Chapter 54

57 3 0
                                        

Chapter 54

Stupid

"Manang, pabili naman po ng bangus" saad ko sa matanda habang sinusuri ang mga kakadating palang na isda.

"Kakabili mo lang kahapon hija ah" sagot niya sa akin.

Napakamot ako sa aking ulo at nahihiyang ngumiti rito.

"Nagaaral po kasi akong magluto"

"Ganun ba? O' sige! Kumuha ka na diyan, bibigyan kita ng mga sangkap" saad nito.

Agad kong iwinaksi ang mga kamay ko.

"Naku! Hindi na po, baka-"

"Huwag mong tanggihan ang grasya hija. O' eto, dalhan mo nalang kami dito kapag masarap na ah" biro niya sa akin.

Napangiti ako at tinanggap ang kaniyang bigay. "Maraming salamat po"

This is what I like in this place. I can roam around and people will give you a space, bukod pa 'don ay mababait rin ang trato nila sa 'yo.

The surrounding cheered me up from what happened two weeks ago. Bitbit ang mga pinamili ay pinili ko nalang na sumakay sa tricycle kesa sa maglakad sa init ng araw.

I nodded to tricycle driver at agad na niyang nalaman kung saan ako magpapahatid.

I have my own place here at San Jose, I invested a lot of money para lang makapagpatayo ako ng sariling bahay dito.

Pagkarating sa bahay ay dumeretso kaagad ako sa kusina para ayusin ang mga pinamili ko.

"Hija?" Napabaling ako sa pintuan nang makita si Nanay Selya. Lumapit ito sa akin at tiningnan ang mg pinamili ko.

"'Nay nandito na po pala kayo!" Saad ko.

Manang nodded to me "Nakita kita sa tricycle kanina, kaya pumunta na rin ako dito... Mga sariwa ito ah, saan ka bumili?"

"Sa may bungad po ng palengke, kakadating lang rin po ng mga isda kanina doon. Mga bagong huli" masayang saad ko.

Mahinhing ngumiti sa akin si manang.

"Magaling! Marunong ka ng mamalengke" puri nito sa akin.

Kapit bahay ko si Nanay Selya sa baryong ito, siya ang unang nakakita at bumati sa akin rito.

Her family helped me a lot to adjust in this new place and I am so grateful to them.

Binibigay ko sa kanila ang mga sobra kong niluto habang sila naman ay nagbibigay rin sa akin, kung minsan pa nga ay niyaya  nila akong sumalo sa kanila hapag kainan.

"Ano bang lulutuin mo ngayon?" Kuryuso niyang saad.

"Adobong bangus po sana" I said.

"Madali na lang 'yon para sa 'yo" saad niya.  Tumango ako sa kaniya at sinimulan ng umpisahan ang gagawin.

Nanay Selya helped me to cut the ingredients habang hinuhugasan ko ang isda.

Buong araw ay pagluluto ang ginagawa ko, kung hindi pagluluto ay naglilinis ako ng bahay kahit wala namang lilinisan. Minsan rin ay nanonood ako ng mga palabas kaya may alam pa rin ako sa kung anong nangyayari sa maynila.

Mahigpit kong niyakap ang aking tuhod habang dinadama ang ihip ng hangin. I can see the brightest star here na hindi gaanong nakikita sa syudad.

I felt peace yet I'm so lonely. I sighed deeply and decided to close the door and windows para makatulog na.

Kinabukasan, matapos magayos ng sarili ay pumunta ako sa likod ng bakuran nila Nanay Selya para magdilig ng mga halaman. I saw his son, Marco waving at me. Kumaway rin ako dito tanda ng paggalang kahit na kaedaran ko lang rin ito.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon