Chapter 8

62 5 0
                                    

Chapter 8

Confront

Nawalan ako ng balanse dahil sa sinabi ng pinsan ko, agad niya akong inalalayan sa aking siko pero tinaboy ko 'yun.

"I- I mean... Don't worry! I'll find someone who is more suitable than him" matapang ngunit hindi ko siguradong sabi.

Roger's mentor is my last gun, hindi ko na inaasahan ang kay Julia dahil kahit na ipagpumilit niya 'yun ay hindi ko tatangapin.

"Sa tingin mo ba may mahahanap ka pa?" Singit muli ni Kuya, hindi ako nakaimik sa kaniya.

I don't know? Maybe, I'll give up on that competition.

"Glenn, the most suitable mentor was already here. Brent told me that Jarrett is a member of choir in France, besides on that he was enrolled to Music school also when he was in Grade School hanggang Middle School. He did played some different instruments and performed it on theatre, he also won some awards because of that Glenn. Naalala mo ba ang pinanood nating Musical competition sa Paris? Ramona, seems familiar right? He won on that too.  His knowledge about music and instrument is suitable to teach you"

Nalaglag ang panga ko dahil sa mga sinabi niya. I had been performed on the stage, won some awards too, pero ang malaman ang mga nagawa ni Jarrett ay nakakababa ng sarili.

Naalala ko ang sinabi niya, the guy who was in his glasses, performing in the huge stage with his piano. Napalunok ako ng maisip ko ulit ang mukha ng lalaki, it's Jarrett.

"Damn!" Mura ko

"Aiglentine, your words" sita sa akin ng kapatid. Sumimangot lang ako sa kaniya pagkatapos ay mariing pumikit.

"Settle your misunderstanding Glenn, talk to him" seryosong saad niya. Tinap niya ng dalawang beses ang balikat ko pagkatapod ay pumunta sa corner edge ng pader.

Should I talk to him or not? Pero yung mga sinabi ko! Hindi nagbago yung pagtingin ko sa kaniya pero nakaramdam ako ng hiya. Fuck! I need him alright, pero may pride was pretty hurt. Hindi ko kayang kausapin siya, I won't, never...

-
"What? Ulitin mo nga ang sinabi mo Glenn! I heard it right? You're giving up?" Singhal sa akin ni Julia, napayuko ako sa desk ko. Nanghihinayang ako sa naging desisyon ko.

I talked to mom, I told her that I want a mentor and if she could retrain my allowance para mabayaran yun pero hindi siya pumayag, damn! What a life!

"Glenn, I'll find you some mentor okay? Just don't give up this competition, we're waiting for it right?" Kumbinsi niya sa akin, umiling ako sa kaniya. Bumuga siya ng hininga nang makita ang reaksyon ko.

"Paano yung mentor na sinasabi ni Roger?" Sumimangot ako sa sinabi niya, that's my nightmare, hindi ako pinatulog non.

Agad akong napaayos ng upo nang makita ko si Jarrett na pumasok sa loob ng room, hindi ko siya tiningnan ngunit pinapakiramdaman ko ang kilos niya.

"Niana is absent right? May I seat here?" Tanong niya sa kaharap naming kaklase, napakunot ang noo ko. May balak ba siyang lumipat ng upuan?

Tumango sa kaniya ang kaharap ko at bahagyang umurong para makaupo si Jarrett, sumimangot ako. See, If I will convince him to mentor me ay magiging awkward para sa aming dalawa. Hindi ako makakatagal sa kaniya.

"Ja-" agad kong hinawakan ang kamay ni Julia para pigilan siyang lumapit kay Jarrett, tumaas ang kilay niya sa ginawa ko.

"The bell will rang soon, go to your seat" mariin kong saad sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero sumunod rin sa akin.

Katulad ng sabi ko ay agad na nagbell hudyat na magsisimula na ang klase para sa lahat ng Senior High. Maya maya ay pumasok na rin ang adviser namin.

"Class, I have some announcement pero bago 'yon ay gusto kong magsiupo muna ang lahat" the boys immediately sit down at nakinig na sa prof namin.

"As you already know, the foundation week will start next month at may mga activities tayong gagawin. The committees decided that each blocks will be a rival, that means ang block niyo ay makikipaglaban sa iba't ibang section at courses. I want you all to decide kung sino ang lalaban sa Lakan at Lakambini, Tinig ng Samuelista at sa Cheering dance. Guys once you've won, may premyong ibibigay individual and for the wholr class, so I hope you'll join"

Pumalakpak ang mga kaklase ko dahil sa anunsiyo. Pumalumbaba ako sa pwesto ko, sino kaya ang sasali ngayon sa Tinig?

"Ma'am si Glenn po para sa Lakambini" sigaw ng kaklase ko, napanguso ako sa sinabi niya at napangiti. Pwede rin naman akong sumali doon just to divert my attention.

"Marivic, wag ka nga! Ma'am Julia is for lakambini then Glenn for Tinig ng Samuelista!" Napasinghal ako sa nagrekomenda noon, tumingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin pero tanging pagkibit balikat niya lang ang ibinigay sa akin.

"Tama si Celline ma'am! Don't get us wrong Glenn ah, you're beautiful pero wala tayong pambato para sa kantahan" hindi ba nila alam na magaling kumanta itong isa sa nasa harap ko ngayon?

"Ma'am, I agree to them. Ako nalang sa lakambini at si Glenn na ang ipambato natin sa Tinig" Julia pursued. Nasapo ko ang noo ko dahil sa mga sinabi nila.

I can't reject them, nakakahiya!

"Is it okay for you Glenn?" Tanong sa akin ni miss, bahagya akong tumango sa kaniya. I don't know what to do except for nodding to my adviser. Damn! Nadali na.

"Yes!" Maligayang sigaw ni Julia. Palihim akong lumunok dahil sa mga problema ko ngayon.

Ang mga kaklase ko ngayon ay nagkakatuwaan na dahil sa mga pinipiling lakan at sa mga sasayaw. Humilig ako sa aking table at mariing pumikit. Bahala na!

"Usog please" pangungulit ni Julia, ngumuso siya sa akin para mapilit ako.

Walang imik na sumunod ako sa kaniya, umusog ako sa pwesto ni Jarrett habang ang ulo ay nanatili sa desk.

"Glenn, what a trap!" Humagikhik siya sa sarili niyang sinabi at pinaglaruan ang mahaba kong buhok. "Paano yan, hindi ka na talaga pwedeng magback-out" pangaasar niya sa akin. Umirap ako sa hangin.

"Shut up Julia" walang ganang saad ko. Naramdaman ko ang paghinto niya sa paglalaro sa aking buhok pero hindi ko ito pinansin.

"Are you mad?" Mapanuri niya akong tiningnan, hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumayo na papunta sa adviser namin.

"Miss, cr!" Saad ko sa kaniya, nakangiti itong tumango sa akin at mulibg ibinaling ang atensiyon sa aking mga kaklase.

I am not in the mood right now, I need to breathe, masyado na akong nasasakal. Fifteen minutes left Glenn, maghintay ka lang at makakauwi ka na rin.

Tumuloy akong pumasok sa restroom para maghilamos. Nanlalagkit ako, feeling ko andaming nangyari sa araw na to.

Tiningnan ko ang aking repleksiyon sa salamin, you looks so tired Glenn! Umayos ako ng tayo at muling tinitigan ang aking sarili upang maeksamin kung ano ang nagbago. Bukod sa mukha kong mahahalata mong maraming problema ay nakita ko rin ang maruming uniporme ko, Gosh! What the hell! Bakit nagkaroon ng dumi dito?

Nanggagalaiti akong sumigaw at inis na lumabas. Fuck it! Fuck it! Sa tingin ko ay nakuha ko kanina 'yon sa mga outsiders. Nakakainis! Nakakabugnot ang araw na ito

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon