Chapter 18
Dimple
Dahan dahan kong sinabit ang gitara sa aking balikat habang pinapakiramdaman ang seryosong si Jarrett ngayon. Kanina pa kami hindi nagiimikan dito, ang tanging naririnig lang namin ay ang ingay ng aircon.
Huminga ako ng malalim at mahinang ini-strum ang gitara. Kita ko ang paglingon niya sa akin ngunit umiwas rin kalagitnaan, napasimangot ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko ei!
Padabog akong tumayo mula sa aking pwesto at matalim na tumingin sa kaniya.
"Hindi ba tayo nagpapractice? Uuwi nalang ako" banta ko, umiling siya sa akin kahit na nakatalikod kaya naman ay napangising aso ako. Seriously?
Nang hindi pa ito umimik sa akin ay pinili ko ng lumabas. I'm serious, kung wala rin lang naman pala kaming gagawin ay aalis nalang ako. Pwede naman akong tumambay muna sa malapit na mall dito para hintayin si kuya Caius.
Pagkababa ko ay agad na sumalubong sa akin ang malinis na sala nila, nakakahiyang tapakan dahil parang bagong linis. Nagdadalawang isip pa ako kung tatapak ba ako dito o hindi ngunit sa kalagitnaan ng aking pagiisip ay naabutan ko si kuya Brent na kakauwi palang galing sa school. Agad na namula ang mukha ko, shucks! Kapag sinisuwerte ka nga naman oo.
Nagningning ang mga mata ko nang makita ang nakangiti niyang labi. His lip is thin, actually, mukha siyang bad boy but in reality he's playful and friendly. Matangkad rin ito katulad ng sa kapatid niya, it was just Jarrett is nerd while him is so fucking hot!
Lumapad pa lalo ang mga ngiti nito ng makita ako sa kanilang hagdanan.
"Hey Glenn! Nice to see you again" bati niya sa akin. Agad akong yumuko dahil nafi-feel ko na naman ang init sa aking mukha. Ayokong makita niya iyon, nakakahiya. Pasilay lang akong tumingin sa kaniya para hindi niya mahalata na may tinatago ako.
His white polo suits him very well, ang nakababa rin nitong buhok ay mas lalong nakakabata.
"Kuya Brent!" Mahinang bati ko sa kaniya kahit na nakatago ang aking mukha. Mahina siyang humalakhak at bahagyang lumapit sa akin.
"You're so cute! Tapos na ba ang practice niyo ni Jarrett? Bakit ang aga naman?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala ata kaming practice ngayon? He's not teaching me, kaya uuwi nalang siguro ako" sumbong ko sa kaniya. Tumaas ang kanang kilay niya sa sinabi ko at bahagyang tumingin sa taas.
"Baka sinusumpong na naman..." Mahinang bulong niya, marahan siyang umiling pagkatapos ay pinilig ang kaniyang ulo. "Ihahatid nalang kita sa inyo. Mamaya pa ang labas ni Caius sa school, they are preparing for our foundation" agaran akong umiling sa alok niya.
This is a big opportunity Aiglentine, pero ang grasya tinataboy mo na kaagad! I am shy, of course! I have a crush on him simula nang ipakilala siya ni Roger sa amin, ako lang mismo ang nakakaalam 'nun at wala ng iba pa.
"No kuya! I should wait for kuya Caius, magagalit 'yon sa akin" totoong saad ko. Kuya brent nodded to me pero hindi pa rin nagpatalo.
"Then you should stay here more" muli akong umiling.
"Siguro sa mall nalang kuya?" Pagpipilit ko.
"Alright! Pero sasamahan kita. I need to make sure that our guest is safe" namilog ang mga mata ko sa sunod niyang sinabi. My heart is beating so fast na akala mo'y may karerahan ng mga kabayo. He's hard headed too, just like me.
"Oka-" pagsuko ko sana, pero pinigilan iyon ng nasa taas.
"Who told you na pwede ka nang umalis?" Malamig na tanong ng nasa itaas. Agad akong napalingon sa kaniya ngunit nagsisisi rin nang makita ang matalim niyang tingin. His dark aura walked toward us kaya naman ay napaatras ako ng kaunti.
BINABASA MO ANG
Ring of Strings (Artista Series #1)
RomanceAiglentine Puertollano is a typical dreamer who had been scarred by her past, yet she make it as her motivation to be on a top.