Chapter 30
Surprise!
"Glenn, si Jarrett ba wala?" Tanong sa akin ni Celine habang nililigpit ang mga plato sa lamesa.
Umiling ako.
"Hindi ko alam, hindi siya nagsabi sa akin"
Pinunasan ko ang lamesa pagkatapos ay inayos doon ang mga upuan. I'm helping them for our booth, tunay nga na malakas ito lalo na ngayon. Students are now enjoying the scenery that was happening here in our school.
"Glenn, ako na diyan" Patrick volunteered. Agad kong itinaas ang kanang kamay ko para pigilan siya.
"I'll do it. You should accompany the other customers" saad ko sa kaniya.
Tumingin ito sa paligid at tiningnan ang mga iba pang customer na nakapila. Bahagya itong tumango sa akin pagkatapos ay umalis.
"Glenn, are you fine being with him?" Nagaalalang tanong ni Celine.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Of course! I am" sambit ko. She nodded to me pagkatapos ay hindi na umimik pa.
"Hi Glenn!" Bati sa akin ng isang grupo. Napalingon ako dito at nakita ang mga ka teammates ni Roger, nandito rin si kuya Brent na nakangiti sa akin.
"H-hello" nauutal kong saad. Naghiyawan ang buong grupo nang sumagot ako, ang iba sa kanila ay nakipag apiran pa.
Sundutin ko kaya mga mata niyo? Mga babaero!
"Did they assign you here?" Kuryusong tanong ni kuya Brent sa akin. Umiling akong muli.
"No, I volunteered" I clarified.
Tumango sa akin si kuya Brent at tiningnan na ang menu na nakalagay lang sa ibabaw ng lamesa.
"Glenn, pwede ba naming makuha number mo?" Ngumisi ako sa nagtanong.
Kita ko ang pagtigil ni kuya Brent sa ginagawa at bahagyang siniko ang kaibigan niya na nagtanong.
"Shut up dude!" suway niya. "Don't mind them Glenn" saad niya sa akin. Tipid lang akong ngumisi sa kaniya at marahang napakamot sa aking leeg.
"C'mon Brent, we just want to get her number. Wala naman sigurong masama doon? Single ako, single siya-"
"At pinsan niya ako" malamig na saad ni Roger. Tumahimik kaagad ang nagsasalita habang ang iba nilang kaibigan ay nagsiubuhan.
"Go away Glenn, tatawag nalang kami mamaya kapag may napili na kami" pangtataboy ni Roger sa akin.
Tumango ako sa kaniya at pinili nalang na umalis sa pwesto nila. Mas mabuti na rin 'yun, iwas gulo.
Nakasalubong ko si Patrick sa grill station kaya naman ay kaagad ko siyang hinawakan. Speaking of gulo, kailangan'g paiwasin ko muna si Patrick kela Roger dahil baka magkaroon na namang ng World War III sa pagitan nilang dalawa.
"Roger and his friends are here. Mas maganda sigurong dito ka muna tumulong kesa sa kumuha at magbigay ng mga order. Iwas gulo muna"
I know that he's fine with my cousins but my cousins are not fine with him. Medyo mainit na rin ang trato sa kaniya ng mga studyante dito magmula ng kumalat ang mga nangyari sa amin. I don't know if he trully deserves it pero nakakaawa lang dahil iwas na ang mga studyante sa kaniya.
"Okay" tipid niyang sagot habang nakayuko.
"I'm sorry" paghihingi ko ng paumanhin sa kaniya. Itinaas nito ang kaniyang ulo at umiling.

BINABASA MO ANG
Ring of Strings (Artista Series #1)
RomanceAiglentine Puertollano is a typical dreamer who had been scarred by her past, yet she make it as her motivation to be on a top.