayas niya lang sila ng basta basta?

"It's not her fault Caio!" Sigaw ng pamilyar na boses, lumingon ako kung saan ito nanggaling at nakita si Patrick.

Kinagat ko ang baba ng aking bibig at tiningnan ng matalim si Patrick.

"Shut up!" banta ko sa kaniya. Imbes na sundin ako ay lumapit pa ito sa amin.

"I saw your girlfriend bullying someone. Glenn just saved the girl from your girlfriend, Caio" pagpapaliwanag niya sa kapatid ko. Inis akong tumingin sa kaniya dahil sa maingay niyang bibig.

"I said shut up!" Inis na sigaw ko sa kaniya. My voice echoed in the whole room. Walang nagtangkang magsalita sa mga oras na 'yun maliban sa isa...

"Are you done?" Napalingon ako kay kuya Caius na seryosong nakaupo sa malayo. Kanina pa ba siya diyan?

Malalim ang tingin nito sa amin kaya naman ay umiwas na ako. Lumapit siya sa amin at bahagyang tumigil sa pwesto ni Cassandra na ngayon ay natatakot na sa presensiya niya.

"You saw what our sister did right?" Bungad ni Caio sa kakambal. Napakagat ako ng labi.

"I do, but I also saw what your girlfriend did" malamig na sagot nito. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Caio at nalilitong tumingin sa kaniyang nobya.

Nilagpasan sila ni kuya Caius at lumapit na sa akin, naiiyak akong tumingin sa kaniya. Kanina ko pa 'to pinipigilan pero mukhang tutulo na ito ngayon. Kuya smiled to me,  at kinuha ang kaniyang panyo sa bulsa. Pinunasan niya ang kamay ko na nadumihan mula sa pagkakatapon ng pagkain.

"Did you ate?" Tahimik akong umiling. Pinipigilan pa rin ang pagtulo ng aking luha. He grabbed me and hid me inside of his coat.

"Don't worry baby, kuya is here" pagaalo niyang bulong sa akin. 'Di ko na napigilan ang pagluha ko, kusa itong bumuhos dahil sa sinabi niya. Bahala na! Hindi naman nila mapapansin na umiiyak ako ngayon ei, I'm pretty sure that kuya Caius won't let them know.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon